Nara
"Ang bilis mo maglakad!" reklamo niya habang hinahabol ako. Kaonti pa lang ang tao dahil maaga pa pero ang ilan rito ay napapatingin sa amin, sa akin to be specific. At alam ko naman kung bakit. "Do you even know where my car is?"
Sa sinabi niya, napatigil ako't humarap sa kaniya. Napahiya pa ako. "Bilisan mo kung ayaw mo magbago isip ko."
Tinaasan niya ako ng kilay saka iniayos ang pagkakasabit ng bag sa balikat niya. "Hindi ka pa sikat, diva ka na."
"Love!" Napatingin ako sa direksyon na pinaggalingan ng boses. Nakatayo si Travis sa entrance ng café habang nakatingin sa amin. Nang humakbang ito para puntahan kami, hinarap ko ulit ang makulit na lalakeng ito.
"Bilisan mo." mariing utos ko rito at mukhang natakot naman siya dahil nagmadali siya sa paglalakad. Lumapit siya sa isang matte black na jeep kaya pinuntahan ko kaagad siya. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ko ako dahil gusto ko nang makaalis rito. "Drive." Sumakay ako sa shotgun at isinara kaagad ang pintuan.
Isinara niya iyong pintuan sa side niya saka ipinasak ang susi sa kotse niya. Bago niya pa man mabuksan ang ignition, biglang may kumatok sa side ko. Puno ng pagtataka ang mukha niya habang paulit-ulit akong tinatawag at ang mga braso nito ay nakalapat na sa bintana.
"Sino iyan?"
"Huwag mo pansinin."
"Boyfriend?"
"Mag-drive ka na lang." mahinang pakiusap ko at nakaramdam naman siya na wala ako sa mood makipagdiskusyon.
Naging tahimik ang biyahe hanggang sa makarating kami sa Myoui building. Hiniram ko ang shades sa sasakyan niya pati na ang sombrero para maitago ang mukha ko. Hindi niya na kinwestiyon kung bakit at ipinagpapasalamat ko naman iyon.
Habang naglalakad kami, hindi ko maialis sa isip ko si Travis, lalo na ang ekspresyon na nakapaskil sa mukha niya. Para siyang nasasaktan pero bakit nga naman siya masasaktan kung hindi niya naman ako mahal, hindi ba? Naapakan ko ba ego niya dahil sa pag-iignora ko sa kaniya? Kaya ba siya humabol dahil duon? Kasi kung oo, ang gago niya.
Hindi niya ako kinikibo hanggang sa makarating kami sa 20th floor. Ramdam ko ang panaka-nakang pagtingin niya sa akin pero hindi ko ito binibigyang pansin. Binuksan niya ang isang pintuan na kaperahas ng itsura ng pintuan niya sa 19th floor.
Napaangat ang tingin ng isang lalake, na sa tingin ko ay nasa 40s. Ang mga kamay nito ay nakapatong sa keyboard ng laptop habang nakatingin sa amin. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha saka inayos ang pagkakasuot ng salamin. Itinulak niya patayo ang sarili kaya gumawa mahinang tunog ang swivel chair niya. Nilapitan kami nito at tinignan ang katabi ko.
"Nara?" tanong nito, na sinagot ko ng opo.
Inabot ko ang kamay niya saka ko siya sinuklian ng ngiti at inabot ang kamay. "Good morning po." Hinubad ko na rin ang suot kong shades at cap dahil nakakahiya naman kung hanggang dito, suot ko pa rin ito. Nang mahubad ko ito, inilahad ng katabi ko ang kamay niya kaya inilagay ko rito ang mga gamit niya.
"I'm so happy you decided you come. Halika. Maupo ka." Iginiya niya ako paupo sa pang-isahang upuan na nakapuwesto sa harap ng lamesa niya. Nang makaupo ako, bumalik na rin siya sa pagkakaupo sa likod ng lamesa niya. "Nasabi na ba sa iyo kung bakit gusto kita makausap?"
"Ah. Opo. Gusto ko po sanang kuhanin pero wala akong experience sa pagmomodelo. Hindi rin ako fashionable at medyo tumataba na ako kaya maiintindihan ko naman po kung hindi natin itutuloy ito."
"N-No. That's not going to be an issue, of course. We can get you a personal trainer for both modelling and your gym activites to, you know, tone your body. You also don't have to worry about your fashion. That's why we have stylists."
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
RomanceNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...