EPILOGUE PART 1

2.1K 40 0
                                    

Note: Advance happy valentines' day! Thank you for waiting on this update! This epilogue still have a part two which will be updated tomorrow. Enjoy reading!

-Joey J. MakathangIsip

LEXUS

Leaving Deborah was never his intention. Kahit kailan, hindi-hinding niya nakita ang sarili niyang iiwanan niya ito. He just loves her so much and that ever since he fell in love with her, pinangako niya nang ilalaan niya na ang habang-buhay niya kasama ito. Not until the time came na kinailangan niyang putulin ang ugnayan niya dito dahilan upang siya na mismo ang umalis dahil hinding-hindi niya ito kayang ipagtabuyan. True enough, he never looks back nang iwan niya ito sa gabing iyon. He never hesitated a second. But he only did that simply because by just one wrong move of him looking back at her, alam niyang babawiin niya lang ang naging desisyon niya. He wants to be with her that time, pero hindi iyon maari. He's penniless at maya't mayang may banta sa buhay niya at hindi niya rin makakayanang madamay ito. Sticking with her means losing her slowly. That's why he did that. That's why he chose to walk away kahit sobrang sakit.

Akala ni Attorney Lexus na makakayanan niya ang mga sumunod na araw pagkatapos ng paghihiwalay nilang dalawa ni Deborah but he failed at his expectation. Walang sandaling hindi niya iniyakan ang pagkawalay niya rito. Palaboy-laboy siya kahit saan at hindi niya mawari kung ano pa bang gagawin niya sa buhay niya. He'd lost everything at hindi niya alam kung makakabangon pa siya. But what made him strong during those days was that the fact that Deborah is finally safe now that he's away from her. Ayos lang na siya ang maya't-mayang mapagbataan ng buhay, basta't 'wag lang si Deborah. 'Wag lang siya.

It took him months to recover bago niya natanggap na wala na ngang 'sil. Or maybe he really did not recover at all? Dahil buwan lang ang makalipas nang sinabukan niyang itayong muli ang sarili, naaala niya naman ito. That's why while secretly working as a paralegal at Judge Abdul, which is his former professor and the person he considers as his mentor, maya't maya niyang sinisilip ang kalagayan ni Deborah. He did it secretly, so she won't see him.

Napapangiti siya sa mga pagkakataong nakikita niya itong nakaupo sa loob ng bus malapit sa bintana at malayo ang tingin.

Napapangiti siya sa mga pagkakataong sinasabayan niya itong maglakad sa sidelines nang hindi siya nito napapansin.

Napapangiti siya sa mga pagkakataong binibisita niya ang tapat ng bahay nito. Sometimes, he'd stay there all night long at umaalis lang kapag umaga na.

May mga pagkakataong nakakalimutan niya ang limitasyon niya't hindi niya napapansin nakikita na pala siya nito. Pero mabuti na lang at mabilis ang mga galaw niya't agad-agad siyang nakakalis. Ngunit sa mga pagkakataong pinagtataguan niya ito, pagiyak lang lagi ang nagagawa niya. Gustong-gusto niya na itong mayakap pero hindi puwede. Hindi pa puwede.

"I'll assign you in Korea, Lexus. No matter if you'll agree or not. Ipapadala kita roon. The Pamatuan is still after you. Manatili ka pa ng ilang buwan dito't bangkay na kitang maabutan..." Judge Abdul told him. Wala siyang ibang nagawa at pumayag lang sa suhestiyon nito. He can't be dead. He still needs to be alive for Deborah.

Nilaan niya ang huling gabi niya sa Pilipinas sa pagbabantay sa labas ng bahay nito. He stayed there for some hours at nang umulan nga ay nanatili pa rin siya roon. Not until Deborah opened the window of it's room. Nginitian niya ito at dali-dali nang umalis.

Hindi niya alam kung ilang taon ang itatagal niya sa Korea kaya't labis na lang ang naging paghihinagpis niya noong nasa airport na siya. Life had just hit him so hard in the face he feels like he's giving up again. Pero pinigilan niya pa rin ang sarili niya. He needs to conquer his own sadness. He needs to succeed again. Para kay Deborah. Para kay Deborah.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon