Nara
"M-Mali ka ng iniisip." kinakabahang sagot ko matapos ko bumaling sa laptop. Sinubukan ko ulit ito isarang muli pero may lumalabas lang na error message tuwing isinasara ko ang browser. Sa kagustuhan kong maisara ito, pinatay ko ang screen ng laptop pero patuloy pa rin sa pag-ungol ang babae at lalake sa browser habang binibigkas ang spank me, Daddy o hindi nama'y baby.
Lumapit siya sa akin saka niya hinard reboot ang laptop para tuluyan itong mamatay. Nang mamatay ito, nilingon niya ako at iginiya at itinulak paupo sa paanan ng kama. Ipinatong niya ang dalawang palad sa magkabilang gilid kaya nakulong niya na ako. "I heard that loud and clear." nakangising bulong niya sa kaliwang tenga ko matapos ilapit ang mukha sa akin.
"Mali ka ng iniisip."
Hindi niya ako pinakinggan at wala sa sariling pinigilan ko ang paghinga nang inilipat niya ang mukha sa mukha ko. "Crush mo ako, ano?"
"H-Hindi—"
"I know how girls react when they have a crush or when they like someone and I see the signs from you whenever you're with me."
Hinawakan ko siya sa kaliwang braso para subukan alisin ang pagkakakulong sa akin pero nagmatigas siya. "T-Travis, naiihi ako. Kailangan ko magbanyo." pagdadahilan ko.
"Naiihi ka sa kilig?" matawa-tawang sinabi nito. "Choke me, Daddy? Spank me, Daddy? Seriously, Nara? And why are you watching that kind of thing sa laptop ko?"
"Hin... hindi, Travis. Nagkakamali ka—"
Inilapit niya ang mukha sa leeg ko saka nito ipinasada ang dila ruon kaya kinilabutan ako, lalo pa nang humampas rito ang mainit nitong hininga. "Why don't you call me daddy, baby?" Tumawa ito saka umiling. "You should've seen the look on your face, Nara. Ang epic." Akmang tatayo siya pero nang maramdaman ko ang pagdikit ng mga hita namin, otomatikong kumawit sa leeg niya ang dalawang kamay ko para hindi siya lumayo. Nawala ang bakas ng tuwa sa mukha niya saka ako tinignan ng seryoso. Halos isang minuto yata kaming nagtitigan hanggang sa lumunok siya. "Sigurado ka ba?" tanong niya sa mababang tono. May bahid ng pag-aalala na nakapinta sa mukha niya pero buo na ang pasiya ko.
Ilang beses na sumagi sa isip ko na hindi masamang sa kaniya ko ibigay ang puri ko dahil importante siya sa akin kaya hindi problema sa akin kung kuhanin niya ito.
Tumango ako saka ko siya binigyan ng maliit na ngiti. Inialis ko ang mga kamay ko sa leeg niya saka ko siya hinawakan sa magkabilang pisngi para mas maramdaman ko pa lalo ang presensiya niya. "Oo. Sigurado ako, Travis."
Isa pa, para man lang sa paraang ito, maramdaman ko na buhay ako.
Mula sa pagkakakulong sa akin, hinawakan niya ako sa magkabilang pulso. "Hindi mo alam kung anong pinapasok mo." Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin hanggang sa pagapangin niya ito't pinagdaop ang mga daliri namin. "Tatanungin ulit kita hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko; sigurado ka ba?"
Napalunok ako dahil sa seryosong ekspresyon niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot, tulad ng dati kapag nakikita ko sa kaniya ang ganitong ekspresyon. Para pa niya akong hinihila palapit sa kaniya habang nakatitig siya sa mga mata ko, hinihila para sabihin ang katagang oo.
"Oo, Travis."
"Kahit pa ikamatay mo?"
Natigilan ako sa tanong niya. Kahit ikamatay ko? Pumikit ako't ngumiti nang makapagpasiya ako. Wala namang magbabago sa mundong ginagalawan ko kahit pa mamatay ako. Dalawang tao nga lang ang malulungkot kung sakali.
"Oo."
"Look at me straight in the eye. For the last time, I'm giving you a chance to save yourself, Nara. Sigurado ka ba talaga?"
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomantizmNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...