CHAPTER 78

1K 24 2
                                    

DEBORAH

He's the happiest guy after he won his biggest and most controversial case. Nakita ko ang tunay na saya sa mga mata niya sa pinakaunang pagkakataon na habang nakikita ko iyon ay wala akong ibang maihiling kundi sana mas tumagal pa ang sayang iyon sa kanya. I wish him eternal happiness dahil alam kong deserve na deserve niya iyon.

When all the lawyers of the Pamatuan Massacre Case back out, siya lang ang nanatiling hindi sumusuko. He ket fighting for all the victims he represented. Sobrang daming resources, opportunities at clients ang nawala sa kanya dahil sa pagpa-prioritize niya sa case na iyon. Sobrang naging magulo din sa law firm niya dahil maya't-maya ang nagre-resign dahil sa natatanggap na death threats ng mga empleyado niya, pero nanatili pa rin siyang matatag sa kabila ng lahat ng iyon.

He fought for a total of six months at habang busy nga siya sa kaso niyang iyon, nagawa ko namang iraos ang pagaaral ko ng law. Today is June 30 at sa wakas ay natanggap ko na nga ang grades ko sa buong semester. Today's our sixth monthsary too at gusto ko siyang sorpresahin ngayon sa mga nakuha kong marka. Hindi ko in-expect na ganito kalaki ang mga makukuha ko not to add the fact na pinagsasabay ko ang pagaaral at trabaho. Thanks to him that I become so inspired. Gusto kong maging kasing galing niya balang araw kapag naging lawyer na ako.

"Saan ka na?" tanong ko sa kanya sa kabilang linya habang nasa waiting shed ako na nasa tapat lang ng law firm niya. Ang waiting shed na kung saan sa harap ay naroon ang mahabang pedestrian lane kung saan kami unang naghalikan as strangers at kung saan ko siya sinagot noong December 31.

"I'm coming. Yah! You should have stayed in the law firm. Bakit andiyan ka sa labas?" tanong niya sa akin.

Nilipat ko sa kabilang tainga ang phone ko. Chi-neck ko ang daan kung palapit na ba siya pero umayos ulit ako nang matanto kong wala pa siya.

"Basta! Gusto ko lang kitang i-surprsise! Dali na!" atat kong sabi. Ginaginaw na rin ako sa sobrang lamig ng panahon. It's already 6:48 in the evening at kakatapos lang ng summer kaya ganito na lang kalamig.

"Yah? Is it about your grades?"

Natatameme ako sa sinabi niya. Paanong alam niya?

"Yah?" Tumawa siya. "It's alright to fail sometimes."

Napapanga ako pero inayos ko rin naman agad ang sarili ko. "Basta, bilisan mo na okay? Masha-shock ka kapag nakita mo na ang grades ko."

"Okay." Tumawa siya ulit. "I'm on the way. I love you."

"I love you..." sabi ko sa kanya at binaba na ang tawag. I waited there for some minutes at panay lang din ang tingin ko sa mga grades ko. I got an average of 1.045. Halos lahat ng subjects ko ay flat one, liban na lang sa isang subject na medyo kinapos ako ng kaonti. It's Calculus 200.

Upo-tayo lang ang ginagawa ko sa waitingshed at medyo na-disappoint lang ako kasi by seven, nag-text siya sa akin na nasiraan daw siya ng kotse sa gitna ng daan, pero nabawi naman agad iyon nang sinabi niya sa akin na sasakay na lang daw siya ng taxi kapag dumating na si Short to pick up his car.

"Oh?" May nakita akong lalaking kasing tangkad ni Attorney Lexus na tumawid sa daang nasa tapat ko. Naka-hood ito at akala ko nga ay siya iyon pero nagkamali ako kasi hindi pala.

Hindi ko na lang pinansin ang lalaki at hinayaan na lang siya. Not until pagdating niya sa may gitna ng lane at parang may binunot siyang matalim na bagay sa likod ng bulsa niya. Kinabahan ako. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa suot niyang hood pero alam kong nakatingin siya sa akin. Agad kong ki-nontact si Attorney Lexus. Akmang sinagot niya ang tawag nang biglang mag-green na ang traffic light at magsimula na uling tumawid ang lalaki.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon