CHAPTER 27

2K 74 11
                                    

LEXUS

Kahit nasa departure lounge pa lang silang dalawa ni Deborah ay hindi na mapigilan ni Attorney Lexus ang makaramdam ng walang kasing tinding antok. His head is already swaying from side to side at kada nababangga nga niya ang balikat ni Deborah ay tinutulak lang siya nito dahil sa inis. It's just 3:23 in the dawn at sila pa lang ang nandito. Wala pa ang mga empleyado niyang kasama sa pupunta sa Boracy.

Napatingin siya sa cellphone niya at nang makita niya ang text ni Sarah Lim ay agad niya itong binura bago pa makita ni Deborah. Sa text message lang naman kasing iyon matatagpuan ang sagot kung bakit hindi siya umalis sa tapat ng dumpsite kagabi. It was because Sarah Lim, the one who made a scandalous event at the recent ball, na isa rin sa mga babaeng naging affair niya, ay pinagbantaan lang naman siyang susunugin nito ang buong dumpsite kung saan nakita si Deborah.

And because he's an attorney ay nagawa niya itong ipa-blotter nang hindi umaalis sa kinatatayuan niya at nakulong nga ito buong magdamag. Nitong umaga lang ito nakapag-piyansa at kinukulit na naman siya nito.

Last night, he wants to go home too pero kahit napakulong niya na si Sarah Lim ay ayaw niya pa ring i-underestimate ito dahil alam niyang marami rin itong connections na maaring humamak kay Deborah. At iyon nga, buong gabi niyang binantayan ang dumpsite kung nasaan naroon ang bahay nito.

"Deborah, just let me sleep on your shoulders, okay?" Hindi niya na hiningi ang sagot nito at ginawa niya na nga kung ano ang gusto niyang gawin. Narinig niyang sinita siya ni Deborah pero hindi naman ito umalma. Hinayaan lang siya nitong makatulog sa sariling balikat.

"Deborah? What happened?"

"Oh my God! Tignan niyo si Attorney Lexus! Hindi nagpalit ng suot!"

Maya-maya pa, narinig niyang may mga dumating na pero nanatili pa rin siyang natutulog sa balikat ni Deborah. He heard more conversations afterwards pero hindi iyon nagpapigil sa kanyang pagkakaidlip. Deborah's shoulder is so comfortable he can help but sleep well on it.

"Attorney Lexus? Sasakay na tayo ng plane." Ginising siya ni Deborah sa marahang paraan. Binuksan niya ang mga mata niya at nanlalabo ngang bumungad sa paningin niya ang mukha nitong nagaalala.

"I'm glad that you're safe. I'm really glad..." bulong niya rito.

Kumunot ang noo ni Deborah. Maya-maya pa, inayos nito ang buhok niya. "Kung inaantok ka pa, kapit ka lang sa akin, okay?" anito.

Napangiti ng walang kasing tamis si Attorney Lexus at napahawak na lang siya sa kanang kamay ni Deborah. Naglakad silang nakadantay ang ulo niya sa balikat nito habang magka-holding hands. Narinig niyang tinukso sila ng mga staff niya at palihim lang na napangiti si Attorney Lexus habang nakipikit ang mga mata. He did not even realize na nakapasok na sila ng plane matapos ang mahabang ilang sandaling paglalakad. At noong nag-take off na ang eroplanong sinasakyan nila ay mas lalo pa siyang napaidlip. Hindi niya rin binibitawan ang kamay ni Deborah.

Throughout his whole career, he'd never sleep as peaceful as right now at masasabi niya ito na yata talaga ang pinakamatiwasay niyang pagkaidlip. Simula kasi noong may mga naipapanalo na siyang malalaking kaso, wala ng gabi o araw na hindi siya nakakatanggap ng death threats na madalas ay hindi nagpapatulog sa kanya. O kung hindi man death threats ang pumipigil sa kanyang magkaroon ng matiwasay na pagpapahinga, ay stress o hindi kaya'y anxiety naman ang bumabagabag sa kanya, o mas malala, ang pangungulila niya sa mga magulang niyang matagal ng pumanaw.

"Welcome to Panay! And for those who'll go straight to Boracay, we hope you'll enjoy your stay."

"Yehey!"

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon