CHAPTER 18

2.3K 70 2
                                    

DEBORAH

Pagbalik namin sa law firm, halos hindi na ako pinansin ni Attorney Lexus dahil sa sobrang pagiging busy niya. Wala siyang case ngayon kaya sa opisina muna siya mananatili. Hindi ko na rin siya inisturbo roon dahil mukhang ang dami niya pang kailangang basahin at pirmahan. Kaya mas pinili ko na lang na dito na lang kasama ng mga empleyado niya. May mga staff siyang hindi masyadong busy at iyon nga ay sina Stephanie, Angelina at Joanne na administrative staff sa receiving area na siya ring naka-chismisan ko kaninang umaga.

"Pinaguusapan niyo mga girls?" Biglang sumulpot si Attorney Concept sa usapan namin. May dala-dala siyang documents at paniguradong magpapa-photocopy siya rito sa amin. Sa receiving area din kasi madalas nagpapa-photocopy ng documents ang mga staff dahil nandito ang tatlong naglalakihang photocopier.

"Venue ng Christmas party, may alam ka ba?" tanong ni Stephanie.

Kinuha ni Angelina ang documents ni Attorney Concept at tinanong kung ilang copy. Apat, sagot ni Attorney Concept. Kinilig si Angelina at panay lang ang panunundot ni Joanne sa kanya. Sa nakikita ko, crush nilang dalawa si Attorney Concept. Kinindatan niya ang dalawang babae at nagsitilian ito.

Nagkamot si Attorney Concept ng batok. "Hmm! Wala e."

"Wala ka palang kuwenta," ani Stephanie na medyo mataray talaga.

"Grabe naman 'to." Kinuha na ni Attorney Concept ang documents kay Angelina at Joanne. He thanks them. Tumili ang mga ito at bago pa makaalis si Attorney Concept ay nilingon niya muna ako

"Deborah, sabi ni Attorney Lexus, pumasok ka raw sa opisina niya by three pm," sabi niya sa akin. Napatingin ako sa relos ko. Kaka-alas dos pa lang ng hapon, may isang oras pa ako. Okay, sabi ko at umalis na siya pero bago iyon ay kinindatan niya ulit ang dalawang babaeng kanina pa kilig na kilig.

"That jerk," sabi ni Stephanie.

"Galit ka ba sa kanya?" tanong ko sa kanya. Magkatabi lang kaming nakaupo sa receiving table habang si Angelica at Joanne naman ay nakatayo sa harap namin at nagaabang lang na mga staff na gustong magpa-photocopy.

"He's my ex," pag-amin ni Stephanie.

"Talaga?" Nagitla ako. Napatingin ulit ako kay Attorney Concept na ngayon ay sa wakas natapos na sa pagpapirma ng documents at nakikipagharutan na sa sofa kasama ng apat pang junior attorney sa law firm na ito na sina Attorney Jude, Brute, Dex, at Jordan. Magkaka-edad lang sila at magkaka-height kaya mukha silang mga magkakapatid. They are brutally handsome too kaya ang sarap nilang panuorin. Gaya ng observation ko noon pa, Si Attorney Concept ang pinaka-cute at may pinakamalakas na appeal sa kanila kaya hindi nakakapagtaka na ang daming nahuhumaling sa kanya rito.

"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko kay Stephanie.

"Dahil idol niya raw si Attorney Lexus."

"Ha?" Natanga ako.

"Hangga't hindi raw ito nagnonobya, hindi rin daw siya magko-commit kahit kanino." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Okay, gets ko na na sobrang taas ng tingin ng mga tao rito kay Attorney Lexus pero ang gawin siyang santo, sa palagay ko ay labis na.

Hindi ko na nakayanan ang pagpapalipas ng oras at nang dumating na nga ang 2:58 ay pumasok na ako sa office niya. I think I have to reprimand him na ayusin niya ang mga desisyon niya sa buhay niya dahil marami ang tumitingala sa kanya na handing sundin kung ano man ang gagawin niya.

"It's not yet three..." aniya habang nagbabasa pa rin ng mga documents.

Naipikit ko ang mga mata ko. 2:59 na ng umapak ako sa tiles ng opisina niya. Lumabas ako saglit at maagap na hinintay na mag-three. Papagalitan ko pa sana siya dahil sa pagiging sobrang istrikto niya pero hindi ko na nagawa nang may sinabi siya sa akin.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon