CHAPTER 4

3.6K 85 6
                                    

DEBORAH

"Ang sakit ng ulo ko!" inda ko nang magising ako sa umaga. Sobrang sakit ng ulo na para bang pinagtulungan itong biyakin ng pitong demonyo. Kinamot ang buhok kong buhaghag at inamoy ang mga daliri pagkatapos. Panay din ang pagkamot ko sa iilang parte ng katawan ko at kapag natatapos nga ay inaamoy 'yung mga daliring pinagkamot ko.

Noong una, wala pa akong maalalang kahit ano pero noong nilibot ko na ang paningin ko sa sobrang liit kong kuwarto na puno ng posters ng Super Junior, doon ko naalalang may hinalikan pala ako kagabi.

Napahawak ako sa dibdib ko at kumabog ng walang kasing lakas ang puso ko nang maramdaman kong wala na akong bra.

"MAMA!" sigaw ko.

Agad akong napatayo sabay napatakbo palabas. Isa lang ang partition ng bahay namin kaya pagkatapos ng kuwarto ko na siyang kuwarto rin ni Mama at Papa, ay pinaghalong kusina at sala agad ang bumungad sa akin.

Kasalukuyang nagluluto ng agahan ang Mama at nang makita nga niyang mukha akong sinampal ni Satanas ay agad siyang napahinto sa ginagawa niya.

"Oh? Ayos ka lang? Hindi ka na ba lasing? Sige, uminom ka pa ng marami pero huwag ka ng umuwi rito. Hindi na kita kikilalaning anak."

"Mama? Paano ako nakauwi dito kagabi?" tanong ko at hindi na inintindi pa ang sinabi niya.

"Umuwi kang magisa. Gutay-gutay ang suot mo at amoy tae ka..." aniya. Binaliktad niya na ang niluluto niyang itlog.

"Ako lang po mag-isa? Wala pong naghatid sa akin?" Napatingin ako sa sahig. "I mean, wala po ba akong kasamang guwapo? Lalaking naka-dark blue jeans, sobrang kisig ng katawan pero mukha pa ring bata? Wala po ba?"

"Deborah..."

"Po?"

"Nalasing ka ba talaga kagabi o humithit ka ng rugby?"

Napanganga na lang ako sa sinabi ni Mama. Siguro, magisa lang talaga yata akong umuwi kagabi.

Pero jusko? Sino 'yung hinalikan ko?

At oo nga pala! 'Yung company ID ko!

Dahil wala ng tubig sa banyo namin, hindi na ako naligo at nag-toothbrush na lang. Pang-walong araw ko na itong hindi naliligo at puro wisik-wisik at cologne lang ako this days.

Ayos lang sa akin. Hindi naman ako naiinitan o ano. Minsan, ngangati nga lang.

Habang nagto-toothbrush ako, naalala ko kung paano ako nakauwi sa amin kagabi.

Matapos kong halikan iyung guwapong estrangherong lalaki sa daan, tumakbo ako papalayo sa kanya at mas napatakbo pa ako ng mabilis ng hinabol ako ng anim na asong nadaanan ko. Nakatipid ako ng pamasahe pero iyun nga lang, sobrang sakit ng paa ko.

Pero sino kaya talaga iyong hinalikan ko kahapon? Grabe, ang landi ko naman yata. Nakakakita lang ako ng guwapo, hinalikan ko na agad. Hindi rin naman ako ganun kapag nalalasing. Kahapon lang ako naging ganun. At siguro sobrang guwapo nga talaga para magawa ko iyun sa kanya.

His face is already blurred inside my head pero kapag nakita ko siya ay sigurado akong makikilala ko siya agad. Sana lang talaga, hindi siya hoodlum o druglord. At sana mapatawad niya ako sa panghahamak ko sa labi niya.

Inigihan ko ang pag-toothbrush ko at kiniskis ko nga ng maigi ang labi ko.

My first kiss.

Bakit naging isang malaking nightmare ang unang halik ko?

Kainis!

"Teka? Anong oras na ba ngayon?" nahinto ako sa pagto-toothbrush nang maisip ko kung anong oras na. Lumabas ako ng banyo at nang mapatingin sa orasan sa sala namin ay minadali ko na ang sarili ko.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon