CHAPTER 64

1.2K 36 0
                                    

DEBORAH

Pinanuod ko lang siyang magtrabaho sa desk niya. He's wearing eyeglasses with a thick black frame at habang suot-suot nga niya iyon ay mas lalo siyang gumuguwapo sa paningin ko. His eyeglasses just compliment his well-structured face. Kahit ang hawi ng kanyang buhok pakanan ay umaayon din doon. He's just so handsome that it is unbelievable. Kahit anong gawin kong pagtitig at maya't-mayang pagkurap sa kanya ay hindi ko pa rin kayang maniwala na may ganito kaguwapong lalaki rito sa mundo. Not to add the fact that he's my boyfriend now, para akong nananaginip.

He's just wearing a white sando right now at kita ko nga roon ang pintog ng kanyang dibdib at braso. Hindi ko na natiis ang sarili ko at kinagat ko na ang muscles niya roon. Ang puti at ang linis kasi kaya hindi mukhang totoo.

Natawa siya sa ginawa ko pero hindi niya pa rin ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Tinanggal ko na rin ang pagkakagat ko sa braso niya. Namula iyon ng kaonti at alam kong nasaktan ko siya kaya niyakap ko na lang siya roon.

I wonder how many new years na ganito lang ang ginagawa niya. Nakaupo dito sa opisina niya sa bahay niya. Buong araw na nakaupo sa desk na nasa tapat ng bintana. Sobrang lungkot niyon at kung ako siguro ang gagawa nun, mababaliw ako.

Attorney Lexus is the type of guy that can be alone and can be with other people. Habang ako, kaya kong gawin iyong huli pero hinding-hindi ko talaga kayang magisa. Kaya dahil doon, mas naging crush ko pa siya.

"Darating ba ang araw na hindi ka na magiging lawyer?" tanong ko sa kanya habang nakayakap lang sa braso niya at nakatingin sa labas. Habang siya naman ay ganoon pa rin, may binabasa at inaayos pa ring mga documents.

"Maybe the day I'll retire, I'll become a writer," aniya.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi lang siya mahilig magbasa. Mahilig din siya magsulat. Ah, huh! Kaya niya siguro ako nababaliw palagi dahil magaling siya sa mga salita.

"Ano naman ang isisulat mo?" tanong ko sa kanya.

"About how I found my first love at 28," aniya.

"Yah? Ako ba talaga ang first love mo?"

"Yeah. Nasabi na sa'yo the night before I met your parents, nung naghapunan tayo ng noodles at tuyo sa labas ng bahay niyo," sagot niya.

Tumango-tango ako. "Sa pagkakatanda ko kasi, may isa kang natipuhan talaga. Iyong pinanist? At tsaka, liban sa kanya, 'di ba ang dami mo ng naging babae bago naging tayo? Paanong naging ako?"

"All of them are just flings. Ikaw, totoohanan."

Napangiti ulit ako. Gusto ko ulit kagatin ang braso niya pero naawa na ako.

"Why?" tanong niya. "Am I not your first love?" dagdag niya.

Umiiling ako. "Sinabi ko na nga sa'yo 'di ba? Noong highschool ako, nagkaroon ako ng isang matinding crush at nanligaw pa nga siya sa akin kaso nga, nung sasagutin ko na siya, may nabuntis na siyang iba."

Tumango-tango siya. "Si Mark?"

"Lawyer ka talaga. Ang talas ng talino mo!" sabi ko sa kanya nang maalala niya ang pangalan ni Mark. First love ko.

"Oh!" Napatingin ako sa labas. May nakita akong lalaking pababa ng poste. Iyon si Mark.

"Siya 'yan?"

Tumango ako.

"What's his work?"

"Tiga-ayos ng poste. May mga anak na siya pero ang guwapo niya pa rin."

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon