Nara
Naging awkward ang mga nagdaang araw dahil hindi na halos kami nagpapansinan ni Travis. Mas malala pa ito kaysa sa pagtrato niya sa akin noong bago lang ako rito sa bahay. Noon kasi, kinakausap niya pa ako kahit magdamag siyang nakasimangot. Ngayon, para na akong hangin na hindi na niya kinakausap o tinitignan.
Natanong na nga ako nina Lola kaya sinabi ko na lang na may hindi lang pagkakaintindihan at pinalalamig ko lang muna ang ulo ng alaga nila bago ko lapitan at kausapin. Ang hirap kumilos sa bahay dahil pakiramdam ko, parang limitado ang mga kilos ko dahil nga sa malaking pader na inilagay ni Travis sa pagitan namin.
Hindi ko nga alam kung ako ang dapat sisihin rito. Kung hindi ko kasi in-open ang topic tungkol sa setup namin, hindi naman kami magkakaganito. Pero masama bang ni minsan, isipin ko naman ang sarili ko? Matagal na akong nagpaparaya; matagal ko nang iniintindi ang gusto ng iba. Puwede bang ako naman?
Ayos lang naman sa akin kahit maging magkaibigan ulit kami. Iyon naman talaga ang plano ko; kaibiganin siya kahit na tinapos ko na ang namamagitan sa amin. Open naman ako sa ideya na iyon, eh. Si Travis lang talaga ang problema dahil hanggang ngayon, mukhang hindi pa rin siya open sa ideya na maging magkaibigan ulit kami.
"Sige po." Nilaro ko dulo ng nakalugay kong buhok at tinignan ang repleksyon ko sa salamin. "Ako po bahala kay Travis. So far, okay naman po siya."
"That's good to hear. Paki na lang, Nara, ha?" pakiusap ni Sir Uno. "Nag-aalala kasi ang asawa ko dahil hindi na kami nakakatanggap ng tawag o ni email man lang sa batang iyan. Dati naman, maiirita na lang kami na lagi kaming ina-update sa kung ano-ano."
Nagpaalam na ito at ibinaba ang tawag kaya nakahinga ako ng maluwag. Medyo kabado pa rin kasi ako kapag tumatawag ang mga magulang ni Travis. Hindi naman sa ayaw ko silang kausap pero mas gusto ko kasi kung sa text o messenger na lang nila sinasabi ang gusto nila. Para akong napapagod sa tuwing sasagot ako ng tawag, eh.
Dala ng sobrang init na panahon, lumabas ako sa kwarto dala ang wallet ko. Gusto ko kasi ng halo-halo. Iniisip ko pa lang, natatakam na ako. Kinuha ko muna ang payong sa gilid ng pintuan bago ako lumabas ng bahay.
Gusto ko sanang bisitahin ang restaurant na dati kong pinagtatrabahuhan pero imposible na. Na-miss ko kasi ito dahil kahit papaano, napalapit naman ako sa mga katrabaho ko. Nakakalungkot lang isipin na kailangan magsara ng amo namin noong Linggo lang dahil umalis na ito ng bansa. Kahit kami ay nabigla nang inanunsiyo niya ang pagsasara pero wala naman kaming magagawa.
Habang naglalakad, may iilang tao ang bumati sa akin. Karamihan sa mga ito ay ang mga nanay ng kabataan rito. Close kasi ang mga ito kina Lola kaya pati ako ay para na rin nilang kaibigan. Nagpapaalam rin naman kaagad ako dahil init na init na ako at gusto ko na talagang uminom ng malamig na halo-halo.
Nang makarating na ako sa palayan, kung saan may mangilan-ngilang nagtitinda ng mga meryenda, nakasalubong ko sina Travis at ang mga kaibigan nito. Bitbit niya ang bag niya na naglalaman ng mga gamit na dinala niya sa gym. Nagtama ang paningin namin at tanging tango lang ang ginawa nito.
Alam kong nagtaka lalo ang mga kaibigan nito nang lagpasan ako, na hindi man lang ako nito inausap. Dalawa kasi sa mga kasama niya ay napatingin sa akin na may pagtataka. Hindi ko na lang muna sila inintindi at naglakad na lang habang tinitignan ang mga palay sa gilid.
"Pabili po ng apat na halo-halo." Iniabot ko ang buong isangdaan sa tinder kaya sinimulan niya nang gumawa ng mga binili ko.
"Kaya nga. Nakakatakot na nga, eh." marinig kong sinabi ng tinder sa katabing stall na nagtitinda ng mga kakanin. Nakatingin ito sa kaliwang tindahan na nagtitinda naman ng mga tusok-tusok.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...