CHAPTER 16

2.4K 73 6
                                    

DEBORAH

Kuya Short and Long drove Attorney Lexus back to his house. Ako ang nagalalay sa kanya sa passenger's seat dahil hanggang noong pauwi na kami ay tulog pa rin siya. Nang makarating na kami sa bahay niya, hindi na ako pumasok pa at nagpaiwan na lang sa labas. Kalaunan ay umuwi na rin ako sa amin at naghapunan na. Tulala ako noong kumakain at mabuti na lang din at hindi ako inusisang maigi nina Mama at Papa kasi baka 'Huh?' lang lagi ang maisagot ko. Sabay kaming tatlo nina Mama at Papa nanuod ng teleserye sa mumunti naming sala at noong natapos na nga ang pinapanuod namin ay napagdesisyunan na rin naming matulog.

Ding! Dong! Inayos ko ang sarili ko sa tapat ng gate ni Attorney Lexus kinabukasan. 6:45 na ng umaga nang makarating ako sa bahay niya at hindi pa nga lumilipas ang ilang segundo ay nagbukas na iyong automatic niyang gate.

Masigla akong naglakad papasok at medyo winawasiwas ko pa nga iyong laylayan ng duster na suot ko dahil sa labis na galak na nararamdaman ko sa umagang ito. Masaya lang talaga ako at marahil ay dahil iyon sa makikita ko naman siya.

"Y-y-you're 15 minutes early," aniya noong pinagbuksan niya ako ng pinto. He's stuttering at siguro ay nahihiya siya sa akin dahil naalala niyang dumantay siya sa balikat ko kahapon. Nginitian ko lang siya ng malapad na malapad.

"Yah! Why are you smiling widely? You're creeping the hell out of me," sita niya sa akin. Nawala bigla ang malapad kong nginiti. Hindi man lang nag-thank-you. Maliit lang ang ulo niya pero ang bihat pa rin nun sa balikat.

Hinawakan ko ang balikat ko ang nagkunwaring dumaing. Gusto ko lang talagang marinig na mag-thank-you siya sa akin.

"Yah! Do you think my head is that big para sumakit ang balikat mo? Your thigh is even bigger than my head."

At nalait pa talaga ako.

He's only wearing a baby blue bathrobe. Halatang kakaligo niya pa lang dahil sa basa at magulo niyang buhok. He smells fresh too at marahil dahil iyon sa sabon niya. May kung anong nagbago sa mukha niya at nahinuha kong dahil iyon sa bagong shave siya. Medyo tanaw ko ang medyo mamula-mula niyang chest pero agad kong inalis ang tingin ko roon. Iyon nga lang, pumalya pa rin ako dahil pagtingin ko sa baba ay kita ko ang mabuhok niyang binti.

"I'm about to get dress," natataranta niyang sabi. Hawak-hawak niya ang isang malaking newspaper at tasa ng kape.

"Kahit hindi na."

"What?"

Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa katangahan ng sinabi ko.

"I mean, sige na, magbihis ka na, ma-late ka pa e." Sinubukan kong tumawa. He looksy straight at me at maya-maya pa ay nagpunta na siya sa kuwarto niya. Iniwan niya sa sofa table ang kape at newspaper niya. Pinanuod ko siyang magpunta roon at noong nawala siya sa paningin ko ay bigla akong nakahinga ng maluwag. Umiling-iling ako. Why does he need to be hot all the time? Kainis!

"GAGU!" Kamuntikan nang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ko ang headline ng newspaper ni Attorney Lexus. Kakaupo ko pa lang sa sofa niya at iyon agad ang sumalubong sa akin.

Sa ilalim ng malaking headline na nagsasabing "STAR LAWYER LEXUS PARK FINALLY IN A SERIOUS RELATIONSHIP" ay nakapaskil doon ang picture naming dalawa. Kuha iyon kahapon noong sinalubong kami ng media sa labas ng bahay niya. Poker face lang si Attorney Lexus habang ako....

"Nice smile!" sigaw niya mula sa loob ng kuwarto niya na may halong pangiinis. Hindi ko siya inalintantana at chi-neck ko na lang ang cellphone ko at gulantang na gulantang ako ng daan-daang notifications ang natanggap ko na sa dami ay nag-hang na halos ang cellphone ko. Mula sa mga kamaganak, kapitbahay, dating katrabaho, dating kaklase at dating mga teachers at professors panay ang tag sa akin ng mga links sa mga article naming dalawa ni Attorney Lexus.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon