11

1.5K 29 0
                                    

Nara

Dumaan ang Pasko at bagong taon na naging mabait sa akin si Travis. Ni hindi ko naisip na posible pala mangyari ito pero heto, nakikipag-usap siya sa akin na parang walang naging alitan o hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin.

Hindi rin maiwasan na mas mapalapit ang loob ko sa kaniya dahil sa walang mintis niyang pagbibigay sa akin ng Chuckie tuwing umaga. Simula nang magkaayos kami, ang unang bubungad sa akin sa umaga tuwing bubuksan ko ang pintuan ay ang karton ng Chuckie.

Ayoko mag-assume na kaya niya ginagawa ito ay dahil interesado siya sa akin pero minsan, hindi ko maiwasan. Hindi naman siguro ako masisisi na umasa, hindi ba? Sa araw-araw, tuwing kaharap niya ako, parati siyang nakangiti at nagpapakita ng kabutihan. Bukod ruon, lagi niya akong binibigyan ng kung ano-ano, lalo na ng Chuckie.

Sabihin na natin na ganuon talaga siya sa mga kaibigan niya pero kasi kahit anong tatak ko sa isip ko na ganuon lang talaga siya, may parte pa rin sa akin na umaasa.

Bago pa man ako manirahan dito, hindi ako naghahangad ng kahit na anong konektado sa pakikipagrelasyon dahil ayoko nang dumagdag pa ito sa paghihirap ko. Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng katahimikan, ang mawala na lang sa mundo para matapos na ang paghihirap ko pero nang dahil kay Travis, kahit papaano ay nag-iba ang pananaw ko.

Hindi ko nga alam sa sarili ko kung simpleng paghanga lang ito o higit pa. Inuulit ko, hindi naman na bago sa akin ang makaramdam ng ganito dahil naranasan ko na ito sa una kong boyfriend.

Kung sakaling mahulog na talaga ako ng tuluyan kay Travis, siguro itatago ko na lang. Natatakot kasi ako na masaktan. Ayokong maulit ang nangyari sa akin sa kamay ng dati kong boyfriend.

Kung iisipin, hindi pala talaga ako naging masaya noon kahit pa nagkaroon ako ng boyfriend. Minahal ko ito pero wala namang nangyari sa pagmamahal ko na iyon. Umabot lang kami ng tatlong buwan bilang magkarelasyon at nabali rin kaagad dahil pinagtangkaan niya ako.

Iyon ang hindi ko matanggap. Ang lalakeng akala ko noon na magliligtas sa akin, na mag-aalis sa akin sa kalungkutan ko ay siya pa na sumira sa tiwalang bihira ko ibigay. Kung hindi pa siguro ako tinulungan ng kapatid nito, malamang sa malamang ay patay na ako dahil nasa isip ko noon na kapag nawala ang puri ko sa hindi ko gustong paraan, tatapusin ko na ang buhay ko.

Pati sina Lola ay natuwa dahil nakikita nila kami ng alaga nila na naging malapit sa isa't-isa. Minsan nga na kinausap ako ni Lolo, ang buong akala raw nila ay hindi kami magiging magkaibigan ni Travis pero nagkamali sila.

Ang saya niya lang maging kaibigan. Ang hinihiling ko lang, sana ay walang magbago sa amin.

"Ano ka ba?" Bumuga siya ng hangin saka ako inirapan. Ang nakakatuwa pa, humalukipkip siya para ipakita na naiirita siya. "I thought I already told you that you're all good?"

Ugali niya nga siguro talaga ang ganito.

"Sigurado ka?" Umikot ako sa harap ng salamin habang tinitignan ang uniform ko. Medyo hindi ako kumportable kasi medyo maiksi ang palda ng uniform ko. Pakiramdam ko, kaonting hanging lang, aangat na ito.

"Nara, bakit ba masiyado kang conscious?" Pinatigil niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa tenga ko kaya sinimangutan ko siya. "Maayos naman itsura mo; it suits you."

Wala akong nagawa kung hindi bumuntong-hininga saka ako tumango ng isang beses. "Okay." Sinimulan ko nang hubarin ang mga suot ko saka ko ito itiniklop at ipinatong sa table niya.

Natatakot lang naman ako na baka hindi bumagay sa akin ang uniform ng university na papasukan ko. Ayokong ulanin ng tukso sa oras na tumapak ako sa loob nito.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon