CHAPTER 58

1.3K 32 0
                                    

DEBORAH

Pagkatapos kong ma-hire, derecho agad akong nagtrabaho. Pag-so-sort according to the time and ng schedule ni Attorney Lexus ang unang inutos sa akin ni Long. Nalula ako sa dami ng kanyang schedule na tipong kahit hanggang summer next year ay hindi nababankante ang kalendaryo niya. Meanwhile, in a short-run, sobrang magiging busy siya sa araw na ito ngunit bukas naman ay maaga siyang makakauwi. Mabilis ko iyong natapos at noong magla-lunch na nga ay hinila niya na ako palabas ng law-firm at sobrang huli na nga nang matagpuan ko ang sarili kong kumakain na ng fried chicken sa tapat ng store ni Maris kasama siya.

"Do you want me to fix the legalities of the vacant space next to yours? It's for rent. You can extend your store there, so you can finally serve in tables," aniya kay Maris.

Natanga ako sa sinabi niya. Kuminang-kinang naman ang mga mata ng bestfriend ko.

"Yah! Deborah! Pakasalan mo na si Attorney Lexus, ngayon na! Dali!"

Natameme lang ako habang si Attorney Lexus naman ay lumiyad ulit ang atay at nagpipigil lang ng ngiti.

Kumain pa ako ng maraming chicken. "Ayaw ko nga? Bakit ko naman papakasalan 'yung lalaking niluto ang interview ko kanina?"

Hindi na iyon narinig ni Maris dahil ang layo-layo na ang nilakbay ng utak niya kakaisip kung magkano ang kikitain niya kapag nakuha niya iyong vacant space sa gilid ng store niya.

"Yah? Do you think that I manipulate my department heads to ask you those questions?" Nakangisi siya at maya-maya pa ay humilig na sa upuan at nag-cross-arms, signature move niya kapag magyayabang na, "I'm a lawyer and I promote fairness. Do you think I would do that? And do you think too that those Department Heads of mine can be easily manipulated? Yah, Deborah, you're insulting me and my employees again."

"Kumain ka na nga!" sita ko sa kanya.

Kumain na kami ng maayos at dahil wala nga akong agahan ay medyo napadami ang kain ko. Mas nauna ring natapos sa pagkain sa akin si Attorney Lexus at napanganga na nga lang ulit ako nang pagkurap ko ay bumalik na siya sa harapan ko at kasa-kasama na ssi Baby Brent.

Nilaro-laro niya ito at tuwang-tuwa naman ito sa kanya except na lang talaga sa tinawag siya nitong...

"Titi!"

"Call me whatever you want, and I will still be your friend, okay? Achuchu!"

Nilapad-lipad niya rin ito at kahit hindi ako ang nanay ay panay lang lagi ang sita ko sa kanya na ingatan ito at baka malaglag o hindi kaya ay mahagip ng sasakyan.

"Deborah? Busy ka ba bukas ng hapon?" tanong sa akin ni Maris habang aliw na aliw si Attorney Lexus kay Baby Brent.

"Bakit?" tanong ko. Kasalukuyan na akong nagto-tooth-pick.

"Magpapa-annual check-up kasi ako bukas ng hapon kaso wala akong mapapagbilinan kay Baby Brent."

"Sige, ayos lang. Maaga rin namang matatapos ang schedule ni Attorney Lexus bukas."

Napatingin ako kay Attorney Lexus na karga-karga pa rin ang inaanak ko. Napangiti ako. Matutuwa ito bukas.

Pagbalik namin sa law firm niya, balik istrikto ulit siya at balik ulit sa pagiging busy. Tatlong kliyente ang kakausapin niya mula ala-una ng hanggang hapon hanggang uwian at trabaho kong bantayan ang pintuan ng office para masiguradong walang makaka-isturbo sa kanya roon. Luckily, sa loob ng dalawang oras ay nagawa ko naman iyon not until may dumating na apat na estudyante na nagpumilit na kausapin si Attorney Lexus.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon