CHAPTER 6

3.1K 93 2
                                    

DEBORAH

Ilang minuto rin ang itinagal ng pagiyak ko sa bench na iyon na nasa tapat ng building. Panay lang ang pagngawa ko roon at naubos din halos ang tissue na ginamit ko pangpunas ng aking uhog at sipon. Mas napaiyak din ako noong may mga naghagis na sa akin ng barya. Umalis na rin ako nang may mag-video na sa akin.

Gusto ko sanang i-take advantage ang pagkakataong 'yun na siraan ang kompanyang naglagay sa akin sa listahan ng mga empelyadong puwedeng masali sa lay-off. Marami-rami rin kasi ang kumuha sa akin ng video at malaki ang tiyansang isa sa mga iyon ay vlogger, pero hindi ko pa rin iyon ginawa kasi umaasa pa rin ako na hindi nila ako sisibakin. Kapag mahirap ka, hindi mabango ang apelyido at walang connections, hindi mo puwedeng banggain ang nangbangga sa iyo lalo na kung 'yung taong 'yun ay siyang kinakapitan mo. Sa madaling salita, kiss in the ass ka palagi at wala ka laging choice. Pero hindi ibig sabihin na panghabangbuhay na iyon, gagawin mo lang 'yun ng iilang buwan o taon, gagawin mo lang 'yon ng pansamantala habang binubuo mo pa ang pangarap mo. The process is always like that. No one in this world who lacks in resources and connections have not kissed someone's ass before achieving his or her dreams. Isang malaking insulto iyon sa pride ng isang tao pero mas maigi na iyon kaysa sa pagpili ng mga bagay na mas madaling gawin at hindi man lang nilalaanan ng pagod at sipag kagaya na lang ng pagaasawa ng 4M.

Pumasok ako sa isang boutique sa loob ng isang mall at sinukat ang iilang magagandang dress sa loob ng fitting room. Pinilit kong ngumiti sa harap ng salamin pero tina-tradyor lang ako ng mga luha ko. Every time I tried to smile and pretend that I'm not really hurt ay mas nasasaktan lang ako lalo.

Sana naging maganda na lang kasi ako. That way, siguro mas mapapadali ang pagtupad ko sa mga pangarap ko. Everyone will praise me endlessly dahil sa perfection ng mukha ko at pati na sa kung gaano kakinis at kaputi ang balat ko. People will worship me, and businessmen will take advantage of it. They will hire me as their ambassadress and I will become the face of their businesses. And naturally, they will pay me a lot at gamit ang perang ipangbabayad nila sa akin, magagawa kong i-maintain ang ganda ko. I can make my boobs bigger anytime at maglalaway sa akin ang maraming lalaki, and again businessmen will take advantage of it and the cycle would loop like a rat race. Hindi ako mauubusan ng pera at kahit ilang bahay ang ipatayo ko sa para sa mga magulang ko ay magagawa ko. Life would be so easy.

Tuloy, naisip ko kung mayroon ba talagang nilalang na mas intelektuwal at mas makapangyarihan kaysa sa mga tao. Dahil kung mayroonman ay bakit hindi niya na lang ginawang pantay ang bawat isa. The world He built is an unfair world, and since it is unfair, it is painful and cruel.

O baka mali rin ako. Hindi ko rin alam.

"Akala mo isang prebilehiyo ang maging maganda?"

Naputol ako bigla sa malalim kong pagiisip nang may tumabi sa akin habang nakatitig ako sa mga naka-display na damit sa harapan ko. Kumuha ang babae ng isang dress at tinapat iyun sa katawan niya. The girl is wearing a white sando and a very short maong pants. Bumubulwak din ang dibdib niya sa laki at halos masilaw rin ako sa puting legs niya. This girl is definitely a catch pero may kung anong mali akong nararamdaman sa kanya na hindi ko maipaliwanag.

"Ganda ko 'di ba?" tanong niya sa akin habang ngumunguya ng chewing gum. That's it. It feels like her sophisticated beauty doesn't parallel with how she acts.

"Pero alam mo ba, isa 'tong sumpa." Tumawa siya. "Pakiramdam ko kasi, maganda lang ako pero hanggang doon lang. Maganda lang. Hindi ako matalino, wala rin akong talent, at pakiramdam ko talaga, ang bobo-bobo ko sa lahat ng bagay. Kaya ayun. Hanggang high school lang ako."

Nakinig lang ako sa kanya habang nagsusukat siya ng damit. "Madalas din akong nababastos at noong una, nasasaktan pa pero noong tumagal ay nasanay na rin ako. Pero minsan, masakit pa rin. Ang lakas lang kasi makababoy." Umiling-iling siya.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon