37

626 16 0
                                    

Uunahan ko na kayo. Super lewd ng chapter na ito but I think this is important sa progress ng story kaya patawarin niyo ako kung marurungisan ko kayo. You might hate me for this chapter dahil sa lewdness and being unedited.

SPG ahead. I'm sorry.

--

Nara

Napupuno ng inis ang dibdib ko habang nasa byahe kami at halos sumabog na ako dahil nang mai-park niya ang sasakyan na ginamit niya, na hindi ko alam kung kanina, bigla niya na lang ako hinila papasok sa building hanggang sa makarating kami sa unit.

Nang maipasok niya ako sa kwarto, pabagsak niya itong isinara saka siya sumandal rito. Para siyang tumakbo ng marathon kung makapaghabol ng hininga. Hindi niya pa rin ako tinitignan. Simula nang pumasok kami rito at isinandal niya ang likod niya sa pinto, nakatingin lang siya sa sahig.

"Travis?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Who were they?"

"They? Iyong tatlo kanina?"

"Yes! Them! Iyong tatlo kanina!" Umalis siya sa pagkakasandal saka ako nilapitan kaya napatingala ako ng kaonti dahil sa taas niya. "Are you flirting with them?!"

"Flirting?!" gulat na tanong ko saka ko siya tinawanan ng sarkastiko. "Naririnig mo ba sinasabi mo?! Ako?! Nakikipaglandian?!"

"I know what I saw, Nara!"

"Oo, you know what you saw pero iyong pang-intindi mo, ang liit! You of all people, Travis?! Alam mo dapat na hindi ako ganuong tao!"

"Sabihin mo nga sa akin?! Ano iyong nakita ko?!"

"Katrabaho ko ang mga iyon! Inakbayan lang ako dahil proud sila sa akin!"

"Hindi ko alam na trabaho mo na pala ang mang-akit?" Ngumisi siya saka hinawakan ang laylayan ng suot kong dress saka niya ito itinaas ng kaonti, as sinasabing tignan ko ang suot ko. "Look at what you're wearing. Hindi yan ang suot mo nang umalis kanina."

"Iyan na talaga ang paniniwala mo? Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin?" Nanikip lalo ang dibdib ko dahil sa sinabi niya kaya napahawak ako rito. "Hindi lang tayo nagkausap ng ilang araw, nag-iba na tingin mo sa akin? Ganiyan rin ba mangyayari sa mga susunod na araw? Paano pa kaya kung magtagal tayo? Ganiyan ba parati ang pag-aawayan natin?"

"Unless ulitin mo iyong ginawa mo ngayon edi mag-aaway tayo nang mag-aaway."

"So malandi ako, ganuon?" Muli ko siyang tinawanan ng sarkastiko saka ko kinuha ang mga kamay niya. Humakbang ako palapit sa kaniya saka ko inilagay ang isa sa ibabang bahagi ng katawan ko at ang isa sa kaliwang dibdib ko. "Ito ba iyong tingin mo na ginawa sa akin? Parusahan mo ako. Punish this bad girl, daddy." Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero hindi ako pumayag. "Bakit mo inaalis?"

"Nara, stop this—"

"No. Malandi ako. Makati ako kaya hindi ko titigilan ito."

"Stop it!"

Buong lakas ko siyang hinila pabagsak sa kama kaya pumaibabaw siya sa akin. Kaagad kong ang kamay niya na nasa dibdib ko saka ko ipinulupot ang braso ko sa leeg niya. "Patatangatawanan ko na kung tingin mo sa akin." Binigyan ko siya ng mariin na halik pero nagpupumilit siyang kumawala kaya mas pinupwersa ko ang sarili ko na huawg siyang bitawan.

Masakit sa akin itong ginagawa ko pero para akong sinampal ng sinabi niya. Ang dating kasi, wala siyang tiwala sa akin. Bakit hindi niya muna ako tanungin ng maayos? Oo, kasalanan ko na nagpasundo ako sa lalake rito na hindi ako nagpaalam na kasama ko ito sa trabaho pero tama ba na mauwi ang pag-iisip niya na nakikipaglandian, o worse, nagpapakamot ako sa mga kasama ko kanina kaya nag-iba ang damit ko?

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon