CHAPTER 35

1.7K 60 5
                                    

LEXUS

He's chasing Deborah inside his dream. Nasa luntian silang hardin at nakasuot sila ng damit pang-prinsepe at prinsesa. Deborah looks like Snow White with it's bobbed hair. Nakasuot din ito ng classic blue dress na paborito niyang kulay. Hindi niya alam kung bakit sila naghahabulan pero ang alam niya, masayang-masaya sila habang ginagawa ito.

"Attorney Lexus! Habulin mo ako!" paghahamon sa kanya ni Deborah. Actually, kayang-kaya niya naman talaga itong habulin pero ewan niya ba't naka-slow-motion silang dalawa ni Deborah sa panaginip niyang ito. Somone must making things slow, aniya sa kanyang isipan. Hindi hamak na mas mahaba ang biyas niya kaysa kay Deborah pero kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga ito madakip-dakip.

"Yah! Bakit ako ang humahabol sa'yo? You should be the one chasing me..." untag niya nang hindi na makayanan ang walang ka-kwenta-kwentang paghahabol kay Deborah.

Inirapan siya nito. "Yah! May nabasa ka na bang fairytale na prinsesa ang naghahabol sa prinsepe?"

Natawa siya. "Yah! Do you think you look like a princess? You're just wearing a nice dress but you're not pretty at all. You look like a dork."

Sumimangot si Deborah. Tinawanan niya ang mukha nito.

"Aw! Ano ba?" daing niya nang sipain siya ni Deborah sa tuhod.

"Yah, Deborah!" paghahabol niya nang hindi na siya kausapin nito. "Babawiin ko na, you really look like a princess."

Lumiwanag na ang mukha nito.

"Pero iyong prinsesang nakakain ng bulok na mansanas," aniya na nagpasimangot ulit kay Deborah na nagpatawa sa kanya ng walang habas.

"Deborah, may malaking tuko!" Gulantang na gulantang si Attorney Lexus nang may makitang malaking tuko sa likod ni Deborah. Kasing-laki ito ng dinosaur.

"Pinagsasabi mo? Paanong magkaka-tuko---"

"Whoaaa!" Pareho silang napatakbo nang hinabol sila nitong bigla.

"Yah!" sita niya kay Deborah nang mas mauna ito sa kanya.

"Bilisan mo! Lalaki ka ba talaga?" turan sa kanya ni Deborah. His pride and ego were hurt kaya binilisan niya lang ang pagtakbo niya pero hindi pa rin niya talaga ito napapantayan.

"Yah! Are you a horse in your previous life?' tanong niya rito dahil sa bilis nitong tumakbo.

"Tsk!" Iyon lang ang sinabi ni Deborah at maya-maya pa nga'y tumigil ito para buhatin siya.

"What do you think you're doing?" aniya rito.

Hindi na ito sumagot at mas binilisan na nga lang nito ang pagtakbo habang buhat-buhat siya.

Usually, si Attorney Lexus ang nagbubuhat ng mga babae, but this time, tila nagbago na ang ikot ng mundo dahil siya na naman ngayon ang buhat-buhat, at si Deborah pa talaga ang gumagawa nito sa kanya.

Napatingin si Attorney Lexus sa likod nila at napsigaw na lang siya nang matantong sobrang lapit na ng giant tuko sa kanila.

"Whoa! Deborah! It's going to eat us! It's going to eat us!"

"May powers ka pa ba?" tanong sa kanya ni Deborah.

Natanga siya. "Powers? Are you high or something?"

"May powers ka. Sigawan mo ang giant tuko ng malakas na 'Yah' para madurog siya."

"Yah!" sita niya kay Deborah. "You should've told me earlier. Puwede naman palang sigawan ang giant tuko na ito para madurog, tumakbo pa tayo at binuhat mo pa ako."

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon