CHAPTER 60

1.3K 35 0
                                    

DEBORAH

"How come you look so pretty today?" tanong niya sa akin. Nasa labas na kami ngayon ng law firm niya at medyo napaaga nga kami dahil madali ring natapos ang trabaho niya. Magta-taxi lang din kami ngayon dahil under maintenance pa iyong sasakyan niya. Nagustuhan niya rin naman ang ideyang iyon dahil matagal na rin daw siyang hindi nakakapag-publi-transport. Papunta kami ngayon sa store ni Maris at sa katunayan ay puwede naman naming lakarin lang iyon mula rito, pero kesyo daw mainit pa at mausok, mag-taxi na lang daw kami. Nakakainis talaga. Ako 'yung babae sa aming dalawa pero siya 'yung sobrang arte.

"Maganda ba?" Umikot-ikot ako sa gilid niya.

Tumango siya. "Not that expensive but it is already fine. Did you borrow it again?"

"Hindi ah? Kakabili ko lang nito kahapon." Ina-appreciate ko pa rin ito hangang ngayon. Ang ganda kasi talaga. Pinagmukha akong flight attendant ng suot ko ngayon.

"Yah? You did even wash it?" tanong niya.

"Hindi na. Sinuot ko na agad, wala na akong ibang masuot e," sabi ko sa kanya.

"Aish! What an unhygienic girl!" sita niya na tila nandidiri sa akin.

Nilapit ko 'yung sarili ko sa kanya at tawang-tawa naman ako ng diring-diri siya. Maya-maya pa, may dumating ng taxi at sumakay na kami roon. Hanggang doon, tinutukso-tukso ko pa rin siya at kamuntikan pa nga kaming mapalabas ng driver dahil sa ginagawa namin. Pagdating namin sa tapat ng store ni Maris, nadatnan namin siyang naka-ready ng umalis at karga-karga na si Baby Brent.

Ako pa sana 'yung kukuha kay Baby Brent pero naputol agad ang excitement ko nang inuhan ako ni Attorney Lexus.

"Mabilis lang ako. Siguro, mga tatlong oras lang," sabi sa akin ni Maris. Magpapa-annual-check-up kasi siya ngayon. Minsan na kasi siyang nakitaan ng bukol sa matres niya, naagapan naman iyon pero kailangan niya pa ring magpatingin isang beses kada isang taon.

"Ayos lang. Huwag kang magmadali. Babantayan namin ng maayos si Baby Brent," pagpapanatag ko sa kanya at hindi naglaon ay umalis na nga siya.

Nakasara na ang fried chicken store ni Maris at nasa labas na kami ngayon ni Attorney Lexus kasama si Baby Brent, hindi alam kung saan namin siya ipapasyal.

"Yah! Huwag mo nga siyang halik-halikan! Matutulad 'yan sa'yo e..." sita ko sa kanya nang panay lang ang halik niya sa pisngi ni Baby Brent. Tawa naman ito ng tawa. Tila nag-e-enjoy sa ginagawa niya.

"What's with me? I'm a star lawyer, and I don't mind Baby Brent following my footsteps."

"Halika na na nga!" Hinila ko na siya at tumawid na kami ng daan. There's a great theme park nearby na kakatayo lang noong nakaraang linggo na hindi ko pa napupuntahan kaya doon na namin dinala si Baby Brent.

Iyon nga lang. wala halos pang-baby na rides doon kaya salitan kami ni Attorney Lexus sa pagsakay sa mga rides at pagsubok sa mga games. At imbes nga na si Baby Brent ang nag-enjoy e kami pa 'yung mas nagmukhang bata.

"Can we feed him an ice cream?" tanong niya noong natapos na kami sa wakas sa mga rides at games.

Tumango ako. Pinakarga niya sa akin si Baby Brent. Iniwan niya kami roon sa tapat ng dancing fountains at pagbalik nga niya ay may dala-dala na siyang tatlong ice cream at isang balloon na hugis sisiw. Tuwang-tuwa si Baby Brent nang makita niya iyon.

"Yah, I feel bad about this kid. How dare a father would abandon a handsome kid as this..." Karga-karga niya si Baby Brent habang salitan ko silang pinapakain ng ice cream.

Attorney Lexus' Wanted GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon