CHAPTER 50

1.6K 36 8
                                    

DEBORAH

Nang makapasok ako sa bahay namin, hindi ko alam kong saan ako magsisimulang maglinis. Maliit lang naman ang bahay namin, isang kuwarto at isang sala at kusinang magkadugtong lang pero ewan ko ba kasi, pakiramdam ko, ang dami ko talagang kailangang linisin. O kung puwede nga, i-make-over ko ito buong magdamag pero alam ko namang imposible iyon. For sure, maiintindihan naman siguro Attorney Lexus na ganito ang itsura ng loob ng bahay namin. Semento lang at hindi naka-tiles ang sahig, tuklap halos ang mga ding-ding o kung hindi man ay may kung anu-anong mga naka-dikit, at iyong ceiling namin e invisible lang kasi derecho na agad sa bubong. Hindi rin magagara ang mga gamit namin at ang talagang maipaglalaki lang namin ay isang nagkukulay dilaw ng ref at rice cooker na hilaw minsan ang luto. At isa pa, sandali lang naman siya rito bukas, magpapakilala lang siya sa mga magulang ko at aalis na pagkatapos.

Napahawak ako sa dibdib ko at naupo na lang sa isa sa mga upuan ng mesa namin nang bigla akong makaramdam ng matinding kaba. May hawak-hawak na akong walis at ready na ako magsimulang maglinis pero hindi ko pa rin talaga maiwasang mag-overthink kung ano man ang mangyayari bukas. Sa tanang buhay ko, first time akong may ipapakilalang lalaki kina Mama at Papa at hindi pa ako sigurado kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nakilala na nila si Attorney Lexus. Bagong-bago sa akin 'to at pati na sa mga magulang ko kaya ang awkward lang talaga sa pakiramdam. Pero kailangan ko pa rin 'tong gawin. Ayaw ko rin namang patago kaming mag-date ni Attorney Lexus at ayaw ko rin sa lahat ang naglilihim kina Mama a Papa. Mapa-praning lang ako kapag nilihim ko ang lahat sa kanila.

At isa pa, deserve lang din naman nilang malaman na may nanliligaw na sa akin na sobrang gusto ko. Hindi naman kami gumagawa ng krimen ni Attorney Lexus kaya wala dapat itago.

Tumayo na ako at nagsimula nang maglinis. Dala ng motivation, winalis ko ng maigi ang sahig tsaka nag-floor-wax at nagbunot. Tinanggal ko rin iyong mga kung anu-anong nakadikit sa dingding, mga calendar na noong nakaraang dekada pa ang petsa, mga labels ng kung anu-anong produkto, mga anime drawings ko na mukhang nakahithit ng katol, sandamakmak kong paperdolls na naging bold stars na at iba pa. Nilinis ko rin iyong invisible kisame namin na pinamamahayan na ng iba't-ibang specie ng gagamba, tinaggal ko iyong mga supot nilang may mga mummified ng lamok at langaw.

Medyo nabuhayan ako ng loob noong medyo umaliwalas na ng kaonti ang bahay namin pero bigla ulit akong nalugmok nang may nakita akong dalawang ipis sa ibabaw ng cabinet na naglalampungan, at mas nalugmok pa nga ako dahil nang matapos nilang paligayahin ang isa't-isa ay lumipad sila sa kung saan-saan.

"Paano kung may dumapong ipis sa mukha ni Attorney Lexus bukas?" naitanong ko sa sarili ko pero umiling-iling lang ako at sinampal ang bibig ko, "Hindi magkakatotoo ang sinasabi ko. Hindi magkakatotoo."

Sa CR namin, wala akong naging problema. Kung ano ang kinadugyot ng bahay namin, iyon naman ang ikinalinis ng banyo namin. Naka-tiles ang sahig nito at kompleto lahat sa mga panglinis. May flash pa! At may albatros pa kami!

Ako ang nagpagawa nito noong sumahod ako sa pinakaunang pagkakataon pagkatapos kong gumraduate. Sa loob kasi ng 20 years, banyong gawa lang talaga sa trapal ang gamit namin na kapag tinaas mo ang tingin mo tuwing gabi habang nakaupo ka sa bowl ay makikita mo ang milky-way galaxy. Sobrang hirap din niyon kasi kailangan mo pang magigib ng tubig, at kapag mahangin naman ay kailangan mong suporatahan iyong mga haligi kasi kung hindi, matatangay 'yung buong banyo at masisilipan ka.

10:12 PM nang lumabas ako ng bahay para bumili ng makakain ko sa hapunan. Dumaan ako sa likod at dumerecho na roon. Pagkatapos kong dumaan sa maliit na tulay, lumiko ako ng kaonti at sa wakas ay nakarating na ako sa isang maliit na tindahan.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon