CHAPTER 21

2.1K 62 11
                                    

LEXUS

"Huwag ka munang mamatay, please! Huwag muna!" He's having the worse muscle cramp right now at pakiramdam niya ay mas lalo pa iyong sumakit dahil sa pinaggagawa ngayon ni Deborah. Habang nagda-drive si Short at nasa passenger's seat silang dalawa ng kanyang Dark Blue Corvette Stingray ay walang itong ibang ginagawa kundi ang magiiyak sa balikat niya. Pinagsasasapak din siya nito na mas lalo pang nagpapalala sa nararamdaman niya.

"Yah!" sigaw niya rito pero hindi pa rin ito umaalis sa balikat niya. He hates that she's acting like an idiot right now pero may kung ano sa parte ng puso niya ang napapalambot dahil sa ginagawa nito. Is she really thinking that he's going to die? What a dork! Utas niya sa kanyang isip. But hypothetically, if I'm really going to die right now, ano naman ang maidudulot niyon sa kanya? She should actually feel happy. Mawawala na ang taong kinaiinisan niya.

"Deborah..." Tinawag niya ito sa pinakaminahong paraan. Sa wakas ay tumamik na ito sabay inangat ang tingin sa kanya. Basang-basa ang mukha nito ng sariling luha. "You don't know that you're a dork, do you?"

Kumurap-kurap ito sa harap ng pagmumukha niya.

"Do you know how much my coat actually cost?" tanong niya rito.

Unti-unting bumaba ang tingin ni Deborah sa parte ng damit niya kung saan ito umiyak kanina. Naitakip nitong bigla ang kamay sa bibig nang makita roon ang napakaraming uhog.

***

"Dahan-dahan!" sita niya kay Short habang maingat na dinadampian ng icebag ang balikat niya. Sa wakas ay nakabalik na sila sa bahay niya at ngayon ay kasa-kasama niya na nga ang dalawa rito sa sala niya. Nakatayo si Deborah sa gilid na tila hindi alam ang gagawin habang si Short naman ay nakaupo sa tapat niya't tinutulungan siyang mawala ang cramp niya.

"Puwedeng ako naman?" tanong ni Deborah kay Short. And when short was about to hand Deborah the icebag ay pinigilan niya ito.

"E, Attorney? Gusto ko lang ni Deborah na bumawi sa inyo," paliwanag ni Short sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hindi naman sa ayaw niyang payagan si Deborah na pumalit kay Short. It's just that he's shirtless right now at nakakailang lang kung uupo si Deborah sa harapan niya na ngayon ay suot pa rin ang cheap nitong dress na nagpapakita ng maraming balat. He might suddenly get hard at ayaw niya iyong mangyari. He's got a good size kaya magiging obvious talaga kapag titigasan siya. Not that he's lusting Deborah, he doesn't even find her a good catch. Aside from the fact that Deborah is a 'she', and the fact na may alitan sila ngayon ay malaki ang tiyansang magresulta ang simpleng pagupo nito sa harapan niya at simpleng paghawak sa kanya ng mga bagay na hindi niya kayang kontrolin.

"Ayos lang, Kuya Short. Lalabhan ko na ang suit niya..." Aalis na sana ito ng bigla siyang nagsalita.

"Kuya?" Matinis ang boses ni Attorney Lexus.

"Bakit Attorney? May mali ba?" tanong ni Short sa kanya. "Mas matanda ako kay Deborah kaya 'Kuya' ang tawag niya sa akin."

"I don't like it. Calling you a 'Kuya' makes her look like she's flirting with you." Umiwas siya ng tingin sa dalawa. "From now on, she should call you 'Tito' or else, I'll fire the both of you."

"Yah!" inis na inis na sigaw ni Deborah sa kanya.

***

"Aren't you done? Uhog lang naman ang tatanggalin mo ah?" pasigaw na tanong ni Attorney Lexus kay Deborah na ngayon ay naglalaba pa rin sa loob ng CR niya. Short is still helping him with his cramps at kahit papaano ay nawawala na rin ang sakit ng kanang balikat at kamay niya.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon