6

1.8K 46 0
                                    

Nara

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto, bumungad sa akin ang salubong na kilay ni Travis. Nakaupo siya sa sofa habang nakatitig sa direksyon ko, na para bang kanina niya pa ako hinihintay na lumabas rito sa kwarto.

Napalunok ako nang tumayo siya. Baka nalaman niya nang inalagaan ko siya kagabi. Pero bakit ganiyan siya makatingin? Hindi ba dapat ay magpasalamat pa siya kasi nilinisan ko siya? Hindi niya ba gusto na binibihisan siya ng ibang tao?

Hindi ko napansin na hindi na pala ako humihinga habang naglalakad siya papalapit sa akin. Nang makalapit siya't magsalita, saka lang ako natauhan.

"Ikaw ba ang nag-asikaso sa akin?" malamig na tanong niya.

Tumungo ako kahit naguguluhan. Ang akala ko kasi, ipagpapasalamat niya ang ginawa ko pero mukhang mas lalo ko lang siyang ginalit sa pagiging concerned ko.

"O-Oo. Sorry. Ginawa ko lang iyong dapat kasi gusto mo na pagsilbihan kita. Hindi ko naman maatim na pabayaan ka na lang sa ganuong lagay kaya ko ginawa iyon."

Nakita ko ang pagyukom ng mga kamao niya kaya napapikit ako dahil alam kong bubulyawan niya ako. Hindi ko lang alam kung bakit galit siya. Conservative ba siya at ayaw niyang may makakahawak o makakakita ng katawan niya? Pero bakit noong unang araw ko dito, wala siyang pang-itaas na damit? Ibig sabihin naman siguro nuon, hindi siya conservative kasi hinahayaan niya ang mga tao na makita ang katawan niya, hindi ba?

"Fuck." mariing sinabi niya kaya napamulat ako ng mga mata at saktong pagkamulat ko, tinalikuran niya ako't dumiretso sa kwarto niya. Nagitla pa nga ako dahil medyo may kalakasan ang pagsara niya nito.

Napabuntong-hininga na lang ako't bumaba. Natakot ba siya sa itsura ko? Hindi pa kasi ako nakakapagsuklay.

Habang kumakain kami nina Lola, iniisip ko pa rin kung bakit ganuon ang lalakeng iyon? Oo, sige, naging pakielamera ako pero iyon naman ang gusto niya, hindi ba? Ang pagsilbihan siya? Para sa kapakanan niya naman iyon.

Hindi kaya may limitasyon ang pagsisilbi ko? At lumagpas ako sa limitasyong iyon kagabi? Hindi ko alam. Hindi ko siya maintindihan. Siya ang nagsabi na pagsilbihan ko siya bilang kapalit ng paninirahan ko rito at sa pag-aasikaso ng pamilya niya sa pag-aaral ko pero nang pagsilbihan ko siya, nagalit pa siya.

Hindi ko alam kung maiinis ako sa kaniya o ano.

Nakarinig ako ng mga yapak na pababa galing sa hagdan pero hindi ko na lang pinansin dahil alam kong si Travis lang ito. Itinuloy ko na lang ang paghuhugas sa mga pinggan nang biglang tumabi sa akin si Lola.

"Nara, samahan mo si Travis sa mall para mamili ng mga dekorasyon. Malapit na kasi mag-Pasko at gusto ng mga magulang niya na mag-decorate tayo rito para sa anak nila. Hindi kasi sila makakapunta sa araw ng Pasko dahil mas gusto Travis na manatili na lang ang mga ito sa bahay para sa mga kapatid niya."

Nilingon ko si Travis at nakita ko itong nagsusuot ng boots habang nakaupo sa sofa sa salas. Hindi ko man gusto samahan siya dahil sa takot na baka bulyawan o awayin ako, wala akong magagawa. Pero hindi ba, may mga kasama siya kahapon? Hindi niya ba kaibigan ang mga taong iyon? Bakit hindi na lang ang mga ito ang sumama sa kaniya?

"Sige po." sagot ko dahil wala naman akong ibang choice. Pero ayos lang kaya sa kaniya na kasama ako? Hindi ba siya maiinis kapag nakikita ako sa tabi niya? Naghugas muna ako ng kamay bago ko pinuntahan si Travis. Natigil siya sa pagsuot sa boots saka ako tinignan dahil nakatayo na ako sa harap niya ngayon. "Sinabi ni Lola na—"

"Bilisan mo na lang." Nag-iwas siya ng tingin saka sinimulang itali muli ang sintas ng boots niya.

Nag-taxi na lang kami papunta sa mall. Hindi kasing laki ng mall sa Maynila ang mall na narito. Masasabi kong malawak siya pero hanggang tatlong palapag lang ito. Medyo nangatal lang ako dahil kahit maraming tao, malamig pa rin sa loob.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon