CHAPTER 10

2.7K 69 0
                                    

This chapter was updated and written in one of the most historical day of 2019 Philippines - Nov. 30, 2019 - Opening of Sea Games 2019

________

DEBORAH

"Mag-apply ka ba ng bagong trabaho?" tanong ni Mama sa akin habang sinusuot ko ang stockings ko. Alam na nilang pansamantala muna akong walang trabaho at ngayong nakikita nila akong bihis na bihis ay iyon agad ang naging impresiyon nila. Nagpigil ako ng hininga nang hinatak ko pataas ang stockings na hanggang tuhod ko lang. "Magpapahatid ka ba?" tanong ni Papa na nagaalalang nakatingin sa akin. Nasa pintuan silang dalawa habang pinagmamasdan akong nakahilata sa aking banig na parang nagko-concieve ng bata dahil sa letche kong stockings.

"UGH!" Napaungol ako nang sa wakas ay naire ko na ang bata, este, maisuot ko na ang stockings. Tumayo na ako at nag-bow sa harap nina Mama at Papa.

"Huwag niyo po sana akong patayin kapag nalaman niyo ang gagawin ko, Mama, Papa." Pinikit ko ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko pa rin nagaalala nilang mga tingin. At bago pa nga nila isiping nagda-drugs ako ay pinaliwanag ko na nga sa kanila ang lahat-lahat. Noong una, kamuntikan pang himatayin si Mama pero kalaunan ay naka-recover din naman siya. Hindi nagalit sa akin si Papa pero panay ang paninisi niya sa kanyang sarili. Kung hindi lang daw kasi siya naging tiga-deliver ng mga basura ay baka mas naging maganda raw ang buhay ko at hindi ako nauwi sa pag-apply bilang pretend girlfriend ng isang attorney. Pero pinaintindi ko rin naman sa kanila na gusto ko rin ito. Na gusto ko rin magkanobyo kahit pretend lang. At para hindi ako magtunog malandi ay sinabi ko rin sa kanila na ang pinakahabol ko talaga ay 'yung perang maiuuwi ko at hindi 'yung mismong lalaki. Naintindihan naman nila ako at mabuti na lang talaga at malawak ang pagiisip ng mga magulang ko kasi kung hindi baka kanina pa nila ako nilublob sa drum.

Nagpumilit si Papa na ihatid ako kaya sumakay na ako sa truck niya. Medyo traffic kaya natalagan kami ng kaonti sa daan. Malapit nang mag-alas diyes bago kami nakarating at kilig na kilig pa nga ako nang sinabihan akong 'good luck' ni Papa. Sabi niya rin na huwag akong maging judgmental sa mukha ng Attorney. Panigurado raw kasing hindi 'yun gaanong kaguwapo kasi gumawa pa ng hiring magkaroon lang ng girlfriend.

"Deborah Galang?" Para akong binuhusan ng kumukulong tubig nang tinawag ang pangalan ko.

"Yes! Ako po 'yun!"

"Come in, please. Our Attorney is already waiting for you."

"Yes po... Sh*t."

"Pardon?"

"Ay, sabi ko po, 'sit'. Nakakapagod na po kasing mag-sit kaya ang saya sa feeling na makatayo na."

Peke akong tumawa at inayos ko na lang ang pagkakapihit ng itim kong palda pataas sa aking bewang. I pout my lips at parehong nilawayan. Ang tamis ng lipstick. Kinurap ko rin ang pilikmata ko to check kung curl pa ba ang eyelashes ko. Ginulo ko ang bangs ko ng kaonti and I'm ready to go.

Pero ready nga ba talaga?

"Come with me, please," the staff guided me at pumasok na nga kami sa isang napakahabang pasilyo na nagmukhang corridor towards the gates of the underworld. Pinagpawisan din ako ng sobra at pakiramdam ko ay oras ang tatatahakin namin bago kami makarating sa dulo ng pasilyo. Samo't-sariling bagay din ang gumulo sa isipan ko. Kagaya ng pagiisip kung paano na lang kung mukhang manyakis 'yung Attorney? Tapos what if yayain niya ako bigla ng mga bagay na hindi ko kayang gawin at labag sa loob ko?

"Oh!" Bigla akong napaungol nang ma-imagine kong nilalatigo ako sa puwet ng isang Attorney na kalbo, kulang-kulang ang ngipin, buto't-balat, at sobrang baho ng hininga. Umiling-iling ako. Hindi naman siguro ganoon kalala. Baka mukhang wrestler lang siya na maraming bigote at may putok sa kili-kili. Awk! Kamuntikan akong masuka. Pero grabe naman! Baka hindi naman siguro ganun. Baka mukha lang siyang igwana na panay ang labas ng mahabang dila sabay may spills na 'My precious!'.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon