12

1.6K 30 1
                                        

Nara

Nanatili akong nakatayo sa pinagbabaan kong waiting shed sa tapat ng school. Hindi pa ganuon karami ang pumapasok, siguro dahil na rin maaga pa. Hindi ko nga alam ang gagawin ko sa totoo lang. Gusto ko nang pumasok sa gate pero para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Bukod ruon, gusto ko na rin umalis sa shed dahil iyong mga kasabay kong bumaba, nakatambay pa rin sa gilid ko.

Wala naman akong problema kung tumambay lang sila pero kahit kaninang nasa bus kami, kanina ko pa nakikita ang malalagkit na tinging itinatapon nila sa akin. Apat silang magkakaibigan na para na akong hinuhubaran sa mga tingin nila kaya nakaramdam ako ng takot.

Napalunok ako ng mahagip ng peripheral vision ko na humakbang palapit sa akin iyong isa sa apat. Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng kalsada para alamin kung puwede na ba ako tumawid at nang wala akong makitang sasakyan, dali-dali akong naglakad at pumasok sa gate.

Kinuha ko sa shoulder bag na nakasabit sa balikat ko iyong papel kung saan nakasulat ang pangalan ng taong dapat ko hanapin para makuha ang schedule ko. Nakakatanga man, mas pinili ko pang maghanap ng prof para magtanong dahil hindi ko kayang humarap sa mga estudyante.

May mangilan-ngilan akong nadaanan na hine-head to foot ako kaya mas nailang ako. Alam ko na walang mali sa suot ko dahil katulad lang rin naman ng ilang estudyante rito ang uniform na suot ko; skirt, polo na naka-tuck in at black shoes.

Minsan, hindi talaga okay na angat ang itsura mo sa iba. Magiging tampukan ka kasi ng inggit at madalas pang pag-isipan ng masama. Hindi naman ako nagbabase sa haka-haka lang dahil lahat ng hindi kaaya-ayang karanasan ay pinagdaanan ko na sa mga taong pumapaligid sa akin.

Wala naman akong magawa kung hindi tanggapin na angat lang talaga ako sa iba pagdating sa aspetong pisikal.

Mabilis ko rin naman nakuha ang schedule ko at mukhang mabait ang dean na nakausap ko. Mukhang masaya ito na kilala ako ng pamilya ni Travis dahil personal na pakiusap raw na maipagpatuloy ko rito ang pag-aaral ko kahit, kung tutuusin, late na ang paglipat ko. Nalaman ko pa na madalas raw na mag-donate ang mga ito ng mga gamit para sa paaralan at nahihiya naman raw sila kung hindi susundin ang pakiusap ng mga ito.

Iba talaga nagagawa ng pera.

"How is everyone's Christmas break?" narinig kong tanong ng kung sino, na siguro ay prof, mula sa loob ng kwartong dapat ko puntahan.

Nakatayo ako sa labas ng room at sinilip ang loob ng kwarto. Marami nang nakaupong mga estudyante sa kani-kaniyang mga silya. Ang iba ay nakatingin sa akin, siguro dala ng pagtataka at ang iba naman ay nakatutok ang mata sa harap, kung saan nagtuturo ang isang propesor.

Bumuga ako ng hangin saka ko kinatok ang pintuan. Napatigil ang propesor sa akmang pagpihit paharap sa white board saka ako nilingon. Ngumiti ito sa akin saka naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

"Good morning." bungad nito pagkalapit sa akin. "Is there anything I can help you with?"

Wala sa sarili kong kinagat ang pang-ibabang labi ko saka ko ipinakita ang papel na iniabot sa akin ng dean. "Good morning po. I'm Nara. New student."

"Ah." Kinuha nito sa akin ang papel saka ininspeksyon. "I was actually expecting you. I was told that there's going to be a new student." Ibinalik nito sa akin ang papel saka ito gumilid para padaanin ako. "Come on in."

Pakiramdam ko, kaonti na lang, pagpapawisan na ako dahil sa mga matang nakasunod sa akin habang naglalakad ako papasok. Mas bumilis rin ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi ng prof na magpakilala ako sa harap kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo sa tapat ng lamesa.

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon