CHAPTER 34

1.6K 53 2
                                    

DEBORAH

"Deborah..." May sinasabi siya sa akin. "You said I should be sincere with my self..." Pinakinggan ko iyon ng maigi. "Then I am going to be honest right now...." Nakayakap pa rin ako sa kanya. "Sige lang..." bulong ko sa kanya. Maya-maya pa ay nagsalita ulit siya. "Please don't leave me..."

Napaiyak akong lalo sa sa sinabi niya. But this time, hinarap ko na siya at pagkatapos ay hinawakan ang pisngi niya. Tumawa ako habang umiiyak nang makita ang mukha niya.

"I can't promise that, Attorney Lexus. No one stays forever Lahat ng tao ay umaalis. But partings, farewell and goodbyes should not stop us from living life, right?"

Yumuko siya. Hinawakan niya ang kamay ko. "Stay..." he said. "Stay with me..."

Tumawa ulit ako. Nagpunas ulit ng luha. "You're drunk but I hope you are sincere with yourself, Attorney Lexus. Hmm?"

Tumabi na akong muli sa kanya. Bumalik na rin ang mga empleyado niya sa pagkakaupo mula sa pagkaka-group-hug. Umikot ulit ang bote. Tinuro niyon si Attorney Lexus.

"Ako?" Tinuro niya ang sarili niya, medyo pagod na ang mga mata at namumula na rin ang pisngi niya. Dahil sa naging katuwaan kanina pa, napadami na ang inom ng iba. Some of us are totally drunk and some of us are just tipsy.

"Well, I'm Attorney Lexus Park. And I am your boss."

Natawa ako sa sinabi niya.

Maya-maya pa, sumeryoso na siya. "I-I-I-m just like an ordinary person like all of you, punks! Except that I'm a bit more complicated person. My mother takes her own life when I was ten. She was pregnant with my sister when the doctor found out that child she's carrying has incomplete body parts. The doctor suggested that she should consider an abortion. Or else, pareho silang malalagay sa panganib ng kapatid ko. My mother rejected the doctor's advice. She wants to deliver the baby no matter how it will look like. She wanted to take a risk of giving birth to it. But my father who was a paralegal that time, insisted that that she should consider aborting the baby. But my mother insisted that she would not. Not until she suffered severe bleeding on her eight month of conceiving. Dinala siya sa ospital at nagagaw-buhay siya. The doctor made my father choose between the baby and my mother. And my father chose his wife. Paggising ng mama ko, wala na ang baby niya. She could not take it that's when they got home, she took her own life using my father's gun. And I was there when I saw it...." Umiling-iling siya. Hinagod ko ang kamay ko sa likod niya.

"Dali-dali siyang pinuntahan ng tatay ko na nasa labas ng bahay that time. Isinugod niya ito sa ospital pero huli na ang lahat. And what's worse was that, siya pa ang napagbintangang pumatay rito. That's why, during the funeral of my mother, I was just alone." Yumuko siya. Pinigilan ang sariling huwag maging emosyonal. But he failed.

"My father came back but my mother was already buried that time. At ang mas malala pa, pinabalik siya agad sa kulungan. And even though I was just ten that time, naging witness niya ako. Yet no matter how my father reasons every trial, hindi siya pinapakinggan ng judge. And even his own attorney was not trying to make an effort. At sobrang huli na ng napagalaman kong pinolitika pala siya. His own attorney which is his own boss plots him to become the murderer of my mother. Huli na rin ng malaman ko na ang rason pala kung bakit iyon ginawa ng boss niya sa kanya was that, as his paralegal, maraming napagalamang maruming gawain ang papa ko habang nagtatrabaho ito sa kanya. His boss has been kissing politician's ass from time to time, and when he decided that he could no longer take it, nag-resign siya rito at naging whistleblower. Binalikan siya nito and my father who was as poor as hell that time..." Umiyak siya at kahit ako na nakikinig sa kuwento niya ay nadudurog din ang puso.

"...died at his own cell. He was not even taken to the hospital when he suffered a heart attack."

And that's the reason why he become an attorney. Masakit ang pinagmulan pero maganda ang naging resulta. And I am just so proud of him.

"Yah!" Sinubukan niyang tumawa. "Change the game. This is no longer fun."

"Okay! Okay! Level up na tayo!" Kuya Short lighten the mood at nag-set na nga ito ng level-up game. Nilingon ko siya. He chuckles when I wipe his tears.

"Truth or dare?" tanong ni Kuya Short matapos umikot ng naparaming beses ang bote. Marami na rin ang nakapag-dare at marami na rin ang nakapag-truth.

"Dare!" game na sabi ni Attorney Concept nang siya ang itinuro ng bote.

"Okay, bumunot ka..." Pinabunot ni Kuya Short si Attorney Concept ng isang 'dare' sa fish bowl.

"Kiss your crush," pagbasa nito sa nabunot sabay ipinakita sa amin.

Inosenteng napatingin si Attorney Concept sa akin. Natawa lang ako.

"Yah! Let me take his dare!" pagvo-volunteer ni Attorney Lexus.

"Yah, Attorney Lexus, I want to kiss Deborah!" ani Attorney Concept pero hindi na siya nakapalag nang hinalikan na siya ni Attorney Lexus sa lips. Tawang-tawa kaming lahat sa nangyari. Their kiss even lasted for a minute.

Madaling araw na natapos ang game na iyon at ang iba nga ay doon na nakatulog sa buhangin habang ang iba naman ay nakabalik na sa hotel pero sa foyer pa lang ay bagsak na.

Kaming dalawa lang ni Attorney Lexus ang masuwerteng nakabalik sa kuwarto namin. He's already very drunk pero nagawa ko naman siyang alalayan. Pinahiga ko siya sa kama namin pero siya na ang nag-insist na ako na ang hihiga sa kama at doon na siya sa sahig. Wala rin naman akong nagawa kaya kinumutan ko na lang siya.

Kaonti lang ang nainom ko kaya medyo pagsakit lang ng ulo ang natamo ko. Hindi rin ako mapakali sa kama ko. Panay lang ang paglipat-lipat ko ng posisyon.

"Yah! You're too noisy!" inaantok niyang sita sa akin habang nakahiga na siya sa sahig.

"Gising ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

"What do you think?" sarkastiko niyang tanong.

Sinilip ko siya. Nakatihaya siya habang nakadantay ang kanang braso sa noo niya. Nakapikit na ang mga mata niya.

"May sasabihin ako...." Napalunok ako nang bumalik na ako sa pagkakahiga.

I'm going to confess to him.

Tinapangan ko ang sarili ko. "Attorney Lexus, alam kong mali ito pero..."

Kinagat ko ang ibabang labi ko, saglit na nagpigil ng hininga at napatitig sa kisame. "Pero sa tingin ko...."

Ipinikit ko ang mga mata ko ng mariin. "Gusto yata kita."

Hindi ko alam na ganito pala kahirap maging sincere sa sarili. Ang dali-dali ko lang iyong sinabi sa kanya na magpakatotoo siya sa sarili niya pero hindi ko alam na ganito pala kahirap. All it takes was just three words. Three simple words. Pero sa tingin ko ay hindi yata ang mga salita ang nagpapahirap sa pagpapakatotoo ng isang tao. It is the act of breaking the wall before saying it. It is accepting what's behind the wall after saying it. At sa mga taong nagpapakatotoo sa mga sarili nila, isa lang ang masasabi ko, kayo, tayo, ang tunay na mga matatapang.

"Yah! Attorney Lexus Park? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Sinabi kong gusto kita..." sita ko sa kanya nang hindi man lang siya rumesponde sa naging confession ko.

Sinilip ko siya at doon ko nalaman ang dahilan ng kanyang pananahimik.

Nakanganga na siya at nasa malalim ng pagkakaidlip.

<*TUKO!*><*TUKO!*>

***

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon