CHAPTER 67

1.1K 24 2
                                    

LEXUS

Tulog pa si Deborah nang magising siya by five in the morning. Hinayaan niya lang ito at kinumutan. They already share the same bed at masayang-masaya si Attorney Lexus dito. Living with Deborah under the same roof gives him so much motivation. Now that he's already with a girl he loves the most, kailangan niyang doblehin ang kanyang effort para sa future nila. He wants the best for her at gagawin niya ang lahat mabigay lang ang magandang buhay rito. Deborah had been through a lot of hardships, at kahit palagi nitong tatanggihan ang tulong niya, sisiguraduhin niyang hindi na ito maghihirap pa sa mga pagkakataong kasama niya ito.

Nginitian niya lang ang natutulog na si Deborah, hinalikan ito sa noo at lumabas na ng kuwarto niya. He took a bath at pagkatapos ay nagluto na ng agahan nila. Nang matapos, chi-neck niya ulit si Deborah sa kuwarto nilang dalawa at dahil tulog pa ito, lumabas muna siya saglit ng bahay niya para maramdaman ang sikat ng araw.

The sun glistens on the horizon as it slowly rises giving the whole world a bright blue sky. Naningkit ang mga ni Attorney Lexus nang dinako niya ang tingin niya roon. He smiled as he hopes that this day will become a great day.

"Gusto mong maglaro?" May batang lalaki na lumapit sa kanya.

"What's that?" tanong niya rito. Anak ito ng isa sa mga kapitbahay niya at madalas niya na itong nakikita rito pero ngayon niya lang ito nakausap.

"Stickers, bulag ka ba?" ani ng batang lalaki.

"Yah! Don't you know that I'm an attorney?"

"Anong pake ko?"

"Yah? Why do you talk like my girlfriend? Aish!" Umupo na siya para pantayan ito. "How do you do that?"

"Bibigyan kita ng deck of cards at pipili ka sa isa mga cards mo. Pipili rin ako sa deck of cards ko at ipaglalaban natin iyon."

Kumurap-kurap ang mapupungay na mga mata ni Attorney Lexus sa sinabi ng bata. Nakakanganga din siya.

"Eto, bibigyan kita ng deck of cards." Binigyan siya ng batang lalaki ng isang kumpol ng cards.

Napatingin siya sa mga natanggap niya. Iba't-ibang uri ng Pokemon characters na may iba't-ibang powers. Hinanap niya si Piccachu pero wala iyon doon.

"Paano natin ito ipaglalaban?" tanong niya at nakapili nga siya ng isang card. Si Snorlax. Kinuha ng bata ang card niya at dinikit sa sarili nitong card kung saan si Evee ang character.

"Pokemon, go!" parang tangang sigaw ng bata sabay hagis ng dalawang card sa ere.

"Whoa!" manghang-mangha namang utas ni Attorney Lexus nang bumagsak iyon sa lupa. Hinintay niyang may lumabas na pokemon sa mga card pero natanga lang siya nang madatnang wala naman.

"Talo ka kasi, nakataob 'yung card mo habang nakatihaya naman 'yung sa akin..." eksplika ng bata. "At dahil talo ka, kukunin ko 'yung card na pinanglaban mo sa akin.

"Yah! What kind of scam is this?"

"Isa pang round?"

Ayaw na sana ni Attorney Lexus pero dahil hindi niya matanggap ang pagkatalo niya, nasundan pa iyon ng dalawa, tatlo, apat, at hindi na mabilang na rounds.

Napanganga siya nang makalipas ang kalahating oras ay pito na lang ang cards na natira sa deck niya.

"Yah? Are you sure you're not scamming me?"

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon