Nara
"I'm sorry." nakangiwing sinabi ko sa dalawang lalake na lumapit sa akin. "Hindi ko kasi ipinaaalam ang number ko kung kani-kanino."
"Kahit Facebook mo lang?" Mukhang desperado na talaga sila dahil magkadaop na ang mga kamay nila. Pero ano ba magagawa ko? Ayoko namang kumalat ang account ko. Kaya nga iba ang pangalan ko rito at kaonti lang talaga ang nakakaalam. Wala nga sa 100 nasa friend list ko, eh.
Napatingin ako kay Francia nang bigla siyang pumunta sa harap ko habang nakapamewang. Nang tignan ko naman ang dalawang lalake na lumapit sa akin, mukha silang na-intimidate sa itsura ng kaibigan ko. Hindi ko makita ang mukha niya pero judging sa itsura ng mga lalake, mukhang suot na naman niya ang napaka-intimidating niyang expression na ginagamit niya para itaboy ang mga lalakeng lumalapit sa akin.
"Wala kayong balak tumigil?" Initaas niya ang dalawa niyang kamay at sumenyas siya na parang nangbubugaw ng aso. "Go. Mag-flychikaroo na kayong mga otoks. Hindi kailangan ng beshywaps ko ng mga jolly hotdog."
"Tara na nga." sabi ng isang may hawak na knapsack. Inakbayan niya ang kaibigan niya bago sila tumalikod habang nakasimangot.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang makaalis na ang dalawa. Hindi ko naman talaga gusto mang-reject nang mang-reject dahil alam ko ang pakiramdam ng ni-re-reject. Kaya lang, hindi naman puwedeng lahat sila, i-entertain ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad sa corridor matapos ko magpasalamat kay Francia. Sina Lyn at Hazel naman ay nakalingkis sa magkabilang braso ko. Tumakas kasi ako kanina para magpunta sa cafeteria dahil gusto makipagkita ng ka-block naming si Jasmine ruon pero dahil kaaway raw nila ito, heto ako't ayaw na nila bitawan dahil baka raw puntahan ko ang ka-block namin na iyon.
Nang makaupo kami sa tapat ng classroom namin, ipinagkumpol nila ang mga bag namin saka nila ako hinila paupo. Nakapalibot sila sa akin habang nakasandal ako sa pader. Kapag ganito ang puwesto nila, wala na akong kawala at isa pa, mag-chi-chismisan na sila.
Tulad ngayon. Ang pinagchi-chismisan nila ay si Jasmine at ang mga naging boyfriend nito. Juicy kung juicy ang mga lumalabas sa bibig nila pero hindi ko makuhang matuwa ng husto dahil alam kong hindi maganda kung pag-usapan ka ng mga tao sa negatibong paraan.
Panay ang salita nila habang ako, nakikinig lang at iniinom ang Chuckie na ipinabaon sa akin ni Travis. Speaking of him, gusto ko ikuwento ang lagay ko sa mga kaibigan ko. Gusto ko kasi ng payo mula sa kanila pero natatakot naman akong mahusgahan. Ewan ko ba. Kahit malapit na kaibigan ko sila, nanduon pa rin iyong pakiramdam na dapat ko na lang itong itago dahil baka mag-iba ang tingin nila sa akin.
Pero iyon ang ginagawa nila. Maraming beses na nila nai-kuwento ang makamundong bagay na ginagawa nila kasama ang mga boyfriend nila kaya bakit ba ako mahihiya sa kanila? Pare-pareho lang naman kami.
Nilunok ko ang sarili kong laway matapos ko ibaba ang karton ng Chuckie sa lamesa. Tumikhim ako kaya sabay-sabay silang napalingon sa akin. "Ano..." Muli akong napalunok dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko pero gusto ko itong gawin dahil pakiramdam ko, unfair na ako sa mga kaibigan ko. "May gusto lang ako itanong."
"Ano iyon?" sabay-sabay nilang sinabi.
Inilibot ko muna ang paningin ko dahil medyo maraming tao rito. Hindi ko naman puwedeng sabihin ang bagay na ito na may ibang puwedeng makarinig. "Sa quad na lang tayo pumwesto. Medyo sensitive kasi ang itatanong ko."
Sabay-sabay rin silang tumayo saka ako hinila nina Francia at Lyn habang si Hazel naman, walang sabi-sabing binitbit ang bag namin. Nang makarating kami sa gitna ng quad, kung saan may malaking puno na pinalilibutan ng steel benches, naupo kami sa isa mga ito. Wala namang tao na nakatambay rito kaya okay na rin ito.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomantiekNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...
