CHAPTER 49

1.4K 32 0
                                    

LEXUS

"Yah! Tell your parents na tayo na ang pupunta sa kanila..." iyon lang ang paulit-ulit niyang sabi sinasabi kay Deborah habang panay ang ikot nila sa mall. Tinatago niya lang din ang kaba niya rito. He's meeting her parents tomorrow at hindi niya alam kung magugustuhan ba siya ng mga ito. They probably want Deborah to marry a guy with a complete family at iyon lang ang tanging wala siya. His parents are both solo child at sa pagkakaalam niya ay wala na rin ang parehong grandparents niya. At sa tagal na nga ng panahong lumipas ay hindi na siya sigurado kung may mga kamaganak pa ba siya. At ngayon pa lang din ay iniiisip niya na kung anong mga klaseng tao ang mga magulang ni Deborah. But for sure his parents are good people, aniya sa kanyang isipan, simply because they raised a good child, and that is Deborah.

"Nasa probinsya nga sila. At kung pupunta tayo roon, makikilala mo ang buong angkan ng mga Galang pati na ang mga angkan sa side ni Mama..." ani Deborah nang maupo sila sa isang Ice Cream Shop. Kasalukuyan nitong kinakain ang isang crab flavored ice cream.

Pinunasan niya ang gilid ng labi ni Deborah. He tasted the ice cream stain afterwards, "You don't want that? I'll finally be able to meet your bloodline."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo. Jusko! Kapag nakilala ka ng mga Tiyuhin ko..." Pumakla ang mukha ni Deborah. "Papainumin ka lang nila buong magdamag. Habang ang mga Tiyahin ko naman, tatanungin ka lang ng tatanungin. Pagchi-chismisan ka pa pagkatapos. At ang mga pinsan ko naman..." Nahinto ito saglit. "Magaganda ang mga pinsan ko at natatakot ako na baka kapag nakita ka nila e magka-crush sila sa'yo."

He chuckles at what she said.

"Pero Attorney Lexus, eto ha..." Sumeryoso si Deborah. "Sobrang mahiyain nina Papa at Mama kaya please---"

Hinawakan niya ang mga kamay nito. "I know what to do Deborah. Promise, I won't offend them."

Nginitian lang siya nito at inubos na ang crab-flavored ice-cream.

Nanuod sila ng movie at sobrang epic fail lang ang nangyari dahil nakatulog lang si Deborah sa balikat niya. Gayonpaman, hinayaan niya lang ito. Ito ang nagbantay sa kanya the whole time kaya't deserve nitong magpahinga sa balikat niya. At nang hindi pa rin ito nagigising pagkatapos ng movie ay bi-nook na lang niya ang kasunod pang dalawang palabas.

Hapon na ng magising si Deborah.

"Bakit wala ng mga tao?" tanong nito sa kanya.

Nginitian niya lang ito at pi-nat sa ulo. He have no idea that she can be this cute.

"You sleep well..." aniya. Kinuha nito ang kamay niya at tinignan ang kanyang relo.

"NG LIMANG ORAS?" Napatili ito. "Bakit hindi mo ako ginising?"

Kinurap niya lang ng marahan ang mga mata niya.

"Eh pa'no na ang braso mo..." Hinawakan nito ang braso niya.

"Just put a triangular bondage on me later," aniya at niyakap lang siya nito.

"Sorry, pakiramdam ko, nasaktan ko ang braso mo," ani Deborah.

He closes his eyes nang mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. Attorney Lexus can't help but fall in love with her over and over again.

***

"Deborah, won't you invite me to your house?" tanong niya rito noong nasa kotse niya na ulit sila.

"No..." mahabag 'no' ang sagot ni Deborah.

"Yah! I won't judge. Promise." Minsan niya nang nakita ang labas ng bahay nina Deborah pero hindi niya pa nakikita ang loob. He can say that it is really small, but he can't see anything wrong with that. In fact, he envies Deborah's house. Maliit lang ito pero nakakasama naman nito ang sarili nitong mga magulang.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon