CHAPTER 46

1.5K 56 3
                                    

DEBORAH

Nakatulala lang ako habang pinapanuod ko siyang sinasagot ang mga tanong ng mga reporters sa kanya. Nasa gilid lang kami ni Kuya Short at Long at kahit nga sa puwesto namin doon ay sumasakit na ang mga mata ko sa daming nagfa-flash na camera sa paligid. Attorney Lexus was not even bothered by it at kahit nga sabay-sabay na may nagtatanong sa kanya ay nagagawa niya pa rin sumagot ng maayos. Nanlalabo na sa akin ang nangyari kahapon dahil sa troma pero siya, detalyado niya pa ring naisalaysay ang lahat. May mga reporters na nagtatanong ng patungkol sa aming dalawa pero hindi niya sinasagot iyon. Only what happened last day and what he'll be doing about it are the only topics he's entertaining.

"The rebels can be used as state witnesses, and I hope that the government will help them in securing their family. And incase they'll need an attorney, I am willing to represent them."

Kahit iyong mga nurse at pasenyente sa ospital ay napapalakpak sa ending statement niya. Yumuko na siya sa harap ng mga reporters at sinundan na nga namin siya papuntang elevator. Marami pa sanang tanong ang mga reporters pero wala nang nagawa ang mga ito nang manahimik na siya.

"Are you impressed by my conversational skills?" tanong niya sa akin noong paakyat na kami.

"'Di ah...." sagot ko. "Sinagot mo lang naman ang tanong nila. Hindi ka naman nag-oration o tumula."

"Y-y-y-yah..." hindi niya makapaniwalang sabi sa akin.

Tinawanan ko lang siya. Pagdating namin sa kuwarto niya, agad siyang napahiga sa patient bed, complaining na sumakit na naman ang balikat niya.

"He was shot three times on his right arm. Tatlong beses na rin itong naoperahan..." hayag sa akin ni Long.

"Bakit? Sinong bumaril sa kanya?" may pagaalalang tanong ko. Hindi namimilipit sa sakit si Attorney Lexus pero ramdam ko iyong sakit na nararamdaman niya. Kuya Short was massaging his right arm habang hinihintay namin na may dumating na nurse at doktor.

"Iyong mga nakakalaban niya sa korte. Madalas kasi, binabalikan talaga siya."

Napatingin ako kay Attorney Lexus. His life, as always, is in danger. Takot ang namutawi sa puso ko habang iniisip ko kung ano na ang mga napagdaanan niya. Kumikirot din ang puso ko sa isiping kada may nasasalba siyang buhay ay napapahamak naman ang kanya. But still, he choses this profession. And he has no choice but to his do duty, at gawin ito ng tama.

He was given a shot of some painkillers at kumalma na nga siya pagkatapos. Maya-maya pa, dumating na rin ang mga kaibigan niya sa Professional Boys Club na hindi naglaon ay pinalitan ng mga staff niya, sumunod din niyon ang mga dati niyang natulungan na inalam kung ano na kondisyon niya. Kaya hindi na rin nakakapagtatakang nagmistulang grocery store ang room niya makalipas lang ang iilang oras. Puno na ito halos ng mga regalo ng mga bumisita sa kanya. Iba't-iba ang mga natanggap niya. Mula sa mga mamahaling bagay hanggang sa mga simple lang. May nag-regalo pa nga sa kanya ng isang dosenang tray ng itlog at mayroon ding nagbigay sa kanya bagong pisang sisiw.

"Mabuti ka talagang tao, no?" tanong ko sa kanya noong wala ng bumibisita sa kanya. Tulog na si Long at Kuya Short sa sofa. Nakaupo lang ako sa tabi niya.

"How did you say so?" aniya habang pina-pat iyong sisaw na nasa ibabaw ng kumot niya.

Napatingin ulit ako sa kuwarto niyang nagmukha ng grocery store. "Kasi maraming concern sa'yo. You're surrounded with good people, that's why you are a good person."

"Kwik-kwik!" Hindi niya ako sa sinagot. Kinausap niya lang 'yung sisiw. Nagsiliparan bigla ang dandruff ko dahil sa inis.

"Have you considered it?" tanong niya sa akin nang tinigilan niya na ang pagbi-baby sa sisiw.

"Ang alin?" tanong ko.

Nilaan niya ang tingin niya sa akin. "You, entering in a law school. "Kumurap siya nang may maalala. "By the way, Long will be depositing to your account the remaining half of your reward."

Tumango ako at binalik ulit ang topic namin. "Actually, Attorney Lexus, nagdadalawangisip pa ako. Una, hindi ko alam kung kaya ko ba siyang ipasa. At pangalawa, what if maipasa ko nga siya, pero mairaraos ko ba ang bar exam? At kung mairaos ko man at maging attorney nga ako, mapapanindigan ko ba? Sa ilang araw pa na nakasama kita, nakita ko kung gaano kadelikado ang propesyon mo at hindi ko alam kung kaya ko ba ang ginagawa mo."

"Then what are you going to do? You're going to go back on that cheap magazine again?"

Naipikit ko ang mga mata ko. Magaaway na naman ba kami?

"They've fire you once just because you lack the connections. And that is already an enough reason for you to reconsider your decision on coming back to them. You're not a garbage, Deborah."

"Hindi na ako babalik sa kanila..." eksplika ko sa kaniya.

"Then what are you going to do now?"

"Hindi ko pa alam," pag-amin ko sa kanya na tila naintindihan niya naman.

"Alright, then work in my law firm. Long is my official secretary and he'd been asking me to provide him an assistant due to his heavy work. And I think you'll qualify."

Natanga ako sa sinabi niya.

"My law firm can provide a learning experience for you about legal stuffs, and with that I hope what you'll learn will help you think again about entering in a law school. Mas maganda na rin iyon para ma-monitor kita. I might just lose my mind thinking of you working in a company that is not mine."

Pinamulahan ako sa sinabi niya.

"Pero Attorney Lexus, ano na lang ang iisipin ng mga staffs mo? Na hi-nire mo na lang ako dahil may connection ako sa'yo? Unfair 'yun sa kanila!"

"Who say's you'll be automatically hired?" May ngiti sa mukha niya.

"Ha?" Natameme lang ako.

"You'll undergo in a screening first, and let's see if you'll pass."

"K-k-kailan?"

"Now."

"H-h-ha? A-a-ano naman ang gagawin ko?"

He hand-gestured na lumapit ako sa kanya. Ginawa ko naman iyon.

"Deborah, this is your first and last test..." aniya.

Kumurap-kurap lang ako.

"Lawyers should be good at non-verbal communication. I'm going to utter something silently and you should be able to guess it."

"Okay." Tumango-tango ako.

He utters something weird. It's like ICU, IUO or IPO.

Pumaling ang ulo ko. Hindi ako sigurado pero ito ang sagot ko, "I love you?"

Ngumiti siya. "You're hired."

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon