Nara
Nagising ako kinabukasan sa pagkatok ng kung sino sa pintuan. Nag-inat muna ako't inialis ang kumot sa pakakabalot sa akin bago ako bumangon at tinungo ang pintuan. Si Lolo ang bumungad sa akin habang may hawak na karton ng Chuckie. Ibinigay niya ito sa akin at sinabing may pasok pa ako kaya't nagpasalamat ako bago ako bumalik sa kwarto dahil kailangan ko kuhanin ang mga gamit ko para sa pagpasok.
Imbis na kuhanin ko kaagad ang mga ito, naupo muna ako sa kama habang nakatingin sa hawak kong malamig na karton ng Chuckie.
Hindi ko maintindihan kung bakit walang sinasabi sina Lolo o Lola patungkol sa pagbibigay ni Travis sa akin ng Chuckie tuwing umaga. Hindi ba sila nakakahalata? O baka iniisip na nilang may gusto sa akin ang alaga nila dahil sa ginagawa nito? Hindi ko alam pero mukhang ako lang yata ang ginagawang big deal ito.
Pero sino ba naman kasing babae ang hindi mag-iiisip kung walang mintis ang pagbibigay ng Chuckie sa iyo sa tuwing umaga matapos masaksihan nito ang pagbibigay ng potensiyal na manglliligaw saiyo ng Chocolait.
Duon naman siya nagsimula magbigay sa akin ng Chuckie, hindi ba?
Umiling ako't bumangon sa kama. Nilapag ko na rin muna sa ibabaw ng kama ang hawak ko saka ko kinuha ang mga susuotin ko. Hindi rin naman nagtagal nang makapag-ayos na ako't pumasok. At pagkatapak na pagkatapak ko sa lobby univ, nakita ko ang ilan sa mga ka-block ko na naghihintay sa bungad.
"Naraaa!" sigaw ni Lyn saka tumakbo papalapit sa akin at sinalubong ako ng yakap. Nagtinginan naman ang iba pa saka nagmadaling pumunta sa akin.
"Huwag po kayo maingay. Duon po kayo sa gilid." pagsita ng criminology student na nagbabantay sa gate.
Sumimangot si Francine at Hazel sala ako hinila palayo rito at iniharap ako sa mga ka-block namin.
"Love, sama ka sa amin." pag-aaya ni Miguel na sinang-ayunan naman ng iba pa naming ka-block. Nilapitan ako nito't inakbayan pero naalis rin dahil sumiksik si Angelie at ito ang umakbay sa akin. "Epal ka."
"Bakit narito kayo? Mag-start na iyong klase natin in 10 minutes, ha?"
"Hindi ka na naman nagbabasa sa group chat."
"Ano bang mayroon?" Paano ba naman kasi ako makakapagbasa pa ng group chat ng block namin kung masyado akong busy sa pag-iyak kahapon.
"Wala kasi si Prof Lina kaya tara, punta tayo sa The Groove since may dalawang oras tayong bakante."
Hindi ko sana gustong sumama pero kung hindi naman ako sasama, wala akong makakasama rito sa loob ng univ. At anong gagawin ko sa dalawang oras na mag-isa? Hindi bale kung nasa kwarto lang ako. Kung hindi kasi ako sumama, baka mas maisip ko nang maisip si Travis.
Maigi na rin siguro ito. Dapat ko na rin sanayin ang sarili ko na maging out-going dahil hindi habang buhay, dapat ko ina-isolate ang sarili ko sa mundo. Kapag nakapagtapos na kasi ako at nakapasa sa certification para maging licensed teacher na, mas marami nang tao ang makakasalamuha ko. Hindi nga lang makakasalamuha dahil magiging bantay pa ako sa mga ito.
Walking distance lang ito kaya wala pang sampung minuto nang makarating kami rito. Wala masyadong tao at iyong pahabang table ang inokupahan namin. Inilibot ko ang paningin ko para tignan ang kabuuan nitong pinuntahan namin.
Public eatery kasi ito. May mga stall na nakapalibot sa loob ng pinagtabi-tabing mga tent at sa loob ng mga tent at may mga lamesa, pang-apatan, animan o pangmaramihan. Sa likuran namin ay kalsada na kaya medyo maingay gawa ng mga pangpasadang mga sasakyan.
Kani-kaniya kaming bili at laking pasasalamat ko dahil kahit papaano ay may dala akong pera. Nakakahiya naman kasi kung mangungutang pa ako. Iyon pa man ang pinaka-ayoko.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...