PROLOGUE

8.2K 183 12
                                    


"Deborah Galang?"

"Yes! Ako po 'yun!"

"Come in, please. Our Attorney is already waiting for you."

"Yes po... Sh*t."

"Pardon?"

"Ay, sabi ko po, 'sit'. Nakakapagod na po kasing mag-sit kaya ang saya sa feeling na makatayo na."

Peke akong tumawa at inayos ko na lang ang pagkakapihit ng itim kong palda pataas sa aking bewang. I pout my lips at parehong nilawayan. Ang tamis ng lipstick. Kinurap ko rin ang pilikmata ko to check kung curl pa ba ang eyelashes ko. Ginulo ko ang bangs ko ng kaonti and I'm ready to go.

"Come with me, please," the staff guided me at pumasok na nga kami sa isang napakahabang pasilyo.

I need to look very sexy right now kahit sobrang flat ng puwet ko.

Shocks! Kung bakit ba naman kasi walang ka-kurba-kurba itong patag na patag kong katawan? Tuloy, kailangan ko pang bumawi sa pagpakita ng balat kong kung hindi lang dahil sa lotion ay mapagkakamalan mong sakahan na dinalaw ng ilang dekadang tag-tuyot.

Above the knee ang suot kong palda at may ito slit sa kanan na one inches na lang ang kulang ay makikita na ang bulaklakin kong panty.

Kagaya ng sinabi ko, kailangan kong maging sexy ngayon because I'm having a very special appointment right now. May i-mi-meet akong isang lalaki ngayon na kung saan ay kapag nagustuhan o natipuhan niya ako ay ibibigay niya sa akin ang isang kahilingan ko, providing that I'll be his pretend girlfriend for a week.

Pretend girlfriend? Tss! Madali lang naman iyun. Ang importante, matupad niya ang hiling ko.

And my wish? Well, isang simpleng bagay lang naman ang gusto kong matupad.

Sobrang simple lang naman.

At my age right now which is already twenty-two, kailangan ko ng ipabiyak ang sarili kong hiyas.

Alam kong napakagago ng sinasabi ko ngayon at alam kong minumura at hinuhusgahan mo na ako but I don't care. I have my reasons. Deep reasons.

Throughout my life, wala pa ni isang lalaki ang nagpakita ng interes sa akin, wala pa ni isang lalaki ang nagbigay sa akin ng chocolates at flowers o kahit man lang anonymous loveletter, wala pa ni isang lalaki ang nagtangkang manligaw sa akin. Never pa akong... never pa akong... never pa akong naka-tikim ng sex. Kahit kiss. Kahit... ugh... holding hands!

Ni hindi ko man lang alam kung ano ang itsura ng ari ng lalaki, ni hindi ko man lang alam kong totoong dalawa ba talaga ang bayag, ni hindi ko alam kung...

Okay, I need to compose my self. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong mag-relax. Kailangan kong huminga ng malalim.

Effort na effort ako sa pagpunta ko rito kaya hindi ko hahayaan na dahil sa kaba ay mauwi sa wala ang pinagpaguran ko.

Itong palda kong may malaking tabas ng slit, itong puting blouse na ginamit ng bestfiend kong si Maris noong first holy communion niya, itong pag-ahit ko ng kilay, ang effort kong magsuot ng contact lenses kapalit ng eyeglasses ko, itong pagba-blush on at pagmi-make-up kong hindi ko naman madalas na ginagawa, they need to be paid off.

"Next..." May babaeng sumigaw ng 'next' sa loob ng room na papasukan ko pa lang at hindi naglaon ay lumabas na ang previous interviewee.

Sobrang ganda nito ngunit lumabas itong gutay-gutay ang buhok at luhaan.

Ako ang pinaka-huling i-interview-hin sa araw na ito at kanina pa lang ay labis na ang kaba ko nang makita kong sobrang gaganda ng mga babaeng nakasama ko sa pila.

At mas lalo pa akong kinakabahan sa mga pagkakataong lumalabas ang mga ito ng conference room na broken hearted. Kung sila na magaganda at sexy e hindi na nakapasa, pa'no pa kaya akong average lang o baka below average pa?

By the way, it's already 3:50 PM right now at sa mahigit limang daan na pumila sa araw na ito para maging panandaliang girlfriend ng isang sobrang sarap daw na attorney ay ako ang panghuli. Alam kong wala na akong pag-asa pero gusto ko pa ring sumubok. Kahit ngayon lang.

For the sake of breaking my pearly shells!

"You may enter now." Nginitian ako ng babaeng naghatid sa akin sa tapat ng pinto at napa-sign of the cross nga ako ng wala sa oras ng makapasok ako sa napakalamig na kuwarto.

Una kong nakita ang glass nameplate na nakapatong sa table kung saan naka-imprinta sa surface nito ang pangalang, ATTY. LEXUS PARK.

Sunod kong nakita ang lalaking nakatalikod sa akin na naka-upo sa swivel chair kung saan sa arm rest ay neat na naka-fold ang dark blue nitong tuxedo.

Una kong napansin sa lalaki ang buhok niya, jet black ito at manipis na manipis. Clean cut ang sides at namumula ng kaonti ang parehong tainga niya.

Napalunok naman ako ng mapagmasdan ko ang batok niya. Napa-ungol at naihi ako ng kaonti nang hagurin niya iyun gamit ang kanang kamay niya may wrist watch.

He has a very broad pair of shoulder at naka-suot siya ng putting white sleeve.

Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakita ng lalaking ganito ka-guwapo kahit likod pa lang ang nakikita ko.

I prepared my self.

Paano pa kaya kung haharap na siya sa akin?

"You're hired."

"P-po?" Gulantang na gulantang ako nang magsalita siya at mas lalo pa akong na-windang nang humarap siya sa akin.

He's wearing a poker face, singkit at tila animated ang mga mata. His nose is well sculptured at ganoon din ang kanyang detalyadong-detalyadong mga panga. Bumagay ang manipis niyang mga labi sa sobrang liit niyang mukha.

"You're now my girlfriend. Congratulations." He tried to smile at me at nang gawin niya nga iyun ay hindi ko mapigilang himatayin dahil sa sobrang pagka-guwapo niya. How come? Oh my GOD! HOW COME?


Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon