CHAPTER 44

1.5K 49 2
                                    

DEBORAH

"Deborah, by any chance," Pinisil niya ang kamay ko at tinitigan niya ako sa mga mata ko, "do you I have a chance on you?"

Sa ilang araw na nakasama ko siya, eto na yata ang pinakaunang beses na narinig ko siyang magsalita ng napakahinahon. At imbes nga na magwala ang puso ko ay tila natutunaw lang ito dahil sa tanong niyang iyon sa akin. Nahirapan akong sumagot dahil sa palagay ko ay kapag nagsalita ako ay maiiyak lang ako. At ayaw ko ng umiyak sa harapan niya. I have already done enough last night.

"Attorney Lexus, I won't lie so I have to admit that I find you attractive. Sa ginawa mo kagabi at kahapon, wala kang ideya kung gaano na kita ka-gusto ngayon..." Hindi ko magawang makatingin sa kanya lalo na ng ngumiti siya dahil sa sinabi ko. Nakadaop pa rin ang parehong palad niya sa kamay ko.

"You are tall, dashing and breathtaking. Kapag tinititigan kita, pakiramdam ko, nauubusan ako ng hininga."

Pumiyok ako. Mahinahon siyang kumurap para sabihin sa akin na ayos lang.

"You have no idea how you make me nervous kapag nakikipagusap ka sa akin gaya nito. Remember that day I kissed you in the middle of the road when I was drunk?" This time tinitigan ko na siya sa mga mata niya. "I find you so dazzling that time I can't help my self but kiss you."

"How can I say this... let's say, I'm infatuated with you? Yes, that's right. But I also have to admit na hanggang doon lang ang nararamdaman ko sa'yo, like how girls would usually feel when they'll meet you for the first time. And for me, this is just too shallow, and I just don't want to settle for this."

Nagsalita na siya. "Yah! Do you think people out there automatically becomes girlfriend and boyfriend just because of love?" Tinuro-turo niya iyong mga tao sa paligid namin. "It all starts with attraction, you, dork!"

Binitawan niya ang kamay ko, hinilig niya ang likod niya sa lean back ng bench sabay nag-cross arms. "So, date me now and just decide later," aniya habang nagpipigil ng ngiti at naniningkit ang mga mata dahil sa lakas ng sinag ng araw.

At ano pa nga ba ang magagawa ko? Gusto ko siya. At gusto niya rin ako.

Tumagilid ako at nagiwas ng tingin sa kanya. Tinakpan ko ang mukha ko dahil sa sobrang hiya. Ramdam ko namang ang lawak-lawak ng ngiti niya habang nagkakaganito ako dahil sa sinabi niya sa akin.

"Yah! Huwag kang tumawa, ano ba!" sita ko sa kanya. Maya-maya pa, kinuha niya ang mukha ko at nilublob doon sa dibdib niya.

"What a brave girl. What a brave girl..." aniya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Yah, sergeants! Look at this girl? She's a brave one, right?" At dinamay niya pa talaga ang mga task force na nagbabantay sa kanya. Nakakainis!

***

By 11 AM, the doctor runs him some random test at naghintay nga lang ako sa labas ng silid kung saan siya pinasok. Kasama ko sina Long at Kuya Short roon.

"Deborah? Anong giniawa mo kay Attorney Lexus at ang lawak-lawak ng ngiti niya nang pumasok siya sa kuwatong 'to?" Tinuro ni Kuya Short ang pintong nasa harap namin. "Alam mo ba kung gaano siya ka-takot sa mga doktor?"

Napatingin din si akin si Long na kanina ay tahimik lang na naglalaro sa phone niya.

"Malawak ba? Ba't parang hindi ko naman nakita?" pagdi-deny ko. Sinundot naman ako ni Kuya Short sa gilid para tuksuhin ako. Nag-pout lang si Long.

"Pero Kuya Short, eto, seryoso. Anong nangyari sa pera ni Attorney Lexus na binigay niya sa mga rebelde? Hindi niya na ba makukuha 'yun?" tanong ko sa kanya nang maalala 'yung ten million na binigay ni Attorney Lexus sa mga rebelde kahapon para makalaya lang ako.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon