CHAPTER 7

3K 93 5
                                    

LEXUS

Buong araw na pinlano ng public relations team ni Attorney Lexus ang secret hiring sa pretend girlfriend niya. Ang team niya ito ang pinaka-creative sa lahat kaya ito ang binigyan niya ng kapangyarihan para gawin ang task na ito. At hindi nga siya nabigo dahil madali ngang nakaisip ang mga ito ng solusyon sa hindi naman dapat talaga ginagawang problema ng law firm niya, but since he has previous clients who are women and is a bit sensitive with this kind of ay kailangan niya pa rin itong ayusin.

Who the heck cares if pagsasabayin niya ang ilang babae sa isang araw? It's is his private life at as if naman siya ang gumagawa ng unang move when fact it is always them who approach him first by offering him their lustful motives. Ayaw niya rin naman maging bastos sa mga ito kaya imbes na ipagtabuyan ay pinagbubuksan niya ito ng pinto. Nililinaw rin naman ni Attorney Lexus sa kanila bago man magumpisa ang lahat na hanggang sex at fling lang ang kaya niyang ibigay at tandang-tanda niya rin kung paanong sumasang-ayon ang mga ito.

But look at what's happening now? Those girls whom he had fling with are causing him this kind of turmoil. At para kay Attorney Lexus, this kind of act is telling him something about them. That they are already being greedy. Madalas kasi sa mga nakaka-one-night-stand niya ay nanghihingi pa ulit ng second round o gusto pang makipagkita ulit sa susunod na mga araw pero buong galang iyong tinatanggihan ni Attorney Lexus. When it comes to this kind of relationship na hindi man lang nagtatagal ng buong magdamag, ayaw niyang naguulit ng kaparehas. Once he's done with a certain girl and that certain girl is done with him, sinisigurado niyang hanggang doon na lang iyun at hindi na mauulit pa. No more season two or book two. Kapag the end na, the end na talaga.

"Ang hirap talaga maging guwapo..." Kanina, solo niya lang ang sofa sa receiving areapero ngayon inukupa na rin ito ng lima pang lawyers na gaya niya. Si Jude, Si Brute, si Dex, si Jordan at si Concept. Naipikit na lang ni Attorney Lexus ang mga mata niya nang maramdaman na ang mga presensiya nito. Hindi niya nililingon ang mga ito pero kita niya sa gilid ng mga mata niya ang mga kuryosong tingin nito sa kanya.

"Yah! Yah! Yah!" Tumayo siya at pinagsasapak ng newspaper ang ang mga ulo nito.

"Mind your own lives, you punk!" aniya.

"Yes Attorney!" sabay-sabay na sagot ng lima.

He smirks. These kids are younger than him at gustong-gusto niyang sumusunod ito sa kanya.

Umupo siya ulit. Katabi niya si Concept na manghang-manghang nakatitig sa kanya.

"Yah?" sita niya rito. He feels creepy by Concept's wide smile.

"Attorney..." banggit nito. "Ilang buwan ko na kayong kasama at ilang buwan ko na rin kaming nagtatrabaho sa inyo pero kapag nakikita ko kayo, namamangha pa rin ako sa kaguwapuhan niyo. You are already 27 years' old pero mukha pa rin kayong 7 year's old," anito.

"Concept?"

"Attorney?"

"Do you want to marry me?"

Tumango ng mabilis si Concept, parang batang gustong bigyan ng candy. Sa lima niyang junior lawyers, ito ang pinaka-chismoso, pinaka-maingay at higit sa lahat...

"But have you win your case today?" dagdag na Attorney Lexus.

Tumayo bigla si Concept, nag-bow sa kanya at pati na sa apat nitong kasama. Maya-maya pa, lumuhod ito sa harap niya.

"Attorney, please spare me my life!" ngumawa ito bigla.

Napatingin si Attorney Lexus kay Jude, Brute, Jordan at Dex. Agad na umayos ang mga tayo nito.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon