CHAPTER 56

1.3K 30 2
                                    

DEBORAH

"Are you sure? I did well, right?" Ipinikit ko ang mga mata ko habang pinapakinggan ko ang boses ni Attorney Lexus sa kabilang linya. Nasa labas ako ng bahay at nakaupo sa malaking bangko na naroon. Tulog na si Mama at Papa at medyo malalim na rin ang gabi. Pero heto pa rin kaming dalawa, naguusap sa magkabilaang linya.

"Oo na nga, paulit-ulit e..." utas ko sa kanya. Kanina pa kasi siya tanong ng tanong sa akin kung okay lang ba talaga nangyaring paghihingi ng pahintulot niya kina Mama at Papa kanina.

"Where are they now?" tanong niya.

"Natutulog na," sagot ko.

"Deborah..."

"Hmm?"

"Thank you."

Napangiti ako ng wala sa oras.

"Facing your parents was the scariest thing I've done throughout my existence. And I'm happy that it turns out well," dagdag niya.

Natawa ako bigla nang maalala ang kaba at pagkatarantang naramdaman namin kaninang umaga. Kalmadong tao si Attorney Lexus at kanina ko lang din siya talaga nakitang halos mabaliw na sa kaba. Ganun din naman ako. Sobrang takot na takot ako kanina to the point na makailang beses ko ngang inisip na huwag na lang ituloy ang pagpapakilala ko sa kanya sa mga magulang ko. Pero iyon, natuloy pa rin. We overcome it.

"Ibalik mo 'yung mga tuyo na binigay ni Mama sa'yo! Ang dami nun!" turan ko.

"Yah! Your mother already gave this to me! At hindi ko rin naman ito lulutuin."

"Eh anong gagawin mo riyan?"

"I'm going to frame each one. These dried fishes are the token that your parents had given me. It symbolizes me finally having you."

"Yah! Nahihibang ka na ba?"

He chuckles. Kahit sa telepono ay sobrang sexy ng baritone at mababang boses niya.

"Attorney Lexus?" tanong ko sa kanya.

"Hmm?"

"Anong ginagawa mo ngayon?"

"Framing the dried fishes."

"Yah!"

"I'm already going to sleep," pagseseryoso niya.

"Ganun ba?" Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Why? You want me to come there?"

Umiling-iling ako. "Hindi."

"Then what?"

"Puwede bang kantahan mo ako?"

"Y-y-yah..." Nataranta siya sa kabilang linya.

Natawa ako. "Sige na. Pakiramdam ko, ang ganda ng boses mo e. Buong-buo. Lalaking-lalaki."

"Yah, Deborah. I can win cases, but I don't have a talent in singing."

"Kahit chorus lang..." Hindi ko pa rin mapigilang magpigil ng tawa.

"Aish!" aniya. Maya-maya pa, narinig ko siyang nag-vocalize.

Ni-press ko 'yung record sa cellphone ko nang maramdaman kong magsisimula siyang kumanta.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon