22

932 25 3
                                    

Nara

Nakatingin ako sa likuran ni Travis habang sinisilip niya ang paligid para siguraduhing hindi kami makikita nina Lola. Nilingon niya ako na may seryosong mukha bago isinara ng mahina ang pintuan. Wala sa kaniya kahit nakahubad siya sa harap ko kahit na alam niya na nahihiya pa rin ako kapag nakikita naming dalawa ang isa't-isa na nakahubad.

Kinuha niya ang isinampay niyang short at boxer sa sabitan na nasa likuran ng pintuan saka hinawi ang basang buhok ko. "Mauuna akong lumabas. Tumakbo ka na lang paakyat para makapagbihis ka pero magdahan-dahan ka sa hagdan."

Iniwas ko ang tingin ko saka ako tumango. Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya saka ako tinalikuran at sinilip ulit ang labas ng pinto. Ilang segundo lang nang masigurado niyang walang tao ay lumabas na siya.

Ako? Heto at nakaupo sa toilet cover habang yakap-yakap ang pagkakabalot ng tuwalya sa katawan ko. Iniisip ko kung ano na namang nangyari at ako na naman ang halos lamunin siya ng buo dala ng pagkasabik.

Ilang segundo matapos siya lumabas ay kinolekta ko na ang mga damit ko saka ako lumabas ng banyo. Nakaupo siya sa harap ng lamesa nang magkita kami. Bumalik siya sa pagpupunas ng mga display at santo na nakapatong sa lamesa. Hindi na mababakas sa kaniya ang kapilyuhan dahil napakaseryoso na siya habang sinusundan ako ng tingin.

Minabuti ko na lang na umakyat at magbihis dahil baka maabutan ako nina Lola. Pagkaakyat ay kinuha ko ang kahon na gusto kong ibigay kay Travis. Simpleng singsing lang ito na ibinenta sa akin ng katrabaho ko. Nagandahan ako at ang unang pumasok sa isip ko nang makita koi to ay ang lalakeng iyon. Dito ko nagastos ang pinag-ipunan ko at sa tingin ko, worth it naman ito.

Nang makapag-ayos na ako ay tinuyo ko muna ang buhok ko saka sinuklay bago ko kinuha binitbit ang box at bumaba. Nang tignan ko ang kinaruruonan ni Travis kanina, naruon pa rin siya, tahimik na nagpupunas habang nakatingin sa itaas ng hagdan, kung nasaan ako.

Bumaba na ako't pumunta sa tapat niya saka ko buong tapang na sinalubong ang tingin niya. Para bang sobrang dami ng iniisip niya habang nakatitig sa akin at ni isa sa mga ito at wala akong ideya pero alam ko na may parte sa kaniya na iniisip ang sinabi ko kanina, na mag-usap kami.

"Puwede na ba tayong mag-usap?" Palihim kong itinago ang kahon sa pagitan ng mga hita ko dahil plano koi tong ibigay kapag natapos ang pag-uusap namin, maganda man ang kalabasan nito o hindi.

Nagkibit-balikat siya saka itinuon ang tingin sa harap na santo bago ito sinimulang punasan. "Ano ba kasing pag-uusapan natin?"

Huminga ako ng malalim bago ipinatong ang mga braso ko sa lamesa. "Travis... ano bang ginagawa natin?" Napapikit ako ng mabilis dahil pakiramdam ko, mali ang itinanong ko pero nasabi ko na kaya ibinalik ko ang tingin sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin saka ako tinaasan ng isang kilay. "Sitting?"

Oo nga naman.

"Ang ibig ko sabihin, 7 months na kasi iyong setup natin."

"And?"

Habang nakatingin sa kaniya, nakaramdam ako ng pagkadismaya dahil parang hindi siya interesadong marinig pa ang sunod na sasabihin ko. Dapat, sa ngayon, alam niya nang importante para sa akin ang pag-uusapan namin dahil hindi ko naman siya papakiusapang kausapin ako kung wala lang ito.

Ang masakit pa, bukod sa wala siyang interes sa pag-uusapan namin ay mukhang pati sa akin, wala siyang gusto. May magustuhan man siya sa akin ay katawan ko lang.

"Wala ka man lang bang gusto sabihin?" mahinang tanong ko.

Mula sa walang pakielam na ekspresyon, napalitan ito ng pagtataka. Salubong na ang mga kilay niya at napatigil pa sa pagpupunas sa hawak na santo. Saglit pa siyang nag-isip habang nakatingin sa hinahawakang santo bago ibinaling muli ang tingin sa akin na may parehong ekspresyon. "Thank you?"

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon