CHAPTER 59

1.2K 29 1
                                    

LEXUS

-Deborah, I'm already home. How about you? May ngiti sa mga labi ni Attorney Lexus nang i-send niya ang text na iyon kay Deborah. Sa tanang buhay niya, ngayon niya lang natanto na may saya rin palang naidudulot ang pagti-text. Kadalasan kasi ay sa mga business transcations niya lang ito ginagamit but look at him now, he's already using it to inform someone that he's already home, that he's work is already over at may oras na siyang makipagkulitan sa kung kanino niya man ito pinadala.

Derborah: Talaga? Kumain ka na ba?

Binaon ni Attorney Lexus sa unan ng sofa niya ang sariling mukha nang matanggap ang reply nito. It was just a short text pero ang laking saya ang idinulot niyon sa kanya.

-Not yet. ☹

Naka-sad emoji pero nakangiti talaga siya nang ti-next iyon.

-DEBORAH: Bakit? Kumain ka na. Gabi na.

"Burp!" Biglang napadighay si Attorney Lexus. Sa totoo lang ay kakatapos niya lang talagang kumain.

-Okay. I will eat now because you said so. 😊

This time, mas malawak na ang ngiti niya. He's even trying to smile like how the emoji looks like.

"I'm cuter than the emoji!" puri ni ni Attorney Lexus sa sarili niya.

DEBORAH: Sige, i-text mo lang ako kapag tapos ka na ha?

Binaon ulit ni Attorney Lexus ang mukha niya sa unan. Kasalukuyang tumutuka ng bigas ang alaga niyang sisiw na si Kwi-Kwik na ngayon ay nasa ibabaw ng center table at kamuntikan pa nga niya itong ma-head-lock dahil sa kilig.

Napatingin si Attorney Lexus sa digital clock na nasa sala niya. 9:45 PM. By 10:00 PM, I'll text her that I'm already done. Hinintay ni Attorney Lexus ang oras at nang hindi niya na nga nakayanan ang bagal ng pagtakbo ng panahon ay ti-next niya na si Deborah by 9:47 PM.

-Done. 😊

­DEBORAH: Ang bilis naman yata. Kumain ba talaga?

-Yes. 😊

DEBORAH: Okay. Attorney Lexus, magbabanyo lang ako saglit ah?

"Yah! Yah! Yah!" pagalma niya nang mabasa ang text nito. Medyo nabantutan siya pero hindi niya makakailang nangangamba siya dahil hindi niya alam kung kailan siya ulit re-reply-yan nito.

9:51 PM. 9:57 PM. 10:01 PM. 10:07 PM. 10:11 PM.

Dinadalaw na siya ng matinding antok pero hindi pa rin ito nagre-reply. Nilinis niya na ang pinagkainan Kwik-Kwik pero hindi pa rin ito nagre-reply. Nakapagbasa na siya ng dalawang chapter ng libro pero hindi pa rin ito nagre-reply. Nakapag-shower na siya ng saglit pero hindi pa rin ito nagre-reply. At nang lumipas na nga ang isang oras ay tinawagan niya na ito.

"Yah... Deborah..." parang bata niyang pagtawag rito. "Are you still in the bathroom? What did take you so long?"

"Hijo? Ikaw ba 'to?" Bigla siyang napatayo nang marinig ang boses ng Nanay nito.

"Yes po! Yes po, Mama!" Naipikit niya ng mariin ang mga mata niya.

"Hinahanap mo ba si Deborah? Naku, tulog na e."

What the hell? Napasigaw si Attorney Lexus sa isipan niya. Nakatulog ito sa banyo?

"Ganun po ba, Ma?" Napangiti siya nang matanong nag-exaggerate na siya sa pagiisip. For sure, nasa kuwarto na ito at tulog na tulog na.

"Oo, gusto mo bang gisingin ko?"

"Ma, huwag na po..." pag-i-insist niya na sa huli ay hindi naman nito sinunod.

"Huy, Deborah! Tumatawag sa'yo ang magiging manugang ko. Sagutin mo!"

Nakagat ni Attorney Lexus ang ibabang labi niya. Narinig niyang tumili si Deborah dahil sa inis matapos pinilit na gisingin ng nanay niya pero sa huli ay kinausap din naman siya nito.

"Yah! Bakit ka pa nanbubulabog ng tao?" sigaw nito sa kanya sa kabilang linya. Hindi niya maarok ng kanyang isipan kung ano ang itsura nito ngayon.

"Deborah..."

"Ano?!"

"Good night."

"Oo na! Matulog ka na rin, okay?"

"Ok---" Binabaan na siya nito ng telepono, pero kahit ganun, natutuwa pa rin siya rito.

Paakyat na siya ng kuwarto niya sa second floor nang mag-ring ang phone niya. Deborah's calling him. Mabilis niya itong sinagot.

"Attorney Lexus..." mahina ang boses nito at inaantok. "Sorry kung hindi na kita na-reply-yan ha? At tsaka matulog ka na rin ha? Good night..." malumanay na sabi ni Deborah at napa-walling na nga lang si Attorney Lexus dahil sa kilig.

Nang makatulog siya, napanaginipan ulit ni Attorney Lexus ang giant tuko. Pilit nitong kinukuha si Deborah sa kanya at tila na-immune na rin ito sa powers niya dahil hindi na ito tinatalaban ng sigaw niya. Kaya ang ginawa niya, buong-puso siyang nakipaglaban dito hanggang sa magapi niya nito. Hinalikan siya ni Deborah sa pagwawakas ng panaginip niya.

"P-p-pwe!" nagising si Attorney Lexus kinaumagahan nang nasa bibig niya na si Kwik-Kwik at kasalukuyan siyang iniiputan nito.

***

"Good morning Attorney Lexus!" Panay ang bati sa kanya ng mga staff niya nang makarating siya sa opsina at panay lang din ang pagtanggap niya sa mga bati nito. Naroon na si Deborah sa tapat ng opisina niya, at gaya ng kahapon, sobrang ganda ulit nito.

"Good morning..." bati nito sa kanya.

Tumango siya, huminga ng malalim at sinuot ang parehong kamay sa bulsa.

"It's going to be a busy day, right?" tanong niya rito.

Tumango ito. "Yes, pero maaga po kayong matatapos."

Gumuhit sa mukha niya ang isang ngiti. Deborah's holding his schedule at anytime ay puwede nitong baguhin ang oras ng trabaho niya.

"Why? Do you want me to come home early?"

Tumango si Deborah. Hindi nakapagpigil ng ngiti si Attorney Lexus. "Yah, Deborah---" Sinundot niya si Deborah sa gilid.

"Babantayan natin si Baby Brent mamayang hapon kasi aalis ang mama niya," giit ni Deborah.

Natanga siya. Akala niya pa naman iba.

"Sure, I want to see that kid again too..." Sumeryoso na siya at pumasok na siya sa opisina niya. He did everything para mapadali ang trabaho niya. At nagawa niya ngang bilisan pa ang kilos niya dahil naroon ang nagbibigay ng lakas sa kanya.

Deborah's my energy booster, aniya sa kanyang isipan habang nagpipirma ng documents at panay lang ang tingin rito na ngayon ay nakabantay lang sa labas ng opsina niya. Lumingon si Deborah sa kanya at mas bumilis pa nga ng 10x ang pagpipirma niya, without her, I am lifeless. Tinawan siya nito.

"Yah! What do you think you're doing?"

Natigil lang si Attorney Lexus nang dumating na si Long at sinita siya. Dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa ginagawa niya. Tapos niya nang pirmahan ang lahat ng documents pero napuno naman tantos ang table niya.

<*TUKO!*><*TUKO!*>

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon