Nara
Ilang araw ang nagdaan na hindi matahimik ang buong pagkatao ko dahil sa mga ikinikilos ni Travis. Oo, aaminin ko na masaya ako sa atensyon na ibinibigay niya sa akin pero minsan, hindi ko kinakaya kasi sobra na. Hindi ko alam kung dapat ba ako matakot o ano.
Tulad ngayon. Katabi ko siya habang nasa lamesa kami at sa harap namin ay sina Lolo at Lola, masayang kumakain habang nagkukwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanila.
Medyo malapit siya sa akin at iyong hita niya, alam ko na sadya niyang idinidikit ng panaka-naka sa akin habang kumukuyakoy. Minsan nga, kinikilabutan ako sa pagiging touchy at showy niya.
Inilalayo ko ang hita ko pero siya naman, inilalapit nang inilalapit. Alam kong may gusto siyang ipahiwatig dahil bukod sa mga paganiyan-ganiyan niya ay tinatapunan niya ako ng panaka-nakang tingin. Ramdam ko na hindi lang basta ito normal na tingin dahil may lagkit ito. Hindi na nga ako magtataka kung bigla niya na lang akong dambahin para gawin ang nasa utak niya.
Hindi tuloy makalma ang puso ko. Para na itong sasabog sa sobrang bilis ng tibok. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba ang ginagawa niya, kahit na may idea naman talaga ako.
Masarap sa pakiramdam ang ginagawa niya at mukhang nagkaideya na siya kung paano niya ako mapapapayag sa gusto niya mangyari. Hindi naman na ako bata para hindi malaman kung ano ba itong ginagawa niya.
Gusto niyang may mangyari sa amin.
"Tapos na po ako." anunsyo ko saka ako tumayo at niligpit ang pinagkainan ko.
"Ang kaonti ng kinain mo, apo." Napatingin ako kay Lolo saka ko ito binigyan ng maliit na ngiti. "Busog ka na ba?"
Tumango ako bilang sagot. Napatingin ako kay Travis nang maramdaman ko ang pagtama ng hita niya sa hita ko kaya umurong ako. Nakangiti siya habang kumakain at ang ulo niya ay nag-s-sway na parang sarap na sarap siya sa kinakain o sa ginagawa niya. "Maliligo lang po ako."
"Sasama ka ba sa amin sa pagsisimba?" tanong ni Lola bago pa man ako pumihit para pumunta sa kusina.
"Baka hindi na po. May mga kailangan po kasi akong gawin para sa school."
"Hindi na rin po ako sasama." biglaang anunsiyo ni Travis kaya napatingin kami rito.
"Bakit?" sabay na tanong nina Lola.
"Baka biglaan po kasing dumating sina Mama. Ang sabi kasi nila, surprise daw kung kailan sila bibisita. Just want to make sure na may kasama si Nara once that happen." Matapos lunukin ang isinubong pagkain, tumingin siya sa akin saka ngumiti. "Right?"
Tanging tango na lang ang ginawa ko saka ako nagpaalam at inilagay ang pinagkainan sa lababo. Nang mahugasan ko na ang mga ito, umakyat na ako't nagpahinga sandali sa kwarto para pababain ang kinain ko at para na rin pakalmahin mula sa paghuhurumentado ang puso ko.
Kami lang ang matitira mamaya?
Napailing ako saka ako umupo sa paanan ng sofa. Isinampal ko rin ang magkabilang palad ko sa mukha ko para magising at nang matigil na ang pag-iisip ko ng mga kahalayan.
"Mali ito, Nara." bulong ko sa sarili. "Maling-mali." Ipiniit ko ng mariin ang mga mata ko matapos ko alisin ang mga palad ko sa pagkakatakip rito.
Pakiramdam ko, nagkakasala ako kay Travis dahil sa pag-iisip ko ng kahalayan sa kaniya. Hindi ko rin naman siya masisisi na ganuon ang iakto niya dahil mukhang sa ginagawa ko dati kaya pumasok sa isip niya na gusto ko may mangyari sa amin.
Hindi ako lalake pero sino ba namang lalake ang hindi makakakuha ng hint kung ang babae nakakasa-kasama mo sa bahay ay idinidikit nang idinikit ang hita sa hita mo? Walang normal na babae ang gagawa nuon, mabilan na lang kung niyayaya mo ang lalake na gumawa ng makamundong bagay.
BINABASA MO ANG
Call Me Daddy (Completed)
Roman d'amourNi minsan, hindi pinangarap ni Nara na magkaroon ng love life dahil isa lang naman ang gusyo niya; ang tahimik na buhay pero nagbago ang mga iyon dahil sa isang tao. Nabuhay siya sa magulong pamilya at hindi nakatulong ang mga ito sa mga pinagdaraan...