CHAPTER 36

1.6K 58 5
                                    

DEBORAH

Sobrang himbing ng pagtulog ko buong gabi at naalimpungatan lang ako bandang madaling araw nang may kung anong tumutusok-tusok sa tiyan ko. Hindi rin ako medyo makagalaw ng maayos dahil may kung anong nakapulupot sa katawan ko. Noong nag-alarm ang phone ko by five in the dawn, doon ko lang natanto na nasa ibabaw pala ako ni Attorney Lexus. Himbing na himbing siya habang higpit na higpit ang yakap sa akin. Ginawa niya akong kumot niya.

"Later..." sita niya sa akin nang magising ko siya noong sinubukan kong pumiglas.

"Yah!" usal ko dala ng pagkainis dahil bukod sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ay nararamdaman ko na rin talaga iyong kanya na tumutusok-tusok sa may puson ko.

Iyon nga lang, wala rin naman akong nagawa. He's just too strong to resist kaya balewala lang kung magpupumiglas ako. Ako lang 'yung masasaktan sa huli.

"Bakit ako nasa ibabaw mo?" tanong ko sa kanya. Medyo nahirapan pa akong magsalita dahil dikit na dikit 'yung pisngi ko sa chest niyang nagmistulan ko na ring unan.

"You should ask that yourself," aniya. Naipikit ko ang mga mata ko. For sure, nahulog ako sa kanya habang natutulog ako. Malikot kasi talaga akong matulog kaya ganun nga yata talaga ang nangyari.

"E bakit hindi mo ako ginising gayong nakaabala ako sa'yo?" tanong ko ulit sa kanya.

"What do you think, you dork?"

Namula akong bigla.

"Attorney Lexus, five na. Aaalis na dapat tayo kasama ng mga empleyado mo," pagpapaalala ko sa kanya.

"I can extend one whole month here."

"Yah!"

He chuckles.

Maya-maya pa, marahan at maingat niya na akong inilagay sa gilid niya. Iyon nga lang, nakayakap pa rin siya sa akin.

"It's so cold..." he murmured na hindi ko halos marinig dahil nakadikit niyang muli ang mukha ko sa chest niya.

"Attorney Lexus..." Tinawag ko siya.

"Hmm?"

"Hindi ko alam kung narinig mo 'to kagabi pero...."

"Narinig ko."

"Huh?"

"I said, I heared you."

"T-t-talaga? A-a-anong sinabi ko?"

"You're sleep talking and you keep saying that I am handsome."

"Ano?" Natanga ako sa sinabi niya.

Inihiwalay niya akong saglit sa kanya. Hinarap niya ang mukha niya sa mukha ko. "This is my face waking up. Am I still handsome?"

Napatitig ako sa kanya. Magulo ang buhok niya. Naniningkit ang mga mata. At medyo nag-go-glow ang maputla niyang mukha.

Nag-iwas ako ng tingin. "Hindi ko alam. Tanungin mo sa ibang babae."

"Why should I ask other girls when it's you that I want to hear the most if I'm handsome or not?"

Pinamulahan muli ako ng pisngi. Hindi ako makapagsalita. Ang guwapo kasi talaga niya.

Mabilis kong iniba ang topic. "Happy birthday..."

"Happy birthday too..." sagot niya. "You're 23 already?"

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon