CHAPTER 2

5.3K 127 12
                                    

DEBORAH

"Deborah, what is this this? Ano 'to? Sabihin mo nga sa akin kung ano 'to?" tanong sa akin ng editor-in-chief naming si Ma'am Liza habang hawak-hawak ang tatlong pages ng blog-post na si-numbit ko sa kanya kaninang tanghali.

Junior writer ako sa TIPSY MAGAZINE at sa pinaka-unang pagkakataon ay na-toka ako sa steamy column.

Madalas ay palagi akong nasa technical column at gawain ko lagi ang isulat ang mga bagay-bagay patungkol sa mga bagong brand ng kitchen utensils ngunit last week, nagkaroon ng shifting ng mga trabaho at simula kahapon ay napunta nga ako sa column kung saan kailangan kong magsulat ng mga bagay-bagay patungkol sa sex.

At pinakaunang naging topic ko, patungkol lang naman sa unang sexual encounter.

"May mali po ba Ma'am?" tanong ko. Kung alam niya lang. Kung alam niya kung paano naging ka-awkrward ang pagsusulat ko sa blog post na iyun. Kung alam niya lang!

Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakaranas na makipagtalik.

Ni hindi ko nga alam kung ano ang pakiramdam ng makipaghalikan.

Ni hindi ko nga alam kung ano ang itsura ng saging ng lalaki.

Ni hindi ko nga alam kung talaga bang dalawa ang bayag nila.

Kaya kung ano man ang sinulat ko roon, talagang grabe ang effort na ang ginamit ko roon at talagang wagas na wagas na ang pag-consume ko ng aking imagination.

"Deborah, sabihin mo nga sa akin..." Ipinikit ng EIC ang mga mata niya at inilagay ang kanyang kanang kamay sa kanyang bewang.

"Hindi ka pa nakakaranas na makipag-sex?" Sa tanong niyang iyun ay napunta ang lahat ng atensiyon ng editorial team sa direksyon namin. Maging ang mga nasa legal at accounting ay napatingin na rin sa amin.

I was caught off guard.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

If I'll answer 'YES', mapapahiya ako. If I'll answer 'NO', I'll just be fooling my self kasi hindi pa naman talaga ako nakakaranas makipag-sex.

"Virgin pa po ako Ma'am," mahina kong sagot.

Sa sagot kong iyun, nakarinig ako ng iilang mahinang pagtawa at ang mas malala ay may nalalaglag pa sa upuan.

"Miss Deborah, do you think I'm joking right now?" tanong ni Ma'am Liza.

Umiling-iling ako. "Ma'am! Do you think I'm joking right now too?"

Oh my God! Pinagsasabi ko? Boss ko 'yan!

"Then Miss Deborah, if you want to keep this job then ayusin mo ang pagsusulat mo. The blogpost I required you to write needs to be intense. Para ka lang nagsulat ng patungkol sa bagong brand ng tinidor e."

Mayroon ulit natawa at dahil sa labis na kahihiyan, napayuko na lang ako sa mismong cubicle ko.

"Write a decent one! Write a real one! I'm giving you a two-week deadline at kapag hindi mo pa rin 'to naayos, pasensyahan na lang tayo. Maraming nakapila para sa trabahong ito and I can replace you anytime!"

Naiwan ako roon ng wala ng mukhang mahirap kahit kanino. Inikot ko ang aking swivel chair at nagtago na lang sa aking desk.

I feel so pathetic.

Pangatlong trabaho ko na ito and I can't just lose this one.

Bukod sa baka wala ng tumanggap sa akin at ayaw ko ring magkalamat ang resume ko.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon