CHAPTER 57

1.2K 32 1
                                    

LEXUS

"Attorney Lexus? Sigurado ka bang ito lang ang gusto ninyong itanong namin sa kanya? Masyado naman yatang mga personal ang mga tanong na ito," anang ng kanyang departmead sa PR na si Almela. Ang natatanging binabae dito sa opisina niya na lalaking-laki ang datingan pero ang putok na putok ang blush on at nagmamantika ng glitters ang labi.

"Yah! Ofcourse you should ask some formal questions, so it won't be obvious," aniya. Kanina pa siya ninerbyos dahil maya-maya nga lang ay dadating na si Deborah para ma-interview niya at ng mga department heads niya. Sa totoo lang, he can really automatically hire Deborah pero dahil ayaw niyang maging unfair sa mga staffs niya at dahil ayaw niya ring ma-offend ang mga ito ay idadaan niya nga sa mabubusising proseso ang pagha-hire kay Deborah. Noong una ay naisip ni Attorney Lexus na for formalities na lang ang lahat ito pero dahil hanggang ngayon ay pinagtatrabahuan niya pang makamit ang matimis nitong "oo" ay gagamitin niya ang pagkakataong ito para malaman kung ano ang mga bagay na gusto at ayaw ni Deborah nang sagayon ay talagang mapasagot niya ito.

"Sir, ready na po kami!" ani ng limang department heads niya.

Napangiti si Attorney Lexus. "Aish! Looking at you right now helping me out with this made me realize that I really hire the right people for my law firm! I'm amazing, right?" aniya, bilib na bilib sa sarili.

Napangiwi na lang ang mga department heads niya at nang ibuka nga ni Attorney Lexus ang mga mata niya ay nagulantang na lang siya nang siya na lang ang magisang nakatayo roon.

"Yah! Those punks!" pagmamaktol niya at sinundan niya na nga lang ang mga ito.

***

Walang kasing lawak ang ngiti ni Attorney Lexus nang makarating na siya sa conference room kung saan gaganapin ang interview para kay Deborah. Kasalukuyan niyang pinapakinggan ngayon ang rehearsal ng mga department heads niya sa mga tanong na ibabato rito na siya rin naman ang may gawa. Tila musika sa kanyang pandinig nang marinig ang sariling ng mga tanong. He curated those questions well like a tapestry. Maingat niyang pinili ang mga salita at sinigurado niyang madali lang itong maarok ng isipan at bilang mga tanong ay madali lang ding masagot.

"Sir, nandito na po si Deborah." Pumasok si Short at umayos na nga si Attorney Lexus. He used his signature poker face.

Maya-maya pa nga ay dumating na si Deborah at kahit ano ngang gawin niyang pagpipigil na magpakita ng kahit anong emosyon sa mukha ay hindi niya magawa-magawa nang makita niya kung gaano ito kaganda ngayon.

Deborah's in a perfect business-woman attire at higit sa lahat, nakapa-pony-tail ito.

That's my girl! That's my girl! Pagpupuri ni Attorney Lexus sa isipan niya habang pinagmamasdan si Deborah. Napatingin ito sa gawi niya at hindi niya napigilan ang sariling huwag malusaw nang nginitian niya nito.

My heart! My heart! Daing ni Attorney Lexus sa isipan niya matapos dumagundong ang puso niya dahil sa ginawad na pagngiti ni Deborah sa kanya.

"Okay, let's start the formal interview..." ani Attorney Lexus nang magsiubuhan na ang mga department heads niya.

"

Nag-bow si Deborah ng matagal sa kanilang anim at hindi nga mapigilan ni Attorney Lexus na puruin itong muli sa isipan niya.

See? She's pretty but she has manners! Aniya sa kanyang isip at nagmistulan na nga siyang butete sa kanyang upuan dahil sa sobrang likot niya sa pagkakaupo niya.

"Here's my resume and application letter..." Lumapit ito sa kanila at binigyan sila ng tig-iisang-kopya ng resume at application letter nito.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon