CHAPTER 30

1.9K 71 7
                                    

DEBORAH

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa akin pagkatapos naming sumayaw ni Attorney Lexus. Noong namigay na kasi ang cruise ship ng mga drinks ay hindi ko naiwasang makainom out of curiousity. Ang tatamis kasi ng si-nerve nilang inumin at hindi ko naman alam na nakakalasing pala iyon kaya inom lang din ako ng inom. Parang mabibiyak naman ang ulo nang magising ako kinaumagahan. Nasa isang kuwarto na ako't nakahiga na sa isang sobrang lamot na kama. Napatingin ako sa sahig sa gilid at nakita ko roon ang isang Attorney Lexus na natutulog pa. Nakasuot siya ng makapal na kulay gray na hoodie at itim na pants. Parang bata lang siya sa pagkakahimbing niya.

"Tulog ka lang..." Pinat ko siya sa ulo niya na parang aso at laking gulat ko na lang nang may kung anong bagay ang tumango sa gitna ng pants niya.

Nasa paanan niya na 'yung kumot niya kaya kinumutan ko siya ulit. Lumabas ako ng kuwarto namin at nagsipilyo na. Natigilan lang ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. May napagtanto akong bigla.

"Nagising ako sa isang kuwarto kasama siya. Hindi kaya..." Bigla kong nakapa ang katawan ko. Napanatag ako nang matanto kong wala naman akong nararamdamang pananakit sa kahit saan. Mahirap na! Hindi pa ako ready! At kung may mangyari man, mas maganda kung matatandaan ko.

Napaagikik ako sa iniisip ko. Naalala ko rin 'yung bagay na tumango sa gitna ng pants ni Attorney Lexus kanina.

Sssssss....

Bigla akong natigilan nang may narinig akong kakaiba sa gilid ko. Buong akala ko ay may nakapasok na ahas sa banyo pero nagkamali ako kasi may umiihi lang pala sa bowl na nasa tabi ko. Pero teka? May umiihi?

Napalingon ako roon ko at napasigaw na lang nang makita kong umiihi si Attorney Lexus doon.

"WHOAAAAAAAA!" sigaw ko.

"WHOAAAAAAAA!" sigaw niya rin at dahil nga sa pagkabigla niya ay naitututok niya sa akin ang kanya na naging dahilan upang sumirit ang ihi niya sa mukha ko.

<*TUKO!*><*TUKO!*>

***

"Deborah, on what happened on the bathroom. I apolo---" Pinigilan ko na siya sa pagsasalita noong nasa labas na kami ng hotel, nakaupo sa buhangin, nagkakape at nakatingin lang sa malawak na dagat.

"Attorney Lexus, mabuti pang huwag na nating pagusapan iyon. Aksidente lang iyon kaya alam ko namang hindi mo 'yon sinasadya..." pagpapaliwanag ko sa kanya. Malapit ng magbukangliwayway kaya ang ganda lang ng view sa harapan namin. Share lang din pala kami ng kape at nakikisawaw lang din ako ng pandesal sa kanya.

Tumango-tango siya. "You did not see anything, right?"

Napalingon ako sa kanya at namula.

Natawa siya.

"Yah!" sita ko sa kanya. Nakita ko kasi talaga.

"Deborah, what do you want to do today? Sadly, we can't rent the cruise ship again. It's already booked," paliwanag niya habang kinakain ang kakasawsaw niya lang ng pandesal. Hindi ko alam kumakain din pala siya ng ganyan. Pero sabagay, 'yung kape niya ngayon, hindi instant coffee, kundi talagang galing sa blender at purong-puro. Ako ang pinagawa niya niyan at nalula pa nga ako ng makita ko ang presyo ng beans na ginamit. Hindi ko matandaaan pero parang kasama yata sa tae ng isang hayop 'yung beans na ginamit kaya ang mahal-mahal.

Napatingin ako sa dagat. "Parang nagawa naman na natin lahat kahapon." Medyo inaantok pa ako nang may sumagi biglang ideya sa isipan ko. "Parasailing! Tama! Mag-parasailing tayo ulit."

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon