CHAPTER 66

1.2K 33 0
                                    

DEBORAH

We spent the rest of our Saturday kasama sina Mama at Papa. Marami pang kinailangang linisin sa sa bago naming bahay kaya tumulong na kami roon. Iyon nga lang, kinalaunan, kami lang din ni Mama ang nauwi sa paglilinis kasi naman si Papa, buong tanghali lang na kasama si Attorney Lexus kaka-testing doon sa Corvette Stingray nito. Kung hindi ko na lang siguro sila sinitang dalawa, baka naibagay na ni Attorney Lexus kay Papa 'yung sasakyan niya. Panay lang din ang tukso sa akin ni Mama. Hindi ko rin naman maiwasang kiligin. Sabay ulit kaming apat na kumain. Naiyak pa nga si Mama dahil sa saya noong nag-dinner na kami dahil tila nagkaroon daw sila ng bagong anak dahil sa pagdating ni Attorney Lexus. Tabi ulit kaming natulog pero this time, wala ng nangyari dahil sa pagod namin buong araw. Kinabukasan, sabay kaming um-attend ng misa at noong magtanghali ay nagpaalam na nga kami kina Mama at Papa dahil balik na naman ulit kami ng bahay niya. And yes, we're going to live together now.

Pinagisipan namin iyon ng maayos at hiningi rin naman namin ang permiso nina Mama at Papa. Tutal at magkaugnay lang naman ang trabaho naming dalawa at dahil abot hanggang bahay niya rin ang office-works niya, napagdesisyunan nga naming ganun na nga lang ng siste. During workdays, sa bahay niya kami habang sa weekends naman ay kina Mama at Papa.

"Attorney Lexus? Noon ko pa talaga gustong malaman kung ano ang nasa kuwarto na ito. Ano ba kasing meron at nakasara ito lagi?"

Kakarating lang namin sa bahay niya at nasa second floor na nga ang mga gamit ko na ipapasok na sa kuwarto niya. Nahinto lang kami saglit nang mapansin ko iyong kuwartong katabi ng kuwarto niya.

Nginitian niya ako at nilapitan. "Wanna see what's inside?"

Tumango ako at sinundan ko na siya roon. Naka-electronic-password iyon at hindi gaya sa gate at pinto ng bahay niya na ending ng value of Pi ang passwords, isang date ang naging passoword ng sekretong kuwartong iyon.

Pagkabukas niya ng pinto ng kuwartong iyon, tumambad sa akin ang iba't-ibang lumang gamit. Tila mga kasangkapan ito sa dating bahay na kinolekta niya at nilagay rito.

"These are the few things that I was able to collect from my parents' house," aniya.

Natigilan naman ako sa pagkikilatis ng mga iyon. Maliit na dinner table. Mga upuan. Mga cabinet na walang laman. Isang kamang wala ng kotson. Mga punit-punit na kurtina. Mga basag na plato. Mga kinakalawang na kutsara. Sirang orasan. Isang family picture.

Huminto ako sa huling nakita ko at pinagmasdan iyon. Ang mga magulang niya. Nakangiti ang mga ito sa larawan habang bitbit siya ng nanay niya. Naka-akbay naman ang tatay nito sa balikat ng nanay niya. He's still small in the picture pero kahit ganun, masasabi kong sobrang saya nilang tatlo nang kinunan ang picture na iyon.

"Pagbalik ko sa bahay namin when I was around sixteen years' old, nanakaw na 'yung ibang mga gamit at ito na nga lang ang natira. Dito rin nakatayo ang mismong bahay namin bago ito di-nevelope. That's why I really did my best to acquire this newly renovated his when I already earning as a lawyer."

Nakangiti siya nang sabihin niya iyon sa akin. Pero ramdam na ramdam ko 'yung kirot sa puso niya. That's the reason why he can be alone in this house. It's because the memories of his parents are still here. At buhay na buhay pa ang mga alaalang iyon sa isipan niya.

Nang ikuwento niya sa akin iyon, doon ko lang din napansin na naka-arrange pala iyong mga gamit na naroon as if nasa totoong bahay talaga ang mga ito. At marahil ganoon din ang puwesto ng mga kasangkapan na iyon sa dati nilang tahanan noong buhay pa ang mga magulang niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Why do I feel like he is trap here? Nang pumasok kami rito sa loob, tila nagmistulan siyang bata gaya nang nasa family picture. At nasasaktan ako dahil doon.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon