CHAPTER 47

1.5K 58 1
                                    

LEXUS

"Deborah?" He calls her name in a very excited tone. Katabi niya na ito sa patient bed and this is the very first time that they'll be sharing a sleeping space that as close as this. Iyon nga lang, may problema. May unan sa gitna nila palatandaan ng boundary at ayaw na ayaw ring humarap ni Deborah sa kanya. "Patayin na ba natin ang ilaw?" dagdag niya.

"Patayin kita, gusto mo?" sagot nito sa kanya. He just smiled as he keeps thinking about the coming days that Deborah will be working under him. Iba't-ibang imahe ang nabuo nito sa isipan niya. There's this one na naka-stiletto si Deborah at may dalang latigo. There's this one na istrikta ang dating pero seductive. And there's this one na tila mahiyan pero nangngalmot.

"You know the dress code at my office, right?" paalala niya rito. Business attire. And some inches of heels for the girls. Bawal ang flats.

"Hindi ako magtatrabaho sa opisina mo kung ganyan ka. Matulog ka na nga!"

"Alright. Alright..." pagsuko ni Attorney Lexus at ipinikit niya na nga ang mga mata niya. But suddenly, may naalala na naman siya. He's not yet her official boyfriend at tatanungin niya pa sana ito kung kalian siya nito sasagutin, iyon nga lang, paglingon niya rito ay nakakanganga na ito at humihilik na.

Pumaling ang ulo ni Attorney Lexus patungo rito, resting his head on his palm, giving him a good view of Deborah's face. "How can a girl sleep as fast as that?" takang-taka niyang tanong dahil sa mabilis na pagkakaidlip nito.

Matutulog na sana talaga siya nang bigla niyang maalala ang sisiw sa gilid niya. Kinuha niya iyon at nilagay sa nakangngang bibig ni Deborah.

"Kwik-kwik," ani ng sisiw na nakaupo at parang tumatae ang posisyon sa bibig nito.

Tawang-tawa si Attorney Lexus sa kabulastugan niya.

***

"Ba't parang may nalunok ako na ewan?" Nagising kaumagahan si Attorney Lexus nang magising na rin si Deborah. Umalis na ito sa patient bed niya at nagtungo na sa comfort room. Naidilat niya ang mga mata niya nang wala sa oras nang may nakitang doktor sa gilid niya.

"Yah! Bakit ka na na lang sumusulpot bigla?" tanong niya kay Doctor Matteo sabay napahawak sa chest niya.

"Was that your girlfriend?" tanong nito sa kanya. "Magkayakap kayong dalawa ng dumating ako rito," dagdag nito.

"Where's Long and Short?" pagiiwas niya ng tanong nito. Wala na rin si Short at Long sa kuwarto niya.

"They've gone for a while, taking some breakfast..." eksplika nito.

"Aish!" Pinasadahan niya ng tingin ni Doctor Matteo. Hindi niya talaga maatim na makita itong nakasuot ng white gown.

"Awooo!" Sinubukan siya nitong takutin at inirapan niya lang ito.

"I'll be removing your IV."

"WHOAA!" gulantang na gulantang na sigaw ni Attorney Lexus nang tinangka nitong tanggalin ang IV sa kamay niya. The needle, shocks! Isa iyon sa mga kinakatakutan niya.

"Yah! Bakit ka sumisigaw? Alam mo bang ang ingay-ingay---" Maya-maya pa, bumalik na si Deborah. Nag-blush ito nang makita si Doctor Matteo. Nahinto rin ito sa pagsasalita at biglang naging demure.

"Hi? I'm Doctor Matteo Greiner. Lexus' doctor. I'm also a friend of him. Kasamahan ko rin siya sa Professional Boys Club," pagpapakilala ni Doctor Matteo kay Deborah.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon