CHAPTER 48

1.5K 40 3
                                    

DEBORAH

"Attorney Lexus, okay na. Okay na..." Bago pa tuluyang may mangyari sa amin, inawat ko na siya. We were on the heights of our feelings at ayaw kong iyon ang mangibabaw sa amin. We were just alone in his room kaya kung wala ni isa sa amin ang magpipigil, talagang may mangyayaring hindi maganda. May mga plano pa siya sa buhay at ayaw kong masira iyon nang dahil sa akin. Kahit pa sabihing ginusto naming dalawa ang nangyari, ayaw ko pa ring pakasalan niya ako dahil nabuntis niya ako. I want him to marry me out of love. Iyon ang gusto ko.

Nakita ko sa mga mata niya ang paghihirap noong inawat ko na siya kaya niyakap ko na lang siya. He's just a human being too. At ang mas malala pa niyan, lalaki. Men were given physical strength, but they really lack the ability to control their feelings kung saan iyon naman ang naging lakas ng mga babae.

Ramdam ko pa rin ang pagkatulala niya pati na ang pagkabog ng puso niya kaya mas inigihan ko lang ang pagyakap ko sa kanya kahit na mas malaki siya kaysa sakin. Pero masayang-masaya talaga ako na hinayaan niya akong kontrolin ang bugso ng damdamin niya. It was hard for me too pero alam at ramdam ko talagang mas nahirapan siya.

Nang huminahon na ang lakas ng pagtik ng kanyang puso, hinarap ko na siya sa akin sabay pinagdaop ang mga palad ko sa pisngi niya. Tinawanan ko siya nang makita ang mukha niya. Nakaawang ang bibig niya at parang batang hindi pinakain ng lollipop. Ang cute!

"Lalabas lang ako saglit. Kung gusto mong maligo, if kaya mo naman, sige maligo ka lang."

Tumango siya at iniwan ko na siya roon. Pagsara ko ng pinto niya, kamuntikan na akong mahimatay. Mabilis kong hinugot ang nawala kong hininga. That was close. Lagpas minuto din kaming naghalikan at kung hindi lang talaga ako nagpigil, jusko, kung hindi lang talaga ako nagpigil... Inipit ko ang legs ko at naglakad na pababa.

"AY SEX!" gulantang kong sigaw nang makita kong naroon na sina Kuya Short at Long. Weirdo silang napatingin sa akin.

"I mean, sex, seven, eight." Para akong tangang nag-stretching sa hagdan. "Eight, seven, sex, five four three two one."

Sinubukan kong ngitian silang dalawa pero nakanganga pa rin sila habang nakatitig sa akin. Na-concious akong bigla sa kung saan sila nakatingin kaya hinagilap ko kung agad ang kung ano man ang mali sa sarili ko. At nang mapahawak nga ako sa braso ko kung saan nakalaylay na ang strap ng bra ko, naipikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa kahihiyan.

<*TUKO!*><*TUKO!*>

***

"Yes Kuya Short, kamuntikan na talagang may nangyari sa amin..." hiyang-hiya kong pagamin sa kanila noong pinaupo nila ako sa sala ni Attorney Lexus at kinausap sila. Nang marinig ni Long ang sinabi ko ay agad siyang nag-walk-out. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.

"Deborah, I guess, mas maganda kung lumabas-lumabas muna kayong dalawa ni Attorney Lexus." Tumawa siya.

Tumango-tango ako. Nakakahiya talaga.

"Talagang aggressive si Attorney Lexus sa mga ganitong bagay kaya huwag na huwag mo agad siya pagbibgyan kapag humingi siya ng halik. It's always a trap. Kapag humihingi na siya ng halik, hindi na si Attorney Lexus iyon, ibang tao na ang nagsasalita sa loob ng katawan niya. Kaya tama lang talaga ang ginawa mo na pinigilan mo siya."

Tinandaan ko ang sinabi niya.

"At Deborah, alam kong nakakahiya na 'to pero ayos lang ba kung ikaw muna ulit ang magbantay kay Attorney Lexus? Hindi pa kasi kami nakakauwi ni Short sa mga pamilya namin," aniya.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon