Nara
Isang buwan pa ang lumipas na hindi kami nag-uusap ni Travis. Masaya na ako sa ilang segundo na pag-uusap namin sa tuwing tinatawag ko siya sa kwarto para kumain o kung kailanganin man siya nina Lola. Minsan nga, gumagawa na lang ako ng dahilan para makausap siya.
Naulit na naman ang sitwasyon kong ito. Dati kasi, nagpapapansin ako parati kina Mama para lang bigyan nila ako kahit kaonting atensyon lang. Ngayon naman, kay Travis.
Nariyan kasi iyong minsan na magpapatulong ako sa maliliit na bagay, ang manghiram ng laptop niya kahit wala naman akong kailangang projet, makisuyo na abutin ang mga bagay na hindi ko naman kailangan. Simpleng mga bagay pero sa mga iyon ako nagkakaroon ng kahit kaonting oras para kausapin siya.
Nakakaawa na ako.
Dahil malalim na ang gabi, pinilit ko na lang matulog. Hindi rin naman nagtagal ay nakatulog ako't nag-astral walk. Na-miss ko na kasi si Chuckie kaya gusto ko ulit siyang makita at makausap. Ang tagal ko nang hindi nakakausap ang nilalang na iyon. Iniwan ko ang katawan ko't kinuha ang bracelet na nagsisilbing proteksyon sa akin mula sa mga anino saka ako lumabas ng bahay. Wala nang tao nang tignan ko ang kalsada at tanging ang dalawang poste lang ng ilaw ang nagbibigay liwanag sa lugar namin.
Gusto ko rin sanang hanapin si Travis dahil narinig ko itong nagpaalam kina Lola na gagabihin ito ng uwi pero kahit naman mahanap ko siya, hindi niya naman ako makikita.
"Chuckie?" sigaw ko habang tinitignan ang paligid. May iilang anino ako na nakikita sa mga bahay at sa sulok ng puno at dahil nasanay na ako sa kanila at alam ko namang ligtas ako as long as suot ko ang bracelet, hindi ako natakot. "Chuckie?"
May isang anino na nagtangkang lumapit sa akin pero hindi ito tumuloy nang hinawakan ko ang bracelet. Biglang may tumunog mula sa mga puno sa likod ng isang bahay at nang lingunin nito ang direksyon na iyon, dali-dali itong umalis.
Nagsalubong ang mga kilay ko dahil may narinig akong pag-ungol kaya dala ng kuryosidad, hinawakan ko muna ang bracelet sa pulso ko saka ko ito tinungo. Habang naglalakad ay umiiwas ako sa mga sanga ng mga halaman at unti-unti na rin na lumalakas ang ungol na naririnig ko.
Pilit kong hinahanap kung saan nanggagaling ang tunog na iyon at hindi ko tinangkang gumawa ng ingay dahil hindi ko alam kung ano ito. Malay ko ba kung elemento rin ito na nagboboses tao lang para maahanap ng biktima.
Napatigil ako dahil sa naisip ko.
Oo nga. Paano kung ganuong klase ng elemento ang gumagawa ng ingay na iyon?
Ang mga iniisip ko, naialis ko sa isip ko nang marinig ko ulit ang ungol. Parang hindi naman ito nangbibiktima. Para pa nga itong nasasarapan. Pero posible kayang may gumagawa ng makamundong bagay sa liblib na lugar na ito? Nakakaloko naman kung ganuon.
"Huwag kang tumigil." hiling na narinig ko mula sa isang babae. Napalingon ako sa kaliwa dahil duon nanggaling ang tunog.
Huwag mong sabihin na may nag-se-sex talaga rito sa astral plane?!
Kaonting lakad lang ang ginawa ko nang makita kong may gumagalaw sa hindi kalayuan. Sa direksyon ring iyon nagmumula ang mga ungol. Nanatili ako sa hindi kalayuan para hindi ako makita ng mga ito. Medyo nahirapan ako aninagin kung tao ba ang mga ito o elemento lang rin dahil madilim at ang tanging ilaw lang ay nanggagaling sa buwan.
Lumapit pa ako nang kaonti at hinawi ang ilang halaman para mas makita ko ang mga ito. Hindi ko lang inaasahan ang nakita ko dahil kilala ko ang dalawang gumagawa ng ingay.
Si Chuckie at iyong babaeng sumugod sa akin noon habang nasa playground ako. Madilim man pero kitang-kita ko pa rin ang mga mukha nila kaya hindi ako puwedeng magkamali.
![](https://img.wattpad.com/cover/203579574-288-k890390.jpg)
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...