13

1.3K 38 3
                                    

Nara

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang pumasok ako sa paaralang ito. Aaminin ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga bagay-bagay na nangyayari sa akin dito.

"Bumalik na nga kayo sa klase niyo!" nakasimangot na suway ng prof namin sa dalawang estudyante sa harap ng pinto. Napahilot na rin ito sa sintido dahil sa matinding inis.

Hindi ko naman siya masisisi kasi kahit ako ang nasa kalagayan niya, maiinis rin ako. Sa nagdaang mga araw ba naman, lagi na lang may mga estudyanteng sumisilip sa classroom namin para hanapin ako. Iyong iba sa kanila, tahimik lang na dumadaan para sumilay sa loob ng kwarto kaya wala akong problema sa mga ito. Iyong iba kasi, may dalang mga regalo.

Nariyan iyong bigla na lang may darating para magbigay sa akin ng stuffed toy, bulaklak, pagkain o hindi kaya minsan ay love letter. Hindi ko alam kung anong mayroon ako bukod sa mukha ko para ganuon ang iasta ng mga lalake sa paligid ko kaya minsan, iniisip ko sumpa ang mukha kong ito dahil nagugustuhan lang ako ng mga tao dahil rito at hindi sa kung sino ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo dahil pinalapit ako sa harap ng prof namin. Umulan na naman ng kantiyawan at sina Hazel ay naririnig ko ang pagtawa. Sa loob ng ilang linggo kasi, nasanay na lang sila na may bigla na lang bumibisita para magbigay ng kung ano sa akin.

"Hi, Nara." sabay na bati ng dalawang bisita ko. May iilan rin sa labas na nanunuod kung anong nangyayari kaya mas lalo akong nahiya.

"Para sa iyo." Inilahad ng lalakeng maikli ang buhok iyong hawak nitong Ferrero Rocher kaya sinuklian ko ito ng maliit na ngiti.

"Salama--"

"Mga bubwit na ito!" Nakarinig kami ng paggalaw ng upuan matapos sumigaw ni Miguel kaya napatingin kami sa gawi nito. Nakatayo na rin ito saka nakatingin ng masama sa dalawang bisita. "1st year kayo, hindi ba? Lalakas ng loob niyo magkagusto kay Nara, hindi pa nga yata kayo tuli!"

Bumaha ng tawanan at iyong prof namin, na nakatayo pa rin sa gilid, nasapo na lang ang noo. Tumingin ako sa isa pang may hawak na maliit na stuffed toy saka ko ito nginitian. Mukhang nakuha naman nito ang gusto ko mangyari kaya ibinigay na rin nito ang hawak.

Matapos sabihin ng dalawa na have a great day ay pinaalis na rin ang mga ito ng prof namin. Humupa na rin ang tawanan kaya bumalik na ako sa upuan ko at inilagay sa bag ang mga regalong natanggap ko.

"Umuusok sa jinis iyong jolly hotdog mo." bulong ni Francine, na nakaupo lang sa likuran ko. Napasimangot na lang ako't tinignan si Miguel dahil ito ang tinutukoy ng kaibigan ko. Nakasimangot rin ito habang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.

Naging maingay ang pangalan ko sa schoool kahit pa ang ginagawa ko lang naman ay huminga at pumasok araw-araw. Naging kalat na rin sa social media at sa buong school ang pagiging magkamukha namin ng isang artista, na asawa ng kapatid ni Travis.

Nasabi ko na rin ito kay Travis pero lagi niyang iniiba iyong topic. Ramdam ko na may hindi magandang nagnyari sa kanila nuong tao kaya hindi ko na inulit pa na halungkatin kung ano man ang dahilan kung bakit siya galit rito.

Daniella Clemente-Eru ang pangalan nuong babae. Nang malaman ko iyon, medyo napagtagpi ko na iyong babaeng iyon iyong taong nababanggit niya dati.

Matapos ang katakot-takot na mga pangyayari sa school ay dumiretso ako sa trabaho. Kahit naman kasi pinag-aaral ako ng pamilyang Eru, gusto ko pa rin magkaroon ng sariling pera para may magamit kung sakaling kailanganin, especially kapag may mga bayarin sa school. Ayoko naman na pati mga iyon ay iasa ko pa sa mga Eru.

Dahil nga napagkasunduan namin ng amo ko na apat na oras na lang ang ilalagi ko sa trabaho, nakauwi rin ako pagpatak ng alas otso. Bumungad sa akin ang nakangiting si Travis nang pagbuksan ako nito ng pintuan. Medyo nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa salas, kung saan naruruon sina Lolo at Lola habang nakatutok sa iPad.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon