CHAPTER 31

1.7K 63 3
                                    

LEXUS

"Attorney Lexus, I prefer na huwag na lang ipaalam sa iba ang nangyari sa akin. We are having fun here at ayaw kong masira iyon dahil lang sa akin. I prefer too if huwag niyo na lang din kasuhan ang resort kung bakit hindi pa nila inaalis ang Willy's Rock. It is one of their greatest view here at kumikita sila dahil doon. It was my fault after all kasi lumangoy-langoy na lang ako roong hindi nagiisip. Kaya please po, huwag niyo na lang gawin ang balak niyo."

"Okay, I won't do it. But in exchange, I should be firing you."

"Yah!" Sinita siya ni Deborah. Nakabalik na sila sa sala sa hotel at ngayon ay nasa sala na nga sila ng unit na nirentahan nila. It is still seven in the morning at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang mga kasamahan nila.

Blangko siyang napatingin kay Attorney Concept na nakaupo sa tapat niya. Napayuko ito dahil sa talim ng pagtitig niya.

He really thought he's dead. Akala niya, mawawalan na naman siya ulit ng taong malapit sa kanya. Pero buti na lang talaga at hindi iyon nangyari. Buti na lang.

"Attorney Concept? Ayaw mo ba talagang pumunta sa clinic? Talaga bang okay ka na?" nagaalalang tanong ni Deborah kay Attorney Concept.

Tumango ito at ngumiti.

"You too..." aniya kay Deborah. "You should be responsible on what happened on this punk. Mas matanda ka sa kanya at hindi mo siya dapat dinala roon."

"Attoney Lexus, wala pong kasalanan si Noona. Ako ang pumilit sa kanyang magpunta roon," depensa ni Attorney Concept.

"Defend each other and I'll fire the both of you..." turan ni Attorney Lexus na nagpatahimik sa dalawa.

"Noona? Can you leave us for while? I just want to talk personally to Attorney Lexus."

Tumango si Deborah at umalis na. Blangko lang na napatitig si Attorney Lexus sa kawalan. Both of his arms and legs are crossed. He was still traumatized on what happened. He almost saw death again earlier. Bagay na ayaw na ayaw niyang makita.

Hindi niya nalamayang lumapit na pala si Attorney Concept sa kanya at huli na rin ng mapansin siyang niyakap na siya nito. Attorney Concept cried heavily on chest at nabato nga si Attorney Lexus sa ginawa nito. Papagalitan niya pa sana si Attorney Concept pero hindi siya makapagsalita. May namumuong bukol sa lalamunan niya. He thought he'll never get affected pero nang mas humahagulgol pa si Attorney Concept sa dibdib niya ay hindi niya namayalang may nakatas na palang mga luha sa mga mata niya.

***

"Don't dare to talk to me..." usal niya kay Deborah nang makabalik siya sa kuwarto nilang dalawa. Sinubukan siyang kausapin nito pero pinigilan niya lang ito. Hihiga pa sana siya sa kama nilang dalawa pero nang maalalang doon pala humihiga si Deborah ay naglatag na lang siya ng makapal na kumot sa sahig at doon na pinuwesto ang sarili.

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ba ang tigas-tigas ng puso mo?" tanong sa kanya ni Deborah. Nakaupo ito sa dulo ng kama at nakatalikod sa gawi niya. "Alam mo ba ang sinabi ni Attorney Concept sa akin bago siya nalunod kanina? Na masama ang loob niya sa'yo kasi kahit anong gawin niyang pagtatangkang maging malapit sa'yo, tinataboy mo lang siya."

"It's better to have a hard heart than a soft heart that can easily be ruined..." sagot niya. Nakahilig ang mukha niya sa kanyang unan. Dindantayan ang parehong kamay.

"Yah---" sinita siya ni Deborah sa mahinahong paraan. "Hanggang kalian ka magiging ganyan? Sa tingin mo ba, lahat ng tao sa mundo, sasaktan ka? Sa tingin mo ba, palagi na lang na may masamang mangyayari at paulit-ulit aa lang na may mawawala sa'yo?"

"Yes..." sagot ni Attorney Lexus. May namumuo na namang bukol sa lalamunan niya.

"Pa'no 'yan? Magiging ganyan ka na lang habangbuhay?"

"Yes..." sagot niya ulit.

"Yah!" Narinig niyang naiyak si Deborah.

"Life is unjust, painful and afflictive. That's why, lawyers like me exists."

"Talaga ba?"

"Yes..."

"Sa tingin mo ba talaga, nag-e-exist ang mga lawyers na gaya mo dahil ganun sa tingin mo ang buhay?"

"Yes..."

"Huh! E 'di tanginang 'yan! Magpapakamatay na lang pala ako kung ganun!" Narinig niyang nagbukas ang bintana ng kuwarto nila.

"Yah!" sita niya rito.

Nang maramdaman niyang sinusubukan ng umapak ni Deborah sa frame ng bintana ay agad niya na itong nilapitan.

"What the fuck is your problem?" sigaw niya rito.

"Ikaw!" Tinuro siya nito. Maya-maya pa, napahagulgol ito. "Ikaw ang problema ko!"

Pinilit ni Deborah na pakalmahin ang sarili pero pumalya lang ito. "Hiindi ko alam kung bakit ganyan ka! Hindi ko alam kung bakit mo na lang pinapangunahan ang lahat! Hindi ko alam kung bakit pinipigilan mo ang sarili mong sumaya!"

"And what is to you that I am like this? What is it to you that I'm a mess? What is it to you that I'm a very complicated person? Tell me, Deborah! Tell me!"

Nagkakasigawan na silang dalawa at wala silang planong pigilan ang sarili nila sa mga nararamdaman nila ngayon. Deborah's starting to hate him. And he's starting to hate himself too.

Nanghina si Deborah. "Kung ikaw, may karapatang sabihing naiinis kang makita akong naghihirap. Kung ikaw, may karapatang sabihing nasasaktan ka sa katotohanang nakatira lang ako sa dumpsite. Bakit ako, walang karapatang magalala sa'yo? You're a good person, Attorney Lexus? But why are you stopping others people from acknowledging it?"

Naitakip ni Deborah ang mga kamay sa sariling mukha nito at napaiyak na lang ng walang kasing sakit. Attorney Lexus was dumfounded by what she had said. He's lost with words to stay. Sinubukan niyang yakapin si Deborah pero umiwas lang ito. Nanghina siya bigla at napaupo na lang sa tabi nito.

Nang maramdamang hindi pa sapat ang sahig para huwag siyang mawalan ng balanse ay inihilig niya ang kanyang likod sa pader. The morning sunlight is pouring on them. Deborah is still crying and hearing it was just too painful for him. He hurts this girl who was just trying to save him.

"Hindi ko rin alam, Deborah. Hindi ko rin alam." He answered Deborah's question at sa hindi niya mabilang na pagkakataon ay muli na namang may nakatakas na luha sa mga mata niya.

All this time, Attorney Lexus Park knew that his heart was already hard enough for him not feel pain, but why is it that he's starting to get ruin again? Why is it that he's starting to get be soft again?

Tumabi sa kanya si Deborah at doon niya natagpuan ang sagot.

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon