CHAPTER 68

1.1K 28 0
                                    

DEBORAH

“Mas prefer ko 'yung hindi tuli, mas maganda at mas fresh kasi tignan. Tasaka baby face lagi ‘yung mga mga hindi tuli no. Tignan mo na lang ‘yung mga Korean oh? Hindi tuli ang mga lalaki kaya ang cute-cute ng face.” Habang nagsasalita si Angelina sa tabi ko, nakatitig lang ako kay Attorney Lexus Park na ngayon ay panay lang ang posing sa bakanteng wall ng law firm niya. Iba’t-iba ang pose niya at kahit mukha siyang ewan ay alam niya pa rin ang anggulo niya kaya ang guwapo niya pa ring tignan. Magdamag niya akong inalagaan last night dahil sa sobrang sakit ng puson ko kaya kahit ganyan siya ngayon, natutuwa pa rin ako sa kanya.

“Tsaka sabi rin nila, mas maganda raw ‘yung sexual experience ng lalaki kapag hindi siya tuli. Kasi ‘pag tuli raw kasi, marami nang nawalang nerve endings sa pagkakalaki niya kaya medyo nababawasan ‘yung pleasure,” si Joanne. Nakatayo lang ako ngayon dito sa may receiving area at hinihintay ko nga lang si Attorney Lexus na matapos siya sa ginagawa niya. Si Kuya Short ang kumukuha ng picture sa kanya habang si Long naman ang nag-a-adjust ng lightning. Nag-finger-heart siya sa akin noong nadatnan niya akong napatitig sa kanya kaya napayuko lang din ako at nagtago sa aking mga buhok dahil sa kilig. Pa-simple ko rin siyang pinakitaan ng finger heart.

“Bakit Deborah? Hindi pa ba tuli si Attorney Lexus?” tanong sa akin ni Stephanie na hindi ko na nasagot nang makarating na si Attorney Lexus sa harap namin.

“Let’s go?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Kinilig si Joanne at Angelina. Kamuntikan namang magkasuntukan si Attorney Lexus at Stephanie. Sumunod na rin si Long at Kuya Short.

Tabi kaming dalawa nang pumasok na kami sa sasakyan niya at patago nga lang kaming nag-holding-hands nang umandar na iyon. Napansin iyon ni Long kaya nag-head-set na lang siya. Habang si Kuya siya Short naman ay napangiti lang habang nag-da-drive. May i-mi-meet kaming publisher ngayon sa isang coffee shop. Papapirmahin namin ito ng terms and conditions na ginawa ni Attorney Lexus para sa isa niyang kliyenteng writer. Si Joey J. MakathangIsip.

“Deborah, pagpasensyahan mo na ang boss namin kung napaka-childish niya, napakahangin at napaka-clean-freak…” ani Kuya Short.

“At napaka-landi,” dagdag naman ni Long.

“Yah!” sita ni Attorney Lexus. Natawa naman ako.

“Deborah?” Binaling niya ang atensiyon niya sa akin. “I’m already going to post my OOTD this day on my Instagram. Can you select the photo for me?” aniya.

Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. Kinuha ko iyon at binuksan. Magkatulad kami ng wallpaper kaya napangiti ako nang makita ang screen niyon. Nagpunta ako sa gallery at napanganga na lang ako nang makita ang mahigit isang daan niyang shots ng sarili niya na kuha sa pagpi-picture niya roon sa law firm kanina.

“I should post all the photos, right? I look good in every shot.” At umaandar na naman ang kahanginan niya.

Gayunpaman, may pinili pa rin akong isa. “Eto…” sabi nung kin-lick ko iyong photo niyang nakapaling ang ulo niya sa side at medyo nakaawang ang bibig habang nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isa naman ay hawak-hawak ang nakabukas niyang coat. Ang guwapo niya kasi roon.

Tumango siya at in-upload na nga iyon. “Thousands of my followers are waiting for me to post my OOTD…” aniya habang nilalagyan ng caption ‘yung photo.

Lumapit ako sa kanya at binasa ang caption niya.

-My outfit for today. Shot chosen by my girlfriend because she thinks I’m handsome with this post. #OOTD #LifeOfAnAttorny

“Yah? Why are you sneaking?” aniya. Umagik-ik lang ako.

Nang makarating kami sa coffee shop, wala pa iyong babaeng publisher kaya naghintay kami ng kaonti roon. At noong lumipas na nga ang fifteen minutes ay umorder na kaming apat ng maiinum. Dumating naman agad ang in-order namin at nang malapit ng maubos ang mga iyon ay doon pa dumating ang babaeng publisher na halos kalahating oras na late.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon