31

804 14 0
                                        

Nara

Hindi naging madali para sa akin ang nakalipas na ilang buwan. Dahil ayokong ma-disappoint ang mga tao sa paligid ko, ginawa ko ang lahat para lang makapasa sa LET at nang ma-certify na ako para maging ganap na teacher.

Naging mahirap, oo, pero sa dami ng tao na nagsasabi sa akin na kaya mo iyan, ang akala kong imposible nagagawa ko. Nasanay kasi ako na ako lang ang kumikilos para sa sarili ko, na wala akong ibang katulong kung hindi sarili ko lang. Kaya nga nang matapos ko ang lahat ng pagbsubok sa college para lang makapasa, laking pasasalamat ko dahil para na akong nabunutan ng tinik.

Ang pinakagusto ko talagang pasalamatan ay si Travis. Siya ang nariyan sa tuwing magpupuyat ako para lang may matapos akong kailangan gawin. Noong una, nahihiya pa ako sa kaniya dahil pinagsisilbihan lang naman namin ang pamilya niya pero nagpupuyat siya para sa akin.

Ang lalakeng iyon. Hindi niya talaga ako iniiwan sa oras na kailangan ko siya.

At for the first time, pakiramdam ko, tama angmga desisyon na ginagawa ko para sa buhay ko, lalo na ang desisyon na pumayag bilang girlfriend niya.

Oo, nakakatanga na pumayag ako gayong alam naming pareho na hindi pa siya nakaka-move on kay Daniella pero nakikita ko naman kasi ang effort niya para ipakitang gusto niya talaga akong mahalin, na plano niya talaga mahulog sa akin.

Hindi pa namin ipinapaalam kung ano kami. Ang alam lang nila, malapit na magkaibigan lang kami, na pinagsisilbihan ko siya. Napagkasunduan namin ito dahil hindi biro ang pamilyang kinabibilangan niya. Medyo maingay ang pangalan niya sa social media dahil sa rami ng followers niya kaya kung sakali na ibunyag niya iyo, makakarating ito sa pamilya niya at ako, posibleng dumugin ng media dahil kamukha ko lang naman ang asawa ng kapatid niya.

Minsan nga napapaisip ako tungkol kay Daniella. Paano kung kakambal ko ito? Alam kong malabo pero may posibilidad dahil sa pagkakamukha namin. Kung kadugo ko nga ito sino sa amin ang ampon sa kani-kaniyang pamilya? Ako ba o siya?

Gaya ng napag-usapan namin, luluwas kami pa-Manila para tapusin na ang issue niya kina Daniella at sa kapatid niya. Alam kong takot na takot siya dahil hindi siya mapakali at palaging tulala. Heto naman ako, nakaupo sa kama niya habang tinitignan siya sa paglalakad niya sa oob ng kwarto.

"Travis?" Hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad kaya tumayo na ako't puunta sa harap niya. Napatigil siya't tumingin sa akin at hindi ko maiwasang maawa dahil sa itsura niya.

Puro eyebags na siya at parang pagod na pagod. Hindi pa rin siya nakakapag-shave ng bigote at balbas, na parati niyang ginagawa. Para niya nang napapabayaan ang sarili niya. Nagsimula ito last week after ma-release ang results ng LET. Matapos ko sabihin sa kaniya na nakapasa ako at hiniling na pumunta kami sa Manila para kausapin ang mga dapat niya kausapin bilang reward sa pagkapasa ko, naging ganito na siya.

Alam kong natatakot siya pero narito naman ako, eh. Hindi ko naman siya iiwanan. Natitiis ko nga na gabi-gabi siyang may binibiktima, ito pa kayang harapin si Daniella?

Kahit naman ako, natatakot sa magiging resulta ng pag-uusap nila. Sa sobrang paranoid ko nga, naiisip ko minsan na baka hiwalayan ni Daniella ang asawa niya at sumama kay Travis. Kahit alam kong imposible, ipinagdarasal ko pa rin na sana hindi mangyari iyon.

Marami na ako masyadong tiniis dala ng pagmamahal ko sa kaniya at ayoko naman na mabasura lahat ng iyon. Mahal ko siya at ayoko siyang ibigay kay Daniella pero kung iyon naman ang gusto niya sa oras na magkaayos sila, ano bang magagawa ko?

"Kinakabahan ako. Para akong sisintensiyahan."

Binigyan ko siya ng ngiti saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Hinila ko siya palapit sa akin at tinaniman ng maliit na halik ang labi niya. "Nandito lang ako."

Call Me Daddy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon