CHAPTER 71

1K 30 5
                                    

LEXUS

"It's just impossible that your father doesn't have any witnesses to help him out," ani Attorney Lexus habang palakad-lakad silang dalawa ni Deborah sa highway na nasa tapat ng dumpsite kung saan nangyari ang aksidente kahapon ng umaga. Habang nasa likod ang parehong kamay ay nilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar at kung hindi mga poste ay puro mga bundok ng basura, at mga maliliit na bahay at bakanteng lote lang ang makikita niya. Lagpas alas dose na kagabi nang makauwi silang dalawa ni Deborah sa bahay niya at ngayon ay nandito na naman sila. Inikot muli ni Attorney Lexus sa pangangalawang pagkakataon buong dumpsite at nang tumama nga ang sinag ng bukangliwayway ay naningkit lang ang mga mata niya. He felt that Deborah is looking at him with hope kaya agaran niya ring kinatagpo ang mga titig nito.

Her eyes are still lovely despite of the fact na grabe ang iniyak nito kahapon. Pero mas maganda pa rin ang mga mata nito kapag pinaresan ng ngiti. That's why he hopes that Deborah would no longer cry anymore. At gagawin niya ang lahat hindi lang umiyak muli. At kung iiyak man ay sisiguraduhin niyang dahil ito sa sobrang saya.

"Deborah, the most important thing a lawyer should posses is always the evidence and the witnesses of his client. Kung wala ang mga iyon, hindi rin rin mapapakinabangan ang galing ng isang lawyer..." eksplika niya kay Deborah nang hindi ito nakapagsalita pagkatapos siyang titigan ng matagal.

Hinawakan niya ang mga balikat nito. "And most importantly, the evidence should always be true and that the statement of the witnesses are not fabricated."

"Pero may mga attorney ring gumagawa ng hindi tama 'di ba?" tanong nito sa kanya.

Nginitian niya ito. "Lawyers should always tell the truth. A lawyer who doesn't is not a lawyer but a liar."

Namapangiti si Deborah sa sinabi niya. "Vincit Omnia Veritas..." anito.

"Whoa! Pa'no mo nalaman 'yan?" tanong ni Attorney Lexus.

"May painting na naka-frame na ganoon sa sala at sa office mo..." anito.

"Do you know what it means?" tanong niya.

Tumango si Deborah. "Truth conquers all."

"Whoa!" Napahangang muli si Attorney Lexus. "Now that you have already decided that you want to be a lawyer, I'm already starting to get nervous. Yah! You might just steal my name as a star lawyer." He chuckles.

Hinawakan lang siya sa kamay ni Deborah. "Attorney Lexus Park?"

Tinitigan niya ito sa mga mata niya. Maya-maya pa, niyakap siya nito. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka."

Niyakap niya ito pabalik at pinakinggan lang nang muling magsalita. "Ako lang ang inaasahan nina Mama at Papa, at kung ako lang siguro magisa ang humarap nito, hindi ko alam kung magagawa ko 'to ng tama. Thank you, Attorney Lexus."

What he admires the most about Deborah is she can say what she really feels inside. Deborah cries when she feels the need to so. Hindi ito natatakot magpakita ng emosyon at mga kahinaan. Something that she thinks her weakness, but the truth is, it's actually her greatest strength. Attorney Lexus is completely aware that it takes a lot of power to be soft. Bagay na madali lang na nagagawa ni Deborah.

"Yah? I'm already your boyfriend, when would you drop the honorifics?" tanong niya rito. May dumadaan-daan nang sasakyan sa highway na nasa gilid nila.

Humiwalay sa pagkakayakap sa kanya si Deborah. "Mas gusto kong tawagin ka sa ganoong paraan."

"Yah, everybody calls me Attorney. What about 'Ko'?"

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon