Nara
"Love, open up." pakiusap ni Travis habang nasa labas ng banyo.
Kanina pa siya katok nang katok habang nakalublob ako sa bathtub. Halos isang oras na nga yata ako rito sa banyo at ayoko nang lumabas dahil kapag nakikita o naririnig ko siya, mas lalo akong kinakain ng lungkot.
Hindi sa ayaw ko siyang makita. Kailangan ko dumistansiya. Sinabi ko na ito noon sa sarili ko nang maghiwalay kami, na kailangan ko lumayo para mabawasan kahit papaano ang nararamdaman namin sa isa't-isa at kapag nawala na ako, hindi na ganuon kasakit, hindi na ganuon kalungkot.
Gusto ko siyang yakapin, gusto ko ilabas lahat ng gusto ko sabihin pero simula kaninang umaga, nang maramdaman ko na naman iyong sakit, naisip kong idistansiya ko muna ang sarili ko. Nakakaloko. Sana pala, dati ko pa talaga ginawa noong naisip ko na lumayo sa kaniya. Sana wala kami sa sitwasyong ito. Pero malabo. Kahit pa sabihing naghiwalay kami noon, mahal pa rin namin ang isa't-isa kaya hindi ganuon kadaling sabihin na lalayo kaagad ang loob namin dahil sa pagdistansiya ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko saka ko niyakap ang mga hita ko saka ko ipinatong ang baba ko sa tuhod ko. "Please, Travis..." mahinang pakiusap ko, hinihiling na sana pala hindi na lang ako rito umuwi sa unit.
Sana pala hindi na ako sumama sa kanila pauwi rito sa Manila.
"Nag-aalala na ako." Nag-crack iyong boses niya kaya mas nasaktan ako. Iiyak na naman siya. "Please open up. Hindi lang ikaw iyong nahihirapan ngayon. Thinking I put you in that situation makes me want to kill myself so please, Love. Please open up."
Alam kong kaya niya buksan iyang pintuan na iyan. It isn't even locked pero mas inuuna niyang ako ang gumawa ng move para pagbuksan siya. Knowing him? Bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa banyo para umihi, dumumi o maligo kahit alam na nasa loob ako.
Isang linggo na ang nakalipas nang makauwi kami galing sa probinsiya. At sa isang linggo na pamamalagi ko rito sa unit, walang ibang ginawa si Travis kung hindi samahan ako, iparamdam na hindi ako mag-isa, na alagaan ako.
Para akong mababaliw sa bawat oras na dumaraan at kada gigising ako, malaki ang pasasalamat ko na buhay pa ako pero naruon iyong lungkot dahil sa bawat araw na dumaraan, ipinapaalala nito na unti-unting nauubos ang oras ko.
Iyong estimation na 2 weeks, obviously hindi ko sigurado kung tama pero si Travis, hindi sinabing mali ako kaya tumatak na sa isip ko na iyon na lang talaga ang itatagal ko simula nang may mangyari sa amin ni Chuckie.
Mas malala ang atake ng anxiety ko tuwing gabi dahil imbis na matutulog na lang, dala ng katahimikan, kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Para bang anytime, mamamatay na ako. Para akong nasa gera na wala armas kasi hindi ko alam kung paano ko patitigilin ang mga bagay na pumapatay sa isip ko. Ganuon ang nararamdaman ko. Simula nang makauwi kami, sinabi ko na iinom ako ng sleeping pills pero hindi pumayag si Travis dahil sa takot niya na baka may masamang epekto ito. Kahit kasi ako, hindi ko rin alam kung may masama bang epekto ito pero ano naman kung mayroon, hindi ba? Kaysa naman ilang oras akong kainin ng anxiety ko sa tuwing gabi bago bumagsak ang mga mata ko, mas pipiliin kong indahin ang side effects ng sleeping pills kung mayroon man.
Nanatili pa ako sa loob ng banyo ng kalahating oras bago ako tumayo't nagtapis ng tuwalya. Naririnig ko siya kaninang humihikbi mula sa labas kaya mas lalo akong nasaktan. Nang tignan ko ang mga kamay ko, puting-puti ito at kumulubot dahil sa pagkakababad ko sa tubig. Nang buksan ko ang pintuan, tumambad sa akin ang boyfriend ko.
Nakaupo siya sa gilid, nakayakap sa mga hita at nakaubob ang ulo sa mga tuhod. Alam ko na pagod na rin siya sa nangyayari sa akin at tulad ko, natatakot rin siya. Hindi ko gusto ang pinagdadaanan niya at kahit may kasalanan rin siya sa nangyayari sa akin, hindi ko makuhang sisihin siya.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomansaNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...