41

791 19 1
                                        

Nara

Pagkalabas na pagkalabas ko sa banyo, tinawagan ko kaagad si Jasper. Alam kong may importante siyang lakad pero baka naman mai-reschedule niya iyon. Alam kong ang kapal lang pero mas gusto ko puntahan si Travis.

Bakit ba kasi nagsabay pa sila ng sinabing oras?!

"Nara, I can't." Nanglumo ako sa sinabi niya pero kailangan ko siyang pakiusapan.

"Please? Importante lang kasi sa akin iyong 8PM."

"Sinong kausap mo, Nara?" tanong ni Izzy mula sa likuran pero hindi ko siya tinignan.

"Ano ba kasing gagawin mo?"

"Ano... basta."

"Nara, if can't tell me then don't expect me to move it back to 7PM. It's already 5PM and I have shit ton of stuff to do."

"My happiness."

"What?"

"Babalik ako sa... sa happiness ko."

"I don't know what you're talking about so whatever. But how do you expect us to consume a date in just an hour?"

"Hala.

"Yeah. Hala."

"Paano... Paano kung mag-dinner na lang tayo tapos iyon na? Sabihin na natin sa papa mo na lumabas talaga tayo?"

"Sakit ka talaga sa ulo, Nara." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Let's meet by 6PM. Let's make this 2 hours of date worthwhile kaya bilisan mo."

Binabaan niya ako ng tawag kaya inilayo ko sa tenga ko ang cell phone ko saka ito tinignan. Pagkapihit ko patalikod para makapagbihis na, bumungad sa akin si Izzy na nakapamewang habang salubong ang mga kilay.

"Are you two timing, Nara?"

"H-Hindi."

"Why would you date another guy then?"

"Okay. Izzy," Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. "Calm down. Hindi ito date talaga. Mahal ko Travis at alam kong alam mo iyon. I'm not two timing at ginagawa ko lang ito para ma-void ang kontratang pinirmahan ko sa kanila kasi ayokong maiwan ito ng basta-basta kapag nawala na ako."

Bigla na namang nag-ring ang cell phone ko kaya ang mga mata niya, naiikot niya. "Why are you so in demand today? Oh, my god."

"Sorry." matawa-tawang sinabi ko dahil hindi mapigilan. Ang cute kasi talaga niya kahit ganito siya umakto. "Si Daniella?" Napatingin siya sa akin saka nakitingin sa screen ng cell phone ko. "Good luck and be happy." Napatingin ako kay Izzy dahil naguluhan ako sa message ng kapatid ko. "Ang weird."

"That stupid baboon." bulong niya habang nakangisi saka ipinagdaop ang kamay sa ere. "Anyway, let's dress you up and fix your makeup."

Medyo nagtalo kami matapos niya ako ayusan dahil ang kikay ng gusto niya ipasot sa akin pero nang ipakita ko sa kaniya ang gusto ko suotin, pumayag na rin siya. Light makeup lang ang ginawa niya at ipinares niya talaga sa ayos ko kaya hindi ko mapigilang humanga sa kaniya. Hindi naman nakakagulat na magaling siya sa bagay na ito kasi halata naman sa kaniya pero nakakagulat pa rin na ang isang succubus na tulad niya ay magaling mag-makeup.

Isang white above-the-knee na dress ang ipinasuot niya sa akin. Wala itong strap kaya pinatungan niya ito ng kupas na denim jacket. Hanggang ibabaw lang ng pusod ko ang haba ng jacket at hindi na namin ito isinara habang ang mga sleeves nito ay inirolyo niya hanggang sa siko ko. Pinagsuot niya rin ako ng hindi kataasag heels para daw sumakto sa outfit ko. Ang buhok ko, hinayaan niya lang na nakalugay at nilagyan ng kaonting wave.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon