CHAPTER 22

2.2K 67 19
                                    

DEBORAH

"Deborah,,," Bigla akong nahinto sa paglalakad nang tawagin niya ako. Ilang hakbang na lang, nasa pintuan niya na ako at noong narinig ko nga ang boses niya ay tila inalis niya ako mula sa kinatatayuan ko. The door becomes so far away from me at mas lumayo pa nga iyon ng tuluyan sa nang magsalita siyang muli.

"Can I be an inconvenience to you this night?"

Kumabog ang puso ko ng walang kasing tindi. His question is so vague that it made me hallucinate many things. Pero teka? Chance ko na rin 'to 'di ba? Isa sa mga dahilan kung bakit ako nag-apply bilang pretend girlfriend niya ay para maranasan sa pinakaunang pagkakataon kung paano mabiyakan ng kabibe. My lack of experience in sex had cause me so trouble on my job. Kung pulido ko lang sanang nagawa iyong article na pinapasulat sa akin ni Ma'am Liza patungkol sa first time sex experience ay baka hindi siya na-bad-trip sa akin na naging dahilan pa ng pagkasali ko sa maaring ma-lay-off.

So, ano na? Ito na ba 'yun? At natural lang din naman kung may mangyari sa amin 'di ba? Babae ako, lalaki siya. At isa pa, pareho na kaming matatanda na. I'm 22 and he's 27. Nasa wastong edad na kami at legal na legal na kami para sa gawaing ito.

Nakagat ko ang labi ko.

Pero hindi pa rin ito tama.

Wala namang namamagitan sa amin.

Hindi niya naman ako totoong girlfriend.

Pero mahalaga pa ba 'yun?

Sa panahon ngayon, hindi na bago na magsiping ang mga estranghero. Iyon bang tinawatawag nilang with benefits lang? 'Yung no-strings-attached na sa kung sa totoo ay nakaka-attach naman talaga.

Naipikit ko ang mga mata ko.

Grabe! Ang lamig dito sa bahay niya pero pinagiinitan ako.

"With my arm right now, marami akong hindi kayang gawin. With that..."

Tumigil siya saglit at naramdaman ko na lang ang pagtitig niya likuran likuran ko.

Oh! My! God! Ano kamo? Marami siyang hindi kayang gawin dahil sa sitwasyon ng kanang kamay niya ngayon? Does it mean na....

Gusto niyang kamayin ko siya?

What the!

Mas gusto ko 'yung hindi kinakamay pero kung iyon ang gusto niya, ayos lang din.

Kailangan ko lang talaga ng experience. I just want to know how it looks like. I just want to know how it feels. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakakita ng tunay na ari ng lalaki. Sa mga video lang! I want to experience the real one! The real flesh!

"...will it be alright if you'll stay with me this night until tomorrow?" tanong niya sa akin. Grabe siya. Naisip ko tuloy kung ganito ba siya sa mga naging babae niya. Tipong hahayupin niya muna bago alukin ng ganito. Kaya hindi nakakapagtakang wagas na lang 'yung galit ni Sarah Lim sa akin. Siguro ay hulog na hulog na iyon sa kanya.

"Dito ka muna matulog."

What he said was like a green light to me. Tipong para bang nasa harap ako ng malawak na pedestrian lane at sa haba ng paghihintay ay sa wakas ay puwede na akong makatawid. Para bang nasa tapat ako ng isang ATM at sa wakas ay kinain na ng machine ang card ko at puwede ko ng makuha ang suweldo ko. Tipong para bang pumipila ako sa isang concert at sa kinahaba-haba ng paghihnatay ay sa wakas, makakapasok na ako.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon